Chapter 9

836 20 11
                                    

(Dustin's POV)

Saglit na nawala ako sa mga isipin ko ng makita ko ang labas ng kwarto...

Talaga bang may ganito kagandang palasyo?...

Breath taking talaga ang makikita mo dito,

Madetalye ang bawat ceiling na nadadaanan namin, may mga gold designs ang mga ito,

Ang ilaw naman na nakikita ko ay parang isang energy ball, na may kalakihan na nagsisilbing ilaw sa buong lugar

Hindi ko na namalayan

nasa harap na kami ng isang pinto na kagaya ng iba elgante ang dating..

gawa sa crystals ang iba sa decorations

at ganun din ang mismong handle ng pinto na binubuksan ng mga babaeng may asul na mga mata
na pag tinignan mo parang napakalamig....

"Dustin, upo ka na" sabi ni Yana, ako na lang pala ang nakatayo,

Lahat sila halos sakin nakatingin...

Pagkaupo ko napansin ko na ang daming mga nakahain

Pero katulad nung kela manang di ko rin alam kung anu-anong mga luto ang nakahain...

"magpakabusog ka ha!, marami-rami rin tayong pag-uusapan mamaya, kailangan mo yan para makabawi ka ng lakas" sabi parin ni Yana

Siguro napapansin nya na di ako naimik kanina pa...

Ang dami kong naiisip... at isa lang masasabi ko..

Oo Yana kailangan nating mag-usap... Pero pano ko sisimulan?,

Kahit nga ako di ko alam kung naniniwala na ba talaga ako sa mga nangyari,

Nangyari ba talaga lahat?,

nasan na si Ellyse?,

anong lugar ba yung napuntahan ko?

ang dami kong tanong na hanggang ngayon hindi ko alam kung paano masasagot

"ok ka lang ba? kumain ka na muna, alam kong naguguluhan ka pa" bakas sa muka ng nanay ni Yana na concern sya sakin, kaya pinilit ko na lang kumain,

sa dami ng isipin ni hindi ko na namalayan kung paano natapos ang salu-salo..

Ellyse...

Sana ligtas ka!

(Author's POV)

natapos sila kumain

sa silid ng pagpupulong pinag-usapan ang mga detalye at pangyayari kung paano napunta si Dustin sa lugar na iyon

di naman makapaniwala ang mga elder ng palasyo lalo na ang hari at reyna

ganun na lang din ang pagkabahala na makikita sa mukha ni lolo Lorcan..

si Yana naman, kahit di nya lubusang naiintindihan ang nangyayari,

kita sa mga mata nya ang pag aalala dahil si Ellyse ang involve dito...

naging matalik nya itong kaibigan

maging si Brylle makikitaan ng pagkalungkot at pagkabahala

alam kasi ni Brylle ang history ng Dark Night Clan

walang sinasanto ang mga ito, kahit sarili pa nilang kadugo ay kaya nila paslangin

alang alang lang sa kapangyarihan at paghahari sa buong mundo kabilang na dito ang mundo ng mortal

"panong nakawala si Nirviano? sino ang nakapagbukas ng black hole na kinalalagyan niya?" di na nakatiis na sagot ng amang hari ni Yana..

"tanging ang Dusk amulet lang ang maaaring makagawa noon, ang dapat nating itanong ay kung sino?" hinaplos ni lolo Lorcan ang balbas nito bago itinuloy ang sasabihin..
"sino ang taksil na gumamit ng Dusk amulet"..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wizard's tale "The Dark Night Clan RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon