Chapter fifty-three

164 5 13
                                    

[ A / N ] --- bad si Nicole! wag tutularan!

dahil po sa matagal na di pag a update >_< eto po siguro mahaba na to ..

---------------------------------------------------------

[ 53 ]

----------------------------------------------------------

( Tristan's POV )

"bakit ang babae kapag sinabihan mo na gusto mo sila, lalo kang tinititigan?" saka ako bumuntong hininga. "bakit kapag sinusungitan mo naman lalo kang nagkakagusto?" sabi ko saka humarap sa kanan. "bakit kapag gusto mo ng iwasan, lalo ka namang napapadikit sa kanya?" sabi ko saka humarap sa kaliwa.

"uuurrrgggg!" sabay upo. "bakit kapag ang babae kinikilig okay lang?" pinagsusuntok ko na ang mga unan na nasa tabi ko. "tapos kapag lalaki, masagwa? ano yon may kinikilingan? nakakabadtrip na talaga to!" >__< 

tumayo ulit ako saka lumabas ng kwarto. bakit ba kasi dito pa tumira ang babaeng yun eh! bakit ba kasi sakin pa siya isinama? Edi sana wala akong problema ngayon.

lumabas ako ng bahay saka dumiretso sa duyan ko. nahiga lang ako dun habang hinahangin hangin pa ang medyo humahaba ko ng buhok. parang ang lamig naman yata ngayon? anong bang meron? 

"Hey Tristan! gabi na ah. bakit nandito ka pa sa labas?" sabi ng kung sinumang tao ang nasa malapit. di ko naman alam kung sino at wala naman akong balak alamin no. =_= "Huy Tristan! baka naman gusto mo kong pansinin~~~" eh bakit ba? ayaw ko ngang dumilat no. nakakatamad. "Tristan si Ella to."

at ayun na. napadilat na ko at napaupo ng wala sa oras. bakit ba nandito pa to ng ganitong oras? "Ella anong ginagawa mo dito?" sabi ko saka medyo inayos yung buhok ko. gabi na kasi diba? dapat matutulog na ko. "gabi na ah. may kailangan ka ba?"

tumabi siya sakin saka nilapag ang isang box ng dunkin donuts. "oh pasalubong ko. teka nga, kailangan ba may kailangan para pumunta dito? di ba pwedeng kinakamusta lang kayo. anyway kain muna tayo nagugutom na ko." sabi niya saka binuksan yung donuts na dala niya. kala ko ba pasalubong? =_=

"Ella bakit nga na nandito ka? eh gabing gabi na?" sabi ko habang tuluy-tuloy siya sa pagsubo ng donut niyang triple chocolate pa yata. "alam ba ni Jerome na nandito ka?"

"Oo naman. siya pa nga naghatid sakin dito eh. susunduin nalang daw niya ko mamaya pagkatapos ng meeting niya." sabay subo ulit. "bait niya no? kain ka na oh."

mahigit sampung minuto narin kaming nagkwentuhan at nagkakainan ng lalong lumakas ang hangin. masyado na talagang malamig dito sa labas kaya naman inaya ko na siyang pumasok muna sa loob ng bahay. siguro naman kakatok nalang si Jerome kapag dumating na siya eh.

"Tristan balita ko, you already did it." O__O sabi niya habang inaabot ang tubig sa lamesa. mukang nasobrahan na ang isang to sa chocolate ah.

"what do you mean? wala naman akong ----" 

"pwede ba Tristan. I know. kahit hindi mo straight na sinabing gusto mo siya, yun din ang meaning ng ginawa mo." sabi niya habang dinilaan pa yung daliri niyang may chocolate. #medyo baboy din tong babaeng to eh no? =_= inabutan ko muna siya ng tissue bago ulit magsalita.

Devil wears SLIPPERS ?? [ |on-go¡ng| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon