UC #7

3.2K 141 73
                                    

Third Person's P.o.V

"Babalik sila."wika ni Ryohei.

Natahimik si Zian sa sinabi at sa masamang tingin na ipinukol ni Ryohei sa kaniya.

"Okay fine. Mag hintay pa tayo ng ilang minuto. Kapag wala pa sila, umalis na tayo. Thirty minutes ang kakailanganin para tuluyang makalabas dito sa lugar na ito at makarating sa main road. Kailangan nating makaalis sa lalong madaling panahon kung ayaw nating malapa ng mga iyon."anunsyo ni Zian.

Bakas pa rin ang pag ka aburido ni Nerrise kay Zian dahil nag me-make face ito habang nag sasalita ang binata.

"Please Jackson, bumalik kayo."mahinang bulong ni Lyndsel ngunit narinig pa din ni Zian kaya kumunot ang noo nito ngunit hindi niya kinompronta ang dalaga.

"Saan ka pupunta Ryohei?"tanong ni Nurse Jamie ng tangkang lalabas ng bus si Ryohei.

"Hahanapin ko sila."matipid na sagot ni Ryohei.

"Hindi, baka pag umalis ka, saka naman bumalik sila Jackson dito. Baka mag kasalisihan kayo at mahihirapan tayo pag nangyarin 'yon!"tutol ni Nurse Jamie.

"Pero..."

"Tama si Nurse Jamie, dito ka na lang."singit ni Misty.

Walang nagawa si Ryohei kaya naman napaupo na lang ito sa harapan ng bus kung saan, kaharap niya si Nurse Jamie.

Ang loob ng bus ay nabalot ng tahimik. Walang nag sasalita ngunit HALOS lahat sila ay iisa ng dasal. Ang makabalik sila Jackson ng buo at walang nawawalang parte ng katawan.

---

"POOOTAAA! TAKBBOO BATANG SUPOT!"sigaw ni Jackson habang tumatakbo kasabay ni Bobby.

Walang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo ang dalawa simula ng mahiwalay sa mga kasama. Sila ay nasa likuran ng management building. Ilang metro din ang layo kung nasaan ang iba pa. Hindi sila makabalik sa dinaanan kanina dahil marami ng nag aabang na mga patay na hayok kumain ng buhay doon. Kaya napag pasiyahan nilang umikot sa management building.

Kabisado ni Jackson ang buong eskwelahan at maging ang mga lihim na lagusan dahil doon siya dumadaan sa tuwing hinahabol siya mga mga security guards kapag nag ka-cutting classes.

"Pre dito!"sigaw ni Jackson kay Bobby.

Lumiko sila pakanan at sumuot sa isang bintana. Hindi ito kataasan kaya't kayang kaya pasukin ng kahit sino.

"Sigurado ka ba dito pre?"tanong ni Bobby habang iniaangat ang sarili papasok sa katabing bintana kung nasaan naman si Jackson.

"Medyo lang pre! Hehehe!"nag-peace sign si Jackson ng makapasok siya sa loob kasunod si Bobby.

"Ano! Kala ko ba alam mo ang bawat pasikot-sikot dito sa school!"sigaw ni Bobby sabay napalunok si Jackson.

"Eh oo nga, ang kaso, malay ko ba kung matagal ng tinakpan ng mga guards yung butas sa isa sa mga comfort room dito sa building na 'to."sabi ni Jackson habang nag kakamot ng ulo.

"Urggh."

Napalingon silang dalawa sa may bintana ng kwartong pinasukan nila. Rinig na rinig ang iilang mahing ungol mula sa labas.

"Ano ng gagawin natin pre?"tanong ni Jackson.

"Pakyu ka pre. Buong akala ko may lalabasan talaga tayo dito dahil sabi mo meron kang alam na pwedeng lusutan dito tapos ngayon ako tatanungin mo niyan? Tsk!"sabi ni Bobby.

"Eh hehehe! Sorry na pre! Hayaan mo sa susunod, sure na ako!"pag mamayaabng ni Jackson. "So ano? Tara na? Aksyon na ulit!"

Dahan-dahan silang lumapit sa may pintuan. Sinipat muna nilang dalawa kung ilan ang mga nasa labas at pag katapos noon, sumenyas si Bobby na tatlo lang ang nasa labas. Tumango naman si Jackson hudyat na ready na din siya.

Undead CityWhere stories live. Discover now