Chapter 6 *Grrrr... what the?!?!*

201 11 0
                                    

ALAS TRES na nang makauwi si Denisse nang sumunod na araw. Hindi kasi nakadating ang prof. nila na last period ng klase that day, kaya napagpasyahan nalang niyang umuwi ng maaga. Nagpaalam siya kay Celine at Yumi na hindi siya makakasabay sa mga ito. May aasikasuhin pa daw pati itong si Yumi sa office ng TFI at gagabihin daw ito, samantalang si Celine nama’y hanggang alasais pa ng gabi ang klase.

Inilapag na niya ang kanyang bag sa kanyang kama at humiga sa tabi nito—kahit hindi pa siya nakakapagbihis ng kanyang pambahay na damit—pagod na pagod siya ng araw na iyon, hindi niya alam kung bakit, basta ang gusto lang ng katawan niya ng mga oras na iyon ay pahinga. Pinindot niya ang answering machine na nakapatong sa bedside table niya—2 message ang naroon.

“Denisse hija, I’m with your brothers, we’ll be going at your Tita Heaven’s house for dinner, mag-paluto ka na lang kay ‘yaya Celia ng ulam kung ‘jan ka kakain sa bahay, ok?? Return my call as soon as you received this. Love you sweetie.” –galing sa mom niya iyon. “Haaaaay, so tahimik pala ang buhay ko ngayon, thank God walang mangungulit.” Sinabayan pa niya ito ng buntong hininga habang nakapikit at nakahilata sa gitna ng kama. Yes! Isn’t it great Denisse? Wala sina Cyril at Cyrus dito sa bahay!! You can do whatever you want nang walang istorbo!

She press the button to hear the next message.

“Denisse…”

Nagulat siya ng marinig ang boses doon. Kaya’t bigla siyang napabangon sa pagkakahiga. Hindi nakaregister ang number sa phone niya pero isang tao lang ang pumasok sa isip niya nang mga sandaling iyon… Isang tao na dahilan ngayon kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso niya—It’s Mr. Universe, KIAN!

“…I think hindi kita masusundo for our date later, I forgot to ask your home address…”

YES!!! “So, it means hindi na tuloy ang date namin!!!” naputol ang kanyang pagdidiwang nang magsalita muli ang speaker phone…

“…So, I guess I’ll meet you na lang sa may Café la Cielo, malapit lang yun sa third gate ng University natin, prepare yourself ok?...”

WUH-AAAAT!??!! Napakunot ang kanyang noo sa narinig. At ang mokong na ito! Hindi na nga ako susunduin, ang lakas pa ng loob na ituloy ang date namin! And take note ha? Paghahanapin pa ko nitong Café la Cielo na to! AAAAHHH!!!

“…And one more thing, I’ll think about giving your diary back if hindi mo ako iindyanin sa date natin. 7pm sharp, don’t be late huh?! Ok? See you there beautiful Ms. Out-Of-this-World.” narinig pa niya ang mahinang tawa nito bago binaba ang telephone.

She sighed. Aba’t pag-iisipan pa talaga niya kung ibibigay niya sa akin ang diary ko if siputin ko siya!?! Bakit? Hindi ba niya pwedeng ibalik na iyon basta makarating ako sa usapan namin??? At ang alien na ito, nang-insulto pa! tawagin ba naman akong Ms. Out-Of-This-World?!

“Hello??! ganda kong toh! Pang-out of this world?!? Talagang makikita niya mamaya kung sinong Ms. Out-of-this-world ang tinutukoy niya! I’ll be at my best dress tonight, you’ll see KIAN, YOU’LL SEE!!!!” tumayo na siya at pinindot ang off button ng answering machine. 

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now