Chapter fifty-five

148 3 5
                                    

[ 55 ]

---------------------------------------------------------

( Tristan's POV )

hay ano ba naman yan! bakit ba kasi hindi ko mapigilan magsalita sa babaeng yun? hindi naman ako ganito dati ah. =_=

"Tristan gising ka pa ba?" teka nga. si Nikki ba yun? hindi nalang ako sasagot para mukang tulog diba. =_=

yeah I know. I have to talk to her about what I said kahit hindi niya narinig pero pasensya na talaga hindi ko pa kaya. sobrang kahihiyan ang inabot ko kanina. wag muna.

maya maya lang narinig ko nalang na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. naniniguro pa ang isang to ah.

"Tristan tulog ka na ba talaga?" lumapit siya sa kama ko. buti na lang nakatalikod ako sa pintuan. "hay. totoo ba yun? baka naman kasi jino joke mo lang ako eh. madalas mo pa naman ako pagtripan. umayos ka kasing lalaki ka ha! hindi ka naman kasi nakakatuwa eh. nakakainis kaya yung mga pantitrip mo."

mga ilang minutong katahimikan pa saka ko narinig ang pagsara ng pintuan. ibig sabihin narinig talaga niya yung sinabi ko kanina. nako naman! dapat pala talaga kong mahiya! Tristan naman oh. =_=

"edi dahil alam na niya .... kailangan ko na talagang umamin .... yung amin na seryoso na. bakit ba kasi joke ang tingin niya dun? seryoso kaya ko dun. =_="

umupo ako saka napaisip. "so kailangan ko pang mag-isip ng panibagong pakulo sa pag-amin? Nikki naman wag mo ko masyadong pahirapan."

Maaga akong pumasok sa school kasi hindi rin naman talaga ko nakatulog at para makatulong narin ako sa pag-aayos para sa nalalapit naming JS Promenade. bakit ba kapag JS Prom, yung mga babae lahat gagawin para maging maganda ang venue? alam niyo bang sa sobrang aga ko, naunahan pa ko ng mga babaeng to? =_=

"Hi Tristan. aga natin ah. may nangyari ba?" O_O teka bakit parang may alam tong si Ella sa mga nangyari?

"nangyari like what? Ella ang aga aga nababaliw ka agad.. Maaga ako para makatulong sa pag-aayos dito."

"baka naman hindi ka lang nakatulog kaya maaga ka dito?"

"Hindi no. San mo naman nakuha ang hint na hindi ako nakatulog aber?"

"Wahaha. defensive much? Eh kasi naman po, sinasabi sakin ng malaki mong eyebags na hindi ka daw nakatulog kakaisip kay Nik---" tinakpan ko na agad ang bibig niya bago pa siya makapagsabi ng mga salitang hindi kaaya ay---

"Hi Ella. Oh Tristan bakit mo tinatakpan bibig ni Ella?" O_O muntik naman akong mapaigtad sa babaeng to. Si Nikki kasi bigla nalang lumabas sa likuran namin. Buti nalang talaga hindi natapos yung sasabihin ni Ella.

"ah eh wala naman. nagkukwentuhan lang kami tapos muntik na siyang --- ano --- kasi ---"

"muntik na kong mapabahing. you know naman tong si pres masyadong maarte pagdating sa kalusugan niya. gusto laging quote healthy unquote."

"aah oo kasi baka mahawaan pa ko ng kung anong lagim ang dala ng babaeng to eh. s--sige mauna na ko sa inyo. m--may kailangan pakasi akong gawin d--dun oh s--sa may stage." saka ako nagsimulang maglakad palayo. phew! muntik na talaga ko dun ah..

Dire diretso lang ako sa stage at nagsimula namang tumulong sa iba ko pang classmates. medyo dumadami na rin kami ng dumating yung adviser namin.

"oh class ilang oras nalang start na ng 2nd to the biggest event niyo dito sa school."

Devil wears SLIPPERS ?? [ |on-go¡ng| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon