UC #11

2.7K 119 41
                                    

Third person's P.o.V

"Shit naman!"balisang bulong ni Jackson sabay luhod ng binata. "Pumasan ka Lyndsel, bilis!"wika ni Jackson.

Hindi naman na umangal si Lyndsel kaya't pumasan na agad siya.

"Dito tayo."sabi ni Ryohei at agad siyang nanguna sa pag takbo.

Hirap man si Jackson, pilit pa din niyang binibilisan ang pag takbo lalo pa at naririnig nilang tatlo ang ungol ng mga Zs na humahabol sa kanila.

"Wag kayong titigil sa pag takbo."sigaw ni Ryohei.

"Ha? A-anong binabalak mo?"tanong ni Lyndsel.

Ngumisi lamang si Ryohei, mas hinigpitan niya ang hawak sa kahoy niyang espada na nasa gawing kaliwa ng tagiliran niya.

"Trust me."wika ni Ryohei saka ito huminto sa pag lakad.

Bahagyang bumagal si Jackson sa pag takbo para tingnan si Ryohei ngunit biglang sumigaw ang binatang nag paiwan.

"Sinabi ng takbo Jackson!"

Ayaw mang gawin ni Jackson ay wala siyang magagawa, iniisip niya ang kalagayan ni Lyndsel lalo pa at nag tamo ng sugat si Lyndsel. Napapikit na lang si Jackson saka nag salita.

"S-salamat pre."wika ni Jackson saka muling tumakbo.

"J-Jackson..."naiiyak na pag tawag ni Lyndsel kay Jackson.

Hindi nag salita si Jackson sa halip ay binilisan nito ang pag takbo. Naririnig nilang dalawa ang pag ungol ng mga Zs. Hindi man nila nakikita pero dahil sa pag ungol ng mga Zs na tila hayok na hayok sa laman ay nadudurog na ang puso nilang dalawa sa naiisip.

Hindi pa nag tagal ay may natanaw na isang maliit na bahay sila Jackson. Isa itong puting bahay ngunit ang kinaibahan lang nito sa ordinaryong bahay, meron itong malaking solar panel na kitang kita sa bubungan.

"Dito ka muna."sabi ni Jackson kay Lyndsel saka niya ibinaba ang dalaga.

"J-Jackson paano si Ryohei?"tanong ni Lyndsel sa binata.

Napaiwas ng tingin si Jackson.

"Babalikan ko siya kapag nasa ligtas ka ng kalagayan."sagot ni Jackson saka umalis iniwan si Lyndsel.

Hindi naman kalayuan sa bahay ang kinatatayuan ni Lyndsel ngunit mag isa lang na lumapit si Jackson upang masiguro niyang ligtas ang bahay.

"T-tao po? May tao ba diyan sa loob!"sigaw ni Jackson mula sa labas.

Walang sumasagot sa pag sigaw ni Jackson. Tahimik pa din ang buong lugar. Kumatok ng malakas si Jackson saka muling sumigaw.

"Kailangan po namin ng tulong!"

Nag hintay si Jackson ng ilan pang minuto ngunit wala pa ding tumutugon sa kaniya.

"Badtrip!"sigaw ni Jackson sabay sipa sa pintuan.

"Jackson humanap na lang tayo ng ibang mahihingan ng tulong. O kaya naman..."natigil si Lyndsel sa pag sasalita ng mapansin niya sa bintana na may umilaw sa loob ng bahay.

"Bakit Lyndsel?"nakakunot ang noo ni Jackson habang lumalapit si Lyndsel.

"E-excuse me po. A-alam naming may tao diyan sa loob. Please help us. We really need your help!"sigaw ni Lyndsel kahit medyo nanghihina na dahil sa mga dugong tumutulo sa sugat niya sa kaniyang binti.

"Nasabi ko na 'yan at mukhang walang tao kaya tara na."hahakbang na sana si Jackson ng biglang bumukas ang pintuan.

Maliit na puwang lamang ang nilikha ng pag kakabukas ng tao sa loob ng bahay sa pinto.

Undead CityWhere stories live. Discover now