Chapter 14

6.4K 107 8
                                    

Someone's POV





Sabi na! Silang dalawa yung batang nakita ko sa Park 11 years ago, Ka-sisix years old ko pa lang nun, Kailangan ko 'tong sabihin sa kaniya sigurado ko matutuwa siya sa malalaman niya.. Magiging sila na din sa wakas!





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Tammy's POV





Tama lang siguro ang desisyon ko na, Bigyan ng Chance si Jao para mapalitan lahat ng sakit, Worth it naman yung chance na yun kasi masaya ko ewan ko basta masaya ko sa ginagawa ni Jao.



*Flashback*



Pagkatapos ng Studying with Study Buddy eh nasa labas si Jao at inaantay ako, Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako.


Napahinto kami sa Garden ng School at bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ang kamay kaya nagulat ako.



"Tam, Alam kong mahal mo pa rin si Jason at nasasaktan ka, Okay lang ba kung bigyan mo ko ng Chance? Gusto kita Tammy, Alam kong iisipin mong magiging rebound lang ako pero okay lang Tammy as long as makakaya kong palitan siya dyan sa puso mo."sabi ni Jao kaya napatulala ako sa sinabi niya.


Di naman masamang i-try di ba? Wala namang mawawala ... Wala nga ba? pero susubukan ko dahil pagod na din ako, sumusuko na ko at bibigyan ko si Jao ng Chance.



"Sigurado ka ba sa sinasabi mo mamaya mag-back out ka."sabi ko kay Jao.



"Di nga seryoso?"sabi niya tapos tumalon siya ng parang nanalo sa Lotto.



"Di pa kita sinasagot, pumayag lang akong ligawan mo ko pero di pa kita sinasagot."sabi ko na matawatawa, Ibang klase talaga itong si Jao.



*End of Flashback*



Ngayon nandito kami sa may tinatambayan namin dito sa school, katabi ko si Jao na kanina pa nagpapatawa wala akong pakialam sa kanila ngayon dahil masaya ako masayang masaya.





-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Mikay's POV





Alam niyo yung Araw na Wierd? Eto yun eh. Kasama na sa Barkada si Jao at Jacob. Masaya na si Tammy sa di ko alam na kadahilanan di ko pa siya natatanong dahil busy ako sa pagdala ng mga libro kahapon sa bahay para mag-review dahil malapit na naman ang Final Exam.


Di na nag-babangayan si Kuya Francis at Ella sweet pa nga sila ngayon eh at di ko alam kung na saan si Gino? Naalala ko nag-aral pa kasi kami sa bahay kagabi pero imbes na mag-aral nakipag-kwentuhan lang siya kay Daddy, Ayun nagkasundo silang dalawa



*Flashback*



Maga-alasais na at mag-sasara na ang school kami naman ni Gino nakakababad pa din dito sa Students Area halos iilan na lang ang nandito.



"Uhm.. Gino magsasarado na kasi yung school, Gusto mo sa may Park na lang tayo?"tanong ko kay Gino na seryoso talaga sa pag-kokopya ng Assignment, Oo kumukopya siya nang assignment sa akin, Akala niyo siya gumagawa?



"Sa inyo na lang tayo, Makikikain ako wala kasi si Mama at Papa nasa States sila para sa 4th Honeymoon nila tapos si Julia naman nasa Macau may laban siya ng Volleyball dun."sabi ni Gino sa akin.



"Eh? Nandoon sila Mommy at Daddy mamaya pagalitan tayo isipin may.. Ano yung ..."sabi ko na nahihiya. Ano ba yan?! Di ko masabi ng maayos kay Gino yung .. Yung alam niyo na yun ...



"Ano iisipin nila? Alin yun?"tanong ni Gino sabay ngiti ng nakakaloko, Sheet of Pad Paper naman!



"Ah ... Yung ... May Ano .. Yu-"



"Mga Bata, Isasarado na yung School, Umuwi na kayo sa inyo niyo na ituloy yaan."sabi nung Manong Guard. Thank you MANONG! Niligtas mo ko.



"T-Tara."yaya ko kay Gino, Oo na sa bahay na namin.




(After 20 Minutes)


Eto ako nganga ... Bakit?


Kasi imbes na mag-aral, nag-bibiruan at nag-kwekwentuhan si Daddy at Gino kami naman ni Mommy nasa Kusina. Ako naka NGA NGANG nakatingin sa kanila sa may salas tapos si Mommy naghahanda ng Pagkain kasama si Nanay Monic.



"Mikay, Isarado mo yang bibig mo mamaya pasukin ng langaw."sabi ni Mommy. Sinarado ko naman ang bibig ko at tumingin kay Mommy.



"Eww !! Mommy naman wala nang langaw dito sa bahay eh."sabi ko at nag-pout.



"Alam ko, Sa tingin mo gusto ko?"sabi ni Mommy sa akin.



"Nga pala Mikay, Manliligaw mo ba si Gino?"tanong ni Mommy.



"Opo i mean what?!"gulat kong sabi kay Mommy. Anong tanong niya? Study Buddy ko si Gino?

"Ang sabi ko kung manliligaw mo ba si Gino?"sabi ni Mommy kaya naman bigla akong nahiya.. Hindi ako sanay.



"Mommy! Study Buddy ko lang siya saka manliligaw? Asa."sabi ko, Totoo naman eh saka ewan ko ah kasi nakakalimutan ko si Gerald this past few days nung mga kasama ko si Gino tapos ewan may sakit na ata ko sa puso eh kasi tuwing nakikita ko si Gino yung Puso ko laging nagwawala.



"Study Buddy? Sabi mo."sabi ni Mommy sabay ngumiti ng nakakaloko. Ewan, Siguro kaya kumukulit si Mommy kasi tumatanda na siya.. Haha.


After mag-dinner, Akala ko eh mag-aaral kami ni Gino pero ayun sumingit kami sa Alone Time ni Mommy at Daddy, Magkatabi si Daddy at Gino kami naman ni Mommy ang magkatabi sa kabilag Sofa.



"Mikay kapag niligawan ka ni Gino, Sagutin mo agad Aba mahirap nang makahanap ng katulad ng Daddy mo."sabi ni Daddy kaya naman namula ako bigla!



"Daddy!"saway ko tapos eto naman si Mommy natatawa sa ginagawa ni Daddy kasi kinukwento ni Daddy dati na uhugin daw ako nung bata tss nakakahiya kaya.



"Ay nga pala Kath, Nakalimutan ko bang sabihin sa iyo na parehas kami ni Gino na gwapo?"sabi ni Daddy, Para namang nagbibinata at nagdadalaga sila ni Mommy.



"Weh?! Kapal mo naman DJ, Kung si Gino okay pa pero ikaw? Matanda ka na eh."sabi ni Mommy sabay bato ng Throw Pillow kay Daddy tapos binato ko din si Daddy pero natamaan ko si Gino. Nagkatinginan naman si Daddy at Gino, Ayun nagbatuhan kami hanggang sa..



"ARAY!!"sigaw ni Mommy.



"Bakit? Anong nangyari sa iyo Kath?"nag-aalalang tanong ni Daddy.



"Mommy."sabi ko kay Mommy na nag-aalala din anong nangyari.



"Yung rayuma ko."sabi ni Mommy tapos tumayo siya sabay  pinalo kay Daddy yung Throw Pillow.. Akala ko ba may rayuma si Mommy eh bakit ganun?



"Kath, Tama na ano ba yan naisahan mo ko dun ah."sigaw ni Daddy kami naman ni Gino nag-paluan lang nang..



"Anong nangyayari dito?!"takang tanong ni Kuya Francis sa amin.



*End of Flashback*



Imbes na kami ang pagalitan ni Mommy at Daddy, Si kuya pa ang nag-sabi sa kanila na tumatanda na sila tapos naghaharutan pa din na parang Teenager. Bumaliktad na nga talaga ang Mundo kagabi pa lang..



"Jason, Nakita mo ba si Gino?"tanong ko kay Jason nakararating lang, Hinahanap ko si Gino kasi pinahiram ko pala kay Gino yung Notes ko yun lang wala nang iba pa.



"May General Practice kami ng Basketball, Jao kailangan ka sa team kaya bumalik ako dito."sabi ni Jason na pawis tapos tumayo na si Jao, Ang sama ng tingin ni Jason kay Jao di ko alam kung bakit pero sana walang tensyon na mangyayari mamaya habang may practice sila.







>>Super Fastforward<<



Uwian na wala si Gino kaya sa bahay na lang ako mag-aaral mag-isa, Nakakalungkot pala minsan yung taong nakasanayan mo ang presence niya tapos biglang mawawala parang may kulang..


Uuwi na ko agad wala naman akong hilig sa Basketball kahit na member ako ng Varsity bilang Volleyball Player dahil wala pang announcement kung may laban kami kaya uuwi talaga ko.


Pag-uwi ko sa bahay eh nilapag ko lang sa kama yung bag ko at nagpalit lang ng ako ng damit tapos dumertso na ko sa Mesa ko ng napansin kong dalawa ng Libro ko sa Literature tinignan ko yung Isa at sa tingin ko kay Gino 'to, Binuksan ko ang Libro at nakasulat na pangalan sa harap ay..



"Gerald Antonio Dela Rosa."mahinang basa ko dun sa pangalan. Gerald.. S-si Gino si Gerald?


Di ako makapaniwala sa nakita ko sabi ko na eh! Kinuha ko madali yung Batgirl Figure na binigay niya sa akin at yung libro niya at umalis ng bahay nagmadali akong pumunta ng school kung sakaling maabutan ko si Gino dun, Alam kong nandoon pa ang Barkada para manuod ng General Rehearsal ng Game kasi may laban na sila sa Sabado.


Nakita ko ang Barkada na nasa Hallway na medyo malayo sa Gym ibig sabihin tapos na ang Practice.



"Si Gino?"hingal kong sabi sa kanila.



"Ha? Nasa likod eh saan lumusot yun?"sabi ni Khalil, Imbes na mag-antay eh nagmadali na kong tumakbo sa Gym.


"Mikay!"rinig ko pang sigaw ni Sofia pero di ko siya pinansin. Di ako makapaniwala, Si Gino si Gerald yung taong mahal ko simula pa nuon.



"Uy! Mikay bakit?"tanong ng barkada habang tumatakbo ko sila naman naiwan lang dun, Ewan ko kung sumunod sila sa akin.


Nasa pintuan pa lang ako ng Gym nang nakita ko si Gino..

________________________________________

Ayan na! Malalaman na ni Gino na si Mikay si Mi! happy ending na ba? O may sisingit pa?

Clue: Under the Rain

~Cynthia

You're Always in My Heart [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon