Act 7: Issue and the Cold

933 19 8
                                    

THE WITNESS ACTS

If you are guilty, prove it.

Act 7

Issue and the Cold

[Selina]

"I'll pick you up later. Text me up, okay?"

"Okay. Ingat sa pagddrive ha?" tumango sya at hinalikan ko na ang pisngi nya. "Bye. I love you."

"Be good. I love you, too." bumaba na ko sa kotse nya at agad din naman syang umalis.

First day of school ngayon matapos ang christmas vacation. Na-miss ko na ang mag-aral at pumasok sa bawat classroom hindi tulad noon, laptop lang ang kaharap ko sa pag-aaral. Tch.

Okay na kami ni Jesse ngayon. I mean, hindi na kami gaanong nag-aaway. See? Mas mabuti yung di kami masyadong nagkikita para naman mabawasan yung pag-aalburoto naming pareho. So far, so good. Halos once a week na lang kaming magbangayna. Nag-iimprove ang relasyon naming dalawa.

I feel bad for him that day na inaway ko sya. Saka ko lang na-realize na sobrang sweet nung ginawa nya na kahit pagod na pagod na sya, pinili pa rin nyang makita ako. Kaya ayun, napalambot nya ako nang todo kaya ako na mismo ang nag-sorry sakanya at nakipag-ayos. After nun, nag-usap kami at okay naman ang naging pag-uusap namin.

Balik trabaho na si Jesse ngayon kaya medyo busy. Gaya nga ng sabi ko, namimiss na namin ang isa't isa ngayon kasi di na kami laging nagkikita dahil nga sa pagtatrabaho nya. Ako naman, eto, balik-eskwela na ulit.

Pagpasok ko pa lang sa Loki, rinig na rinig ko na ang usap-usapan nung mga estudyante. Kumpul-kumpol sila kaya para silang mga bubuyog pag nag-uusap. Dahil don, di ko halos maintindihan yung mga sinasabi nila pero may malinaw akong narinig mula sa isang babae na kasama don sa isang grupo ng nagbubulong-bulungan.

"Si Jethro Marcos daw? Yung anak ni Gov? What?! Grabe naman! Bat naman nya sinabing may kinalaman sya sa pagkakawala ni Kira Gonzaga? Ni-rape pa daw nya? Tama ba namang isuplong ang sarili nya sa mga pulis? Ang sama pala nyang talaga kung totoo man yun!"

Agad akong napatigil sa paglalakad at nilapitan yung babae na yun. Hindi ko alam pero bigla na lang akong naging interesado sa sinabi nya.

Ginawa ba talaga ni Jethro yun? Pero bakit??

"Miss.." nagsitinginan sila sa akin at mejo nagtataka kung sino ata ako. "Totoo ba yang sinasabi mo?"

"Yung alin? Tungkol kay Jethro?" tumango ako. "Di rin namin sure eh. Pero kasi pulis yung papa nitong si Bea. Ikaw na nga magsabi, Bea." tinignan ko naman yung tinuro nyang babae na si Bea.

Nag-aalinlangan pa syang magkwento kasi di nya ko kilala. Okay, napaka-tsismosa ko. Pero what can I do? I'm so curious!

"Uhh.. Kasi sabi ni papa, pumunta daw dun si Jethro para dalawin si Jonathan Santino. Yung kaibigan nya?" tumango-tango ako. "Tapos ewan ko na eh. Sabi daw nya nabaliw si Jonathan kaya ayun, inilipat sa mental. After nun, pumunta si Jethro sa front desk tapos sabi daw nun sya daw ang may kasalanan sa pagkawala ni Kira. Ni-rape daw nya at tinangkang patayin."

"M-may nasabi ba sya kung nasaan yung Kira??" tanong ko dito.

"Wala eh. Basta ang sabi lang sakin ni papa, galit na galit daw yung mga magulang ni Jonathan at sinabing di nila ito mapapatawad tapos wag nang lalapit sa anak nila. Di rin naman daw nakulong si Jethro kasi wala naman daw sapat na ebidensya para patotohanan ang mga sinabi nyang statement at isa pa, closed na daw yung kaso ni Kira. Nagwala pa nga daw si Jethro kaya pinaalis na lang nila sa city jail."

The Witness ActsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα