Chapter 4 *The Uhh---Ohh factor."

289 12 0
                                    

“NASAAN na ba iyon?” ani Denisse habang hinahalungkat ang loob ng locker niya. Nasa same floor lang ng building ang lockers ng second year students kaya madali lang niyang napuntahan ito.

“I know, dala ko yun this day and it can’t be missing.” Nakapamaywang niyang tinitigan ang locker niya. Hinahanap niya ang kanyang diary, kulay rosas iyon at may stickers na heart. Hindi naman niya maalalang naipatong niya ito kung saan at lalo namang impossibleng namissplaced niya iyon ng ganoong na lamang. “I’m sure it’s around here somewhere.” Napaisip siya. Ngayong araw na ito, dalawang lugar pa lang naman ang napupuntahan ko, one was our classroom and the other was— the hallway! OH No!! it can’t be!! Hindi maari! Naku, baka nawala na iyon ngayon, sa dami ng tao na nagpadaan-daan doon mula pa kanina’y imposible nang makita ko pa iyon doon! Kinabahan siya sa naisip. What if nandun pa? What if, wala pang nakakakuha? Pero, what if wala na? What if, may nakapulot na at tinapon na iyon sa basurahan? OVER! “Wait, hindi pa naman ako sure kung nawala na nga iyon, tama! Babalik na lang ako doon then, I’ll look for it myself.” Buo na ang pasya niya. Babalikan niya ang diary sa hallway kung saan niya nakabunggo yung antipatikong lalaki. She was about to close her locker nang may biglang sumulpot na bulto sa likod ng pinto niyon. Nagulat siya sa nakita. Ang antipatikong lalaki na naman ang bumulaga sa kanya pagkasara niya ng kanyang locker. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa katabing locker. May kakaibang ngiting nakasilay sa mukha nito. Maysa kabute rin ang isang ito ha? Ang lakas pa ng loob magpakita na naman sa akin!! “Ikaw na naman??” aniya sa iritang boses.

Lumapit ito ng bahagya sa kanya. “Yes, miss beautiful, it’s me again.” Ngumiti ulit ito.

Aba! At maypagka bolero ka rin pala ha? Infairness, sincerity’s in his voice, parang kahit na sinong babae pa ang makarinig sa sinabi nito’y agad maniniwala. Humalukipkip din siya panggagaya rito. “Oh, At ano’t napadpad ka na naman dito? Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo rito?” pagtataray niya.

Bahagya itong natawa sa kanya. Nagpantig ang tenga niya sa ginawa nito. Pero bakit kaysa magalit ay parang ang sarap pang pakinggan ng tawa nito? parang musika… Teka nga lang, bakit ba kanina ko pa pinupuri ito eh tinawanan na nga siya nito? “Anung tinatawa-tawa mo jan ha?”

“Well, if you still didn’t know, estudyante rin po ako ng eskwelahang ito, and this is my locker.” Nakangiting turo nito sa locker na katabi ng kanya. “And ang tinutukoy mong masamang hangin na nagtaboy sa akin rito ay iyong babae sa information desk sa may harapan ng main building.” Dagdag pa nito.

Napalunok siya. Ay, oo nga pala. Naku DENISSE! Ang tanga mo talaga!!! Hindi ka kasi nag-iisip eh! “Whatever, ano bang kailangang mo ha? May importante pa kasi akong pupuntahan ngayon eh.”

Ngumisi ito sa kanya. “Well, I think, Ikaw ang may kailangang sa akin miss Ferrer.” Untag nito.

At ano na naman ang pinagsasasabi nitong unggoy na ito? “Ha?? Ako? May kailangang sayo? Excuse me ha, ni hindi nga kita kilala jan tapos ngayon sasabihin mo na lang na ‘ako ang may kailangang sayo??” tinalikuran niya ito. “Swerte mo naman! Kasi, pag ako may kailangang sa isang tao, ako ang lumalapit noh!” pagtataray na naman niya rito.

“Well, I’m Kian.” Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanya.

Napatitig siya sa kamay na inilahad nito, nagdalawang isip pa siya kung tatanggapin iyon o hindi. Nang kanya itong tanggapi’y nagulat siya ng bumaba bigla ang ulo nito at dinampian ang likod ng kanyang kamay ng halik. Napatitig siya sa ginawa nito. Hindi niya alam kung paano magrereact, pero heto na naman ang puso niya’t nagwawala sa hindi naman niya malamang dahilan. Medyo naiilang na rin siya sa pagkakalapit niya rito kaya hinila niya ang kanyang kamay para dumistansiya ng kaunti rito.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon