Chapter 7

645 13 0
                                    

(Author's POV)

"MISTOGAN!, BAKIT KA NARIRITO!" sigaw ng isang lalaki sa may labas ng pintuan ng bahay na kinaroroonan ni Dustin,,

"Nandito ang mortal hindi ba?" nanunuyang sabi ng di pamilyar na boses

halos madilim pa lang, at wala pang sinag ng araw ang lumulusot sa bawat puwang ng bahay,

"anong pinagsasabi mo!, w-wala dito ang mortal!" galit na sabi ng boses ng lalaki na alam kong si manong,,

"fui kratos" at may kumislap na liwanag na tumagos sa bawat gilid ng pinto,

napabangon si Dustin sa kinahihigaan nya..

anong nangyayari sa labas?, tanong nya sa sarili,

madilim sa loob ng bahay nila, walang nakasinding ilaw,

naghanap sya ng pwedeng pagtaguan, at ng makakita sya pilit nyang pinagkasya ang sarili nya sa ilalim ng mesa at nakakuha sya sa gilid nya ng isang kahoy na pwedeng ipang hampas

pagkatapos noon ay tumahimik,,

maya-maya pa may mga yabag na ng paang papalapit,

napalagok naman sya ng dahil sa kaba

nagbukas ang pinto,

sinilip ni Dustin kung sino ang pumasok

at kahit may kadiliman, nakita nya ang taong kinatatakutan nya

si Mistogan

ang taong dumukot kay Elysse,

isang kumpas ng kamay nito ay nagawa nyang mapatalsik ang lamesang tinataguan ni Dustin

tumayo agad si Dustin at hinampas sa ulo si Mistogan

at agad itong tumakbo palabas ng bahay

sa labas nakita ni Dustin ang mga kawawang matanda na naging bato

si manong mukhang ng tangka pang lumaban

malapit ito sa may pinto

at sa di kalayuan

si manang Frisea naman

nakaupo ito na parang namimitas ata ng gulay ngunit ang ulo nito ay nakaharap paitaas, mukang nilingon nya ung lumapit sa kanya

tatakbo pa sana si Dustin ng malayo, hanggang sa pinakamalayo sanang kaya nyang takbuhin

pero bigla na lang tumigil ang mga paa nya

at ilang segundo pa, di narin makagalaw ang katawan nito

at wala na syang nagawa, nahuli na sya ni Mistogan

--------------------------------------------------

(Elysse POV)

naglalakad ako ngayon patungo sa silid ng ritwal, kasama yung mga bodyguard dito sa palasyo,

maybe they want to try to pursue me again

well wala silang mapapala

as usual,

ako ay ako, at ayaw na ayaw kong maging iba sa sarili ko

pag bukas ng pinto

sumalubong ang mukha ng nakaupong hari sa trono nya, malapit sa ritual circle,

nakangiti ito ng mapang asar,

sarap ipalapa sa aso, kakainis, inirapan ko ito at sumunod sa kawal kung saan man nila ako ipupwesto,

Wizard's tale "The Dark Night Clan RebellionWhere stories live. Discover now