chapter fifty-four

181 6 7
                                    

[ 54 ]

---------------------------------------------------------

( Tristan's POV )

"Ano kamo yon?" sabi ko habang kaharap ang iba naming classmates. "seryoso ba kayo? pinagbibintangan niyo ng ganyan si Nikki?" lahat sila nakatingin lang sakin. kita ko sa mga mukha nilang lahat na kahit sila hindi makapaniwala sa mga sinasabi nila. "may proof ba kayo dyan? mabigat yang binibintang niyo."

lumapit sakin si Geena saka ipinakita ang wallet niya. "Pres see? walang laman. limas. ubos. ano pa bang proof ang gusto mo?"

"That's not what I'm asking for! ang gusto ko is isang tao or kung sinuman na nakakita na ginawa nga yun ni Nikki. I know her more than anyone here kaya kung wala kayong maihaharap sakin na makakapagpatunay sa alegasyon niyo, then I think walang mangyayari sa usapang to." sabi ko saka naupo sa malapit na bench. "Ano?"

"Ako!" napalingon nalang kaming lahat ng nagsalita si Nicole. dahan dahan siyang palapit samin. huminto muna siya sa tapat ni Kierre saka ulit nagsalita. "Nasabi ko na to kanina pero uulitin ko ulit. Marami dito ang nakakaalam na kailangan ni Nikki ng pera sa mga oras na to. At para na rin malaman mo, lumapit siya sakin to borrow some."

"Tsk. Sayo? Kung mangangailangan man si Nikki ng pera, malamang kay Jerome o kaya naman kay Ella siya lalapit." tumayo ako saka inayos ang bonnet ko. "bakit naman sayo pa?"

"I don't know. Hindi ko nga rin alam bakit sakin pa siya lumapit samantalang alam naman niya kung gaano kalaki ang pagitan, Oh should I say, galit namin sa isa't isa." lumapit siya kay Ella saka umakbay dito. "Pwede rin namang pinagdamutan siya ni Ella."

"Hindi ko siya pinagdamutan!" sigaw ni Ella saka tinabig ang kamay ni Nicole. "Oo nangangailangan siya ng pera at pinahiram ko siya. Ano naman? kaibigan ko siya at malamang tutulungan ko siya."

"Pero bakit kaya lumapit pa sakin si Nikki? Oh baka naman pinagdamutan siya nila Kierre."

"Hoy babaeng makapal ang mukha at pinakapal pa ng plaster! kapal talaga ng mukha mo eh no? Excuse me lang ha. hindi namin pinagdamutan ng Kierre ko si Nikki. we also helped her."

"Yun naman pala eh tinulungan niyo pala eh. ano ba kasing problema ng Nikki na yan at bakit kailangan niya ng pera ha?"

"tristan I think I should stand now." napalingon nalang kami ng magsalita si Pamela. "nangangailangan kasi ng pera si Nikki ----"

"Ano yon? bakit narinig ko pangalan ko?"

"Jade... Dominique... Holler. finally dumating din ang bida sa hapong ito." sabi ni Nicole habang naglalakad papunta kay Nikki. "kanina ka pa namin hinihintay. bakit ngayon ka lang?"

"Excuse me Nicole. I'm not talking to you." sabi niya saka tinabig lang si Nicole at tuluy-tuloy na naglakad papunta sa kinatatayuan ko. "Ano ba yan Primate?"

I looked at her with a very furious eyes. "Let's talk."

"Ano? Ako? pinagbibintangan nila ko? What the hell!" sigaw ni Nikki makatapos kong masabi sa kanya ang mga bintang ng mga classmates namin. "May proof ba sila?"

"Well then, yan din ang hinihingi ko sa kanila. Si Nicole, she saw you taking the money."

"Screw that Nicole! hanggang ngayon pala bitter parin siya sakin ha. Oo aaminin ko nanghiram ako sa kanya ng pera but I never took money from anyone!" tumayo siya saka hinila ako pabalik sa mga classmates namin. "Damn you Nicole! Sinong magnanakaw satin?"

Devil wears SLIPPERS ?? [ |on-go¡ng| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon