Chapter 5

871 14 1
                                    

(Dustin's POV)

uhh!

naramdaman kong kumikirot ng sugat ko sa may bandang binti,

i tried to move my body to make me feel more comf'table, pero wala ring nagawa iyon,

nakaramdam ako ng pagkabasa ng bahaging iyon ng aking binti

tila mainit na likidong dumarami at bumabasa sa damit ko

"oh!, bakit ka gumalaw hijo?!, nagdurugo ang sugat mo!"

isang boses ng babae ang narinig ko,

at kahit hilo pa ako, pinilit kong imulat mga mata ko,

noong una ay medyo blur pa ang paningin ko pero di nagtagal naaninag ko ang isang matandang babae na ngayon ay inaayos at nililinis ang sugat ko sa binti

" mabuti at nagising ka na, nakapag luto na ako ng makakain",

sabi nito habang nakangiti sa akin at nakaupo sa may upuang gawa sa kahoy malapit sa akin,

"Frisea, nandito na yung mga pinabibili mo!"

sigaw ng isang lalaki at maya-maya pa, bumukas ang pinto, nakita ko ang isang matandang lalaki na may mahabang puting balbas,

"o gising ka na pala hijo, tamang tama kakain na tayo"

mukang masiyahin naman ang dalawang matanda,

"n-nasan po ako?",

kahit mahirap pinilit ko paring makaupo sa hinihigaan ko

nagkatinginan silang saglit sabay tingin ulit sakin

"nakita kita sa Atrum forest" sabi nung mama, habang umuupo sa may upuang malapit sakin

"Atrum---forest po?" napakunot na lang ang noo ko,

"oo Atrum forest ang tawag doon" patuloy pa nito, " nagtataka nga ako kung paanong nakarating ang gaya mong mortal sa lugar na iyon, buti at nakuha kita bago pa dumating yung napakalaking warg"

"w-warg?, anu po yon?" sabi ko, bahagyang kumirot naman yung sugat ko sa binti"ahsfff"

" isa yung malaking demon wolf, ay oo nga pala nakabili na nga pala ako ng gamot mo!"

inilabas nito ang mga dahon na kulay ginto mula sa bag na bitbit nya kanina

"ginto po ba yan?", napakamot na lang ako sa ulo, astig na dahon naman nun

"oo, Astro leaf ang tawag dito, ginagamit namin to bilang gamot sa malulubhang sugat"

namamangha parin ako sa dahon,

di nyo ko masisisi, wala naman sa mundo natin ng ganun eh,

"ahhh, eh pano po ba yan ginagamit?"

napangiti ang matandang lalaki,

" mamamangha ka sa kayang gawin nito, dudurugin mo lang ito, Frisea, makikikuha naman ng pandikdik"

sabi nito sabay tayo na ni manang at kinuha yung pandikdik,

nagpaalam na rin muna ito para maayos na ang lamesa, para kakain na pagkatapos ng gamutan

pinanood ko na lang si manong kung paano nya dinikdik yung gold leaves, sayang yun,

magkano kaya yun sa mundo namin?, de joke lang!!

habang dinidikdik nya yung artro?, astro leaf?, ah ewan na kung anong tawag,

naalala ko naman bigla yung huli kong nakita bago dumilim lahat ng nasa paligid,

yung tunay na itsura nung kumuha kay Elysse

Wizard's tale "The Dark Night Clan RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon