Chapter 5

115 2 4
                                    

Abby's Note: Hi Loves! ^_^V Tada~ I'm back! HAHA. Updates for #TLTF is back. \(^_^)/ Well .. I'm just gonna let it slow but still .. #AngYna is back on Wattpad. :"> Have you missed them? 'Coz me? Super .. That's why I decided to resume the updates for my loves, #AngYna's TLTF since I don't think it's quite fair having their daughter's story, #PLWM finished before theirs.

Anyway, no long author's note for now. HAHA. Just keep on reading and loving #AngYna. God bless. (">3<)

To all .. Happy Reading ANJELLs! :D 

-------------------------------------------------

Chapter Five

The Investor



ISANG MALALIM na paghinga ang pinakawalan ko. Ilang minuto na rin akong naghihintay sa Lobby ng VGC o ang Villegas Group of Companies. Ito kasi ang kompanya pag-aari ng magiging investor namin para sa susunod na proyekto. At ngayon, ang araw na makikipag-usap ako CEO ng nasabing komapanya. Hindi ko mapigilang ang hindi kabahan. Napahinga na naman ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Naitapat ko pa ang kanang kamay sa bahagi ng dibdib ko. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang may mga maliliit na kabayong nag-uunahan sa isang karera.

Nakaraang araw pa lang ay hindi na ako mapakali para sa meeting na 'to. Walang sandali na hindi ko inisip kung ano ang mga dapat kong sabihin para mapapayag ang naturang CEO. Hindi ko na rin nakaligtaan ang mag-practice. Naisip ko kasing hindi ako pwedeng magkamali. Ayokong may magawa ako na hindi niya magustuhan at humadlang para mag-invest sa FBC. Ni hindi na nga ako nakatulog kakaisip sa pwedeng mangyari ngayon. Kahit sa pagkain naming magpamilya ay nahahalata ni Mommy Katrinella ang pagkabalisa ko kakaisip ng meeting na 'to. OA man kung pakinggan pero sobrang stress kasi ang naihatid sa akin nitong special assignment ko.

Hindi pwedeng may makaligtaan akong ibigay na impormasyon sa may-ari ng kompanya. Kailangang perfect ang lahat. There should be no room for mistakes. I must do everything that I can. Kung kinakailangang ligawan ko ang CEO ay gagawin ko.


Hay! Para namang wedding proposal ang gagawin ko. Ang swerte ng CEO, besh! Pinaghahandaan ko .. Shucks! Baka magselos si Kendrix nito.


Medyo napapailing na natawa ako sa naisip ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun pero basta na lang pumasok sa isip ko.

Bigla ay naging curious ko. Sino nga ba ang CEO ng VGC? Wala naman kasi akong ideya kung sino siya. Ang sabi pa ni Daddy Edward sa akin, mas okay na daw na hindi ko kilala ang magiging kausap ko para hindi naman ako napi-pressure. Muli ay napahinga na ako ng malalim.

 

Sa tingin ba ni Dad, hindi ako napi-pressure ngayon? Hay! Ewan. Pati paghinga ko ng malalim, napapadalas na. Nakaka-tense na 'to ah?


Hindi ko rin nakalimutan ang humingi ng payo kay Kendrix. Sa amin kasing dalawa ay sanay siya sa ganitong kalakaran. Hindi man business related ang ginagawa niya pero nakikisalamuha naman siya sa ibang taong nagiging kliyente niya dahil siya na ang may-ari ng Star Music na dating pinamumunuan ng Dad niya. Hilig naman kasi ni Kendrix ang pagkanta kaya, sa tingin ko ay tama lang na ganung propesyon ang mapunta sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POLS2: Their LOVE to FOREVER [TPOF Book 2 - KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon