Chapter 17

5K 98 1
                                    

Mikay's POV





"Okay Class settle down! Alam kong excited na kayo sa Prom pero aalahanin niyo before the Prom ay ang Finals! Focus kayo sa Finals lalo na ang mga Study Buddies tulungan niyong mag-review ang inyong mga Buddies."paliwanag ng teacher namin medyo nadismaya naman ang ilan sa amin.



"Ano ba yan ma'am dapat after Prom na lang para hindi kami mukhang huggard di ba?"reklamo ng classmates namin.



"Class A ba talaga kayo? Priorities ng school natin ang Finals hindi naman kayo magiging huggard eh exaggerated naman kayo masyado."sabi ni ma'am sa kanila. Wala akong paki sa prom na yan for sure wala akong partner diyaan. Di na lang ako pupunta.



"Okay? Class Dismissed nga pala Miss Padilla can i talk to you?"sabi ni ma'am. Bakit kaya?



"Mikay antayin na kita gusto mo?"sabi ni Tam pero nakita kong nasa labas na si Jao.



"Ah Tam wag na lang inaantay ka na ni Jao sa labas."sabi ko tapos kinuha ko yung bag ko at lumapit kay ma'am.



"Sige Mikay kita na lang tayo sa Student Area."sabi ni Tam at lumabas na.



"Miss Padilla this past few weeks nakakapag-review pa ba kayo ni Mr.Dela Rosa? Bumababa daw ang grades niya."sabi ni ma'am. Paano ba kami makakapag-review laging si Bea ang kasama.



"Uhm ma'am..."hindi ko alam ang isasagot ko kapag sinabi ko ang totoo mapapagalitan si Gino at kapag nagsinungaling ako at mahuli pagagalitan pa rin si Gino.



"I take that as a No, He is busy with his girlfriend or what. Kailangan mong kausapin si Mr.Dela Rosa nasa alanganin ang grade niya baka hindi siya makapasa at maka-graduate kahit siya pa ang anak ng may-ari nitong school."sabi ni ma'am nanlaki at nagulat ako sa sinabi ni ma'am may possibleng hindi makapasa si Gino.. Anong gagawin ko?



"Ma'am kapag nakapasa po ba si Gino this Finals ay makaka-graduate siya kahit hindi siya nakapag-submit ng mga projects?"tanong ko.



"Absolutely Miss Padilla, Malaki ang Grade para sa Finals natapos na ang 4th Quarter exam at etong Finals na lang ang kulang this is the 2nd Chance para sa mga bumagsak nung 4th Quarter."sabi ni ma'am sa akin. 2 weeks from now. 2 weeks kaya ba?



"Sige po ma'am kakausapin ko na lang po siya."sabi ko at nginitan ako ni ma'am and i smiled back.



"You may go now."sabi ni ma'am at lumabas na ko. Anong gagawin ko? It's too risky.



"Lalim ng iniisip natin Chacha."sumulpot si Jacob.



"Uy Jacob papunta ka na sa Students Area?"tanong ko sa kanya.



"Obvious ba? Anong gagawin ko dun? Tutunganga katulad mo sa dalawang taong nagdadaldalan sa Area na yun?"sabi niya.



"Malapit na ang Finals hindi pa ba kayo mag-rereview ni Bea?"sabi ko sa kanya.



"Wala namang paki yun eh self study na lang ako sa bahay para saan pa ang Study Buddy? Team Work? Saan? Yung isa ang gumagawa paano matuto yung isa? Kalokohan."sabi niya at paliko na siya.



"Nga pala una na ko sa bahay na lang ako mag-aaral."kita ko sa mata niya na nag-seselos siya kay nino naman?



"Sige ingat."sabi ko at dumeretso sa Students Area. Pagpasok ko as usual, Puro estudyanteng nag-aaral.


Nilapag ko yung gamit ko sa table kung saan nandoon si Bea at Gino. Nag-uusap sila ewan ko kung ano. Paano ako sisingit?



"Ah Gino."tawag ko napatingin naman sila ni Bea sa akin na nagtataray. Tanggalin ko yang kilay mo eh.



"Bakit?"tanong niya.. That voice!



"2 weeks from now Finals na at sab-"pinutol ako ni Bea.



"Hindi siya tanga Mikay alam nating lahat na 2 weeks from now ay Finals na so?"sabi niya sa akin.



"Kailangan mag-review ni Gino kungdi hindi si-"



"Tara na nga Gino."at ayun nagpahatak naman siya.. Hay Buhay paano ko kaya masusulusyunan eto? Ah! Sakit sa Ulo! Napa-sabunot na lang ako. Responsibilidad ko si Gino pero peste!





=======
=======


Naglalakad ako papuwi nadaanan ko yung playground umupo muna ko at nag-swing. Peste anong gagawin ko? Nakasalalay dito ang Grade ni Gino kung nagkataon hindi siya makakagraduate nito.



"Pambihira ka Gino pinasasakit mo ulo ko!!"sigaw ko at ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration.



"Bakit ko naman pinasasakit ang ulo mo?"



"Ay Sobrang Gwapo ni Gino!"sigaw ko tapos tumawa naman siya.



"Haha edi inamin mo din na gwapo ako.. Bakit Inlove ka na ba sa akin?"shemay naman eh!



"Mandiri ka nga sa s-sinasabi mo! Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa pesteng Finals na yan!"sabi ko sa kanya at siya naman umupo sa kabilang swing.



"Utot mo ano naman kinalaman ko diyaan sa Finals na yan?"sabi niya sa akin..



"Malaki! Sobrang Laki ng kinalaman mo Gino. Pwede kang bumagsak at hindi maka-graduate kapag hindi ka nakapasa sa Finals."diretsong sabi ko sa kanya kung kanina balak kong slowly para mag-sink sa utak niya ngayon mabilis na baka may sumingit pa! Saka for sure alam na din sa bahay nila na pwedeng hindi siya gumraduate.



"Ha? Bakit?!"



"Hindi mo naipasa ang 4th Quarter at etong Finals ang second chance mo."at etong mangyayari ang second chance ko.



"A-anong gagawin ko?"tanong niya. Magpapaka-Kontrabida muna ko.



"Kailangan mong mag-review."shet hindi ko kaya!!



"Sige pero Mikay tulungan mo ko ah."sabi niya ngumiti na lang ako.



"Para saan pa at.. k-kaibigan kita."sabi ko sa kanya kahit ako mismo nasasaktan sa ginagawa ko eh!

"Talaga? Tara simulan na natin, Malapit na ang Finals."sabi niya at hinatak ako sa kanila. First time ko sa bahay nila pero sobrang tahimik.

"Parents mo?"tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at bumuntong hininga.

"Nasa Business Trip."sabi niya at umupo sa may Couch sabay hila ng bag niya sa may ilalim ng Coffee Table.

"Ganoon? Minsan nasa Business Trip din ang parents ko pero carry na yan! Tara review na tayo."sabi ko kay Gino.

"Nga pala may partner ka na ba sa prom?"tanong niya kaya naman nanigas ako.

"H-Ha? Uhm.. Partner sa Prom? Ikaw ba?"tanong ko sa kanya, Ngumiti naman siya.

"Wag na nga mag-review muna tayo."sabi niya at hinatak ako patabi sa kanya, Napatitig ako sa kanya. Na-miss ko siya, Na-miss ko yung ganito.



"Mikay.."tawag ni Gino sa akin, Ngumiti naman ako kaso nagulat ako ng hawakan niya ang mukha ko.


"Bakit ka umiiyak?"tanong niya pupunasan ko na sana kaso hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan ang luha ko. Nanigas naman ako sa ginagawa niya at hindi ko maiwasan na mag-init ang cheeks ko.

"Ha? W-Wala."sabi ko at pilit na ngumiti pero yinakap niya lang ako.

"Alam kong may problema ka, Kung hindi mo man kayang sabihin sa akin at nasasaktan ka sa problema mo, Iiyak mo lang yan at nandito ako."sabi niya kaya naman binaon ko ang mukha ko sa balikat niya at umiyak. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at siya din ang dahilan kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

You're Always in My Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon