PROLOGUE

533 15 10
                                    

Abby's Note: Alright. PROLOGUE is already posted. Happy Reading, Loves. \(^_^)/ Sorry for keeping you wait for a long time. LOL.

Anyway, I have watched #PSYSomewhereDownTheRoad wherein the scenes where all about Angelo and Ligaya. I was kinda irritated on how 'Sue' acted upon that particular role. I don't know why but 'Ligaya' is so OA. The acting was not really natural at all. Too much reaction on her portrayal that it annoys me to depths. In short, HINDI NA NAKAKATUWA! Hays! <(>O<")>

But oh .. I'm so excited with YNA's come back. Haha. Who you ka ngayon, Angelo? :P

P.S. HINDI KA NAKAKATUWA LIGAYA. HAYF! >:(

-------------------------------

PROLOGUE

Yna and Angelo



PAREHO ang ganda ng ngiting gumuhit sa labi namin ni Yna nang ihatid ko siya pauwi sa Fortalejo's Mansion. Hindi mapagsidlan ng saya ang dibdib ko sa tuwing iniisip kong mas lumalalim pa ang aming pagmamahalan dahil sa buong-buo ang pag-ibig naming dalawa. Tila alam namin sa isa't-isa na wala nang makakapagpahiwalay sa aming dalawa at kami na ang nakatakda hanggang sa huli.


"Angelo, mag-usap tayo sandali." Natigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko siya. Kitang-kita sa kanyang mga mata tindi ng galit o pagkamuhi na kung ano ang tawag doon ay hindi ko alam. Basta nararamdaman kong hindi ito maganda.

"Tu-tungkol po saan?" Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan. Ramdam ko ang papabilis na tibok ng puso ko.

"Tungkol kay Yna." Parang napatda ako sa sinabi niya. Basta tungkol kay Yna talagang ay kinakabahan ako.


May nangyari bang masama kay Yna? Pero magkasama lang kami kaninang dalawa ah!


"A-ano pong nangyari kay Yna? May nangyari po ba?" Paninigurado ko. Hindi ko gusto ang sariling tanong ko pero mas mabuti nang sigurado at alam ko.

"Wala." Pagsagot niya, dahilan upang mawalan ako ng tinik sa dibdib. Bigla ay nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman kung ganun!

"Pero kapag kasama mo siya, sigurado akong may mangyayaring masama sa kanya." Agad na bumalik sa dibdib ko ang kaba nang idugtong niya iyon sa mga unang sinabi niya. Sa tono ng pananalita niya'y nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Natatakot ako sa magiging sagot niya sa tanong ko pero wala akong magagawa. Kailangan kong malaman ang sasabihin niya.

"You know what I mean, Angelo. Stay away from Yna. Or else .." Ngumisi siya sa akin na mas lalong dumagdag sa takot ko. Sa sinabi pa lang niya ay alam kong hindi maganda ang mangyayari.


Pero hinihingi niyang layuan ko si Yna? Kaya ko ba?


Hindi ko na namalayan ang pag-alis niya sa harap ako. Nakaramdam na lang ako ng tila tubig na dumadampi sa mukha ko. Hinawakan ko ito at naramdaman ang mga luhang malayang kumakawala mula sa aking mata. Napahawak ako sa bahagi ng puso ko. Nasasaktan ako.


Hindi ko kayang mawala ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko kayang iwan si Yna. Nasasaktan ako pero mas masasaktan siya kapag ginawa ko.


Muli ay bumalik sa akin ang pakiramdam na 'gusto kong mawala na lang' sa sobrang sakit. Tuwing naalala ko ang bahaging iyon ng nakaraan ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit ko hinayaang humantong sa ganito ang lahat. Nagawa kong hintayin siya pero ako rin mismo ang dahilan kung bakit nawala siya. At ang masakit pa doon ay ang nasaktan ko siya. Parang gusto kong saktan ang sarili ko sa katangahang nagawa ko.


Hanggang kailan ko ba mararanasan ito? Hanggang kailan ako masasaktan sa sariling kagagawan ko? Hanggang kailan ako magsisisi sa bawat araw na lumipas na wala siya sa tabi ko?


"Hey, Miss! I want that po." Nawala ako sa sariling iniisip nang makarinig ako ng munting tinig malapit sa kinaroroonan ko. Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon at napangiti. Isang batang babae na nasa harap ng ice cream store dito sa park. Marahil ay gusto niyang kumain 'nun.

"Ito ba be? Fifteen pesos ang isang cone niyan eh. Nasaan ang pera mo?" Tanong sa kanya ng babaeng nagbabantay sa ice cream store.

"Nah. I don't have money eh. Pwede po bang libre na lang?" Napatawa ako ng mahina nang sabihin iyon ng batang babae. Natutuwa kasi ako sa pagdadahilan niya.

"Sorry be! Pero nagtitinda lang din ako. Bawal ang libre eh." Pagpapaliwanag ng babaeng nagbabantay. Napalabi naman ang batang babae na para bang naiiyak na. Mukhang gustung-gusto niya talaga ng ice cream. Pero teka, nasaan ba ang nanay nito? O kahit 'yung tatay niya? Para naman may magbibili para sa kanya.


Tuluyan nang naiyak ang batang babae nang hindi pa rin ito nabigyan makalipas ang ilang sandali. Kitang-kita ko mula sa kinauupuan ko ang pagkataranta ng babaeng nagbabantay dahil sa hindi mapatahan ang bata. Nagsalita pa ito ng kung anu-ano ngunit wala pa ring nangyari.

Hindi ko na alam kung anong meron ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong naglalakad papunta sa ice cream store. Bumili ako ng dalawang ice cream para sa amin ng batang babae. Nakangiting inabot ko ito sa kanya.


"Hush baby. Stop crying. Here's your ice cream, oh." Agad na tumahan ang batang babae mula sa pagkakaiyak at nagtatakang napalingon sa akin.


Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa batang babaeng kaharap ko. Tama ba ang nakikita ko sa kanya?


"Y-yna?" ... 


POLS2: Their LOVE to FOREVER [TPOF Book 2 - KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon