Act 10: Reunited

814 15 0
                                    

**

Kung may mali sa grammar, pasensya na. Pero nire-reread ko naman ang chapters sa mobile kaya naaayos ko rin sya at ineedit minsan. :)

**

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 10

Reunited

[Selina]

Kahit labag sa kalooban ko na bumangon agad sa kama, ginawa ko pa rin dahil kanina pa may istorbo sa labas at nagdo-doorbell. Tinignan ko ang oras sa alarm clock na nasa desk ko. 10:18am.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at dumirecho sa pinto upang buksan ito. Hindi pa ko naghihilamos at nagtu-toothbrush pero who cares? Pwede namang takpan ng towel ang bibig ko pag magsasalita. At isa pa, maaga pa. Wala naman akong ineexpect na bisita. Magkaaway pa rin kami ni Jesse kaya tiyak kong hindi sya ang taong nasa labas ngayon. Baka bills lang o kaya kung anu-ano.

Pagbukas ko ng pinto, nagkukusot-kusot pa ko ng mata ko. May muta pa kasi. Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Nang mamukhaan ko ang babaeng nakatayo sa harap ko, tinitigan ko pa sya mula ulo hanggang paa sabay bagsak ko ng pinto pasara.

"Nananaginip pa ata ako. Makapaghilamos nga muna." saad ko sa sarili ko na parang tanga habang papunta ng banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Hindi pa man ako tapos maghilamos, may nag-doorbell na naman.

"Ano ba!! Alam kong may sakit ako ngayon pero sobra na akong tine-take advantage ng lagnat na 'to ah!" sigaw ko pa habang may sabon ang mukha ko.

Hinilamusan ko na ang mukha ko. Unang doorbell, dineadma ko. Magsisipilyo na ko at may nag-doorbell na naman. Deadma ulit. Hanggang sa paulit-ulit at nonstop na yung pagdo-doorbell ng kung sino man yung tao sa labas at nainis na ko, pinuntahan ko na.

Pagbukas ko ng pinto, tinitigan ko ulit sya mula ulo hanggang paa. Maganda sya, maputi, makinis, at higit sa lahat, nakabusangot ang pagmumukha. kinusot ko pa ulit yung mata ko kahit na kakahilamos ko pa lang sabay tingin ko sakanya ng malapitan. pumunta pa ko sa likod nya para alaming kung totoo 'tong nakikita ko ngayon.

"Likod naman nya 'to. Kamukhang kamukha mo sya." kinuha ko pa yung ilang hibla ng buhok nya. "May kakambal na ba yung babaeng yun?" pagharap ko sakanya, nawi-weirduhan na yung itsura nya.

"Hi. Ako si Kira. Pwede bang tumigil ka na sa kaka-inspeksyon sa itsura at katauhan ko dahil ako 'to. Selina, buhay ako." pagkatapos nyang sabihin yun, bigla na lang nya kong niyakap nang sobrang higpit na halos di na ko makahinga. "Ghaaaad, I missed you!"

Oh.My.Gosh.

Si Kira nga itong kaharap at kayakap ko. Hindi ako nananaginip ngayon.

"Bakit ang init mo?!" kumalas sya sa yakap nya sa akin at hinawakan ang noo ko. "May lagnat ka! Nagpaulan ka ba kahapon, ha?!" nakatulala lang ako sakanya. Dina-digest pa rin ng utak ko ang mga nangyayari ngayon.

Hindi ko sya sinagot at niyakap ko sya. Sobrang higpit rin tulad ng yakap nya. "Kira..." nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Ikaw nga 'to, di ba?? Buhay ka nga. Kira naman eh.." pilit nya kong iniaalis sakanya pero hinihigpitan ko lang lalo ang yakap ko sakanya.

"Ano ka ba, Selina.. Di ako makahinga." kumalas na ko sa yakap ko sakanya nang maramdamang di na nga sya makahinga. Nginitian pa nya ako at pumasok na kami sa loob. "Na-miss ko 'tong unit natin." tinignan-tignan nya ang paligid. "Ganun pa rin, walang pagbabago." umupo sya sa sofa.

The Witness ActsWhere stories live. Discover now