Una

11 0 0
                                    

Hindi ka nanghingi,

Pero kusa kong ibibigay.

Hindi ako sumusuko,

Gusto ko lang panandaliang huminto.

Ikaw...ako,

Mananatiling may "tayo."

Pero binibigyan kita ng panahon-ng oras.

Kailangan mong maging sigurado-

Ako o sya pa rin?

Maaaring nalilito ka lang o nabubulagan

sa nararamdaman o nakikita mo sa'kin

na maaaring panandalian lang.

Kaya pansamantala,

pinapalaya kita.

Mag-isip ka,

magliwaliw,

magpakasaya.

Kakayanin kong maghintay,

Basta alam kong sa huli-

Makapagdedesisyon ka.

Pero sana kung ako pa rin,

bumalik ka nang hindi pa huli ang lahat.

Dahil hindi ko kayang panghabambuhay maghintay.

Oras ang ibinibigay ko,

Kahit alam kong oras din ang kalaban natin.





Of the beautiful thoughts...Where stories live. Discover now