Chapter 16

4.8K 103 4
                                    

Mikay's POV





Sabi nila kapag nagmahal ka daw asahan mo na masasaktan ka. pero bakit sobra-sobra naman ata? Tulad ngayon. May mas sasakit pa ba sa nakikita ko? Gusto kong magsalita kaso magmumukhang masama naman ako sa mata nila.



"Uy Mikay."masayang bati ni Gino sa akin nagkasalubong kami sa Hallway na tatlo.



"Uy Guys."masayang bati ko. Smile Mikay hindi pwedeng mahalata na nasasaktan ka.



"Gino tara na late na tayo sa Game."sabi ni Bea.



"Sige Gino mauna na kayo ni Bea Goodluck sa Game niyo."sabi ko at nauna na sila ni Bea tinignan ko sila palayo. Gino Lumingon ka lang kapag lumingon ka asahan mo lahat gagawin ko para malaman mong ako. Ako si Mi. 10 seconds Gino.. 10.



1

2

Give me Hope please..

3


4

Lumingon ka Gino, Gagawin ko ang lahat para malaman mo ako si Mi.

5

6

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa namumuong luha. Please lumingon ka..

7

8

Last 2 seconds.. Let me had the Hope.

9

10



Kusang tumulo ang luha sa mata ko. Hindi siya lumingon sa 10 seconds na hiningi ko siguro hindi tayo para sa isa't-isa. Naglakad na ko palayo. Ano silbi ko kung sasama ako sa Game di ba?


Lakad Mikay huwag ka ng lilingon masasaktan ka lang.. lalo.





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Gino's POV





"Gino tara na late na tayo sa Game."tawag sa akin ni Bea. Ngayon lang ako nabalik sa realidad napatitig ako sa mukha ni Mikay. Ano bang nangyayari sa akin? Comeback to your senses Gino.



"Sige Gino mauna na kayo ni Bea Goodluck sa Game niyo."sabi ni Mikay. Ewan ko ba parang may kulang o sadyang di lang ako sanay sa presence ni Bea na siya si Mi? Hinatak na ko ni Bea kung ano-anu pinagsasabi niya wala akong naiintindihan.


Lumingon ako sa gawi ni Mikay na naglalakad palayo. Nung nakita ko yung mata niya kanina may kulang sa kanya saka nakita ko na nasaktan siya, Bakit? Pero Mikay kung pwede lumingon ka saglit, Kapag lumingon ka i promise ikaw ang pipiliin ko sa inyo ni Mi.


Ang masakit hindi siya lumingon.. Napatingin ako sa daan habang naglalakad kami ni Bea.



"Gino naman eh! What's your problem ba?! Focus Gino this Game is important! I am going to cheer you up. Okay?"sabi ni Bea at hinalikan ako sa Cheecks nandito na pala kami sa Gym hindi ko napansin. Naghiyawan naman yung mga tao ako naman icy cold ang naramdaman ko shivers.



"Tama na ang DayDreaming Pare Start na nang Game."sabi ni Jao tinawanan ko na lang siya pumunta kami sa Locker Area at nagsabi lang si Coach ng ilang tips and stratergy to win versus St. Escholastica.


Kalaban na nang Dela Rosa ang University ang School na yan noon pa! Bukod kakumpetensya namin sila sa Ranking ng Top Univeristy dito sa pilipinas, Sa Academics eh kalaban din namin sila sa Sport Fests.


Paglabas namin sa Locker Area naghiyawan na ang mga students. Siyempre gwapo ang mga nasa Varisity eh.



"Go Jason!"sigaw ni Nicole.


"You can do it Jao!"hula ko kay Tammy Galing yun.


"Go Gino! Go Gino!"sigaw naman ni Bea pero parang hindi naman ako naganahan. May Kulang talaga sa akin parang hindi ako sanay na wala si.. Mikay.

You're Always in My Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon