Chapter 3

203 11 3
                                    

Abby's Note: First Update of #TLTF for the year of 2016. \(^_^)/ 

Hope you'll like it, Loves! :) Happy Reading. Yippeeez! :">

-----------------------------

Chapter Three

What if



NATUTOP ko ang bibig ko gamit ang kanang kamay. Hindi ko inaasahang ganito ang tagpong maabutan ko. Nandoon sa akin ang sayang nararamdaman ko kapalit ng kaba ko kanina habang nawawala si Angel. Nandito na kasi siya. Nakita ko na siya. Ngunit, kasabay noon ang pagkabigla at muling pagsibol ng mumunting takot sa puso ko sa nasaksihan. Kung hindi ako nagkakamali ...


It's Angelique with Angelo. He Found Her!


Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Tila may mga kabayong nagririgodon sa pag-uunahan ang mga ito sa puso ko. Bakit sa lahat ng pagkakataon na pupwede silang magkita ay ngayon pa? Ano ba naman ito?

Nakangiti ang anak ko habang nakaluhod ang lalaking sa tingin ko ay si Angelo. Sa kabila ng kaba at takot na magkasabay kong nararamdaman ay hindi ko pa rin napigilan ang sariling tawagin ang atensyon ng anak ko.


"Angel?" Sabay silang humarap nang bigkasin ko ang pangalan ng aking anak bilang pagtawag.


Parang gusto kong umiyak nang mga panahong iyon. Kapansin-pansin kasi ang pagkakahawig ng mag-ama. Hindi ko alam ngunit kung sa akin lang ay hindi maikakailang nagmana rin si Danielle Angelique kay Angelo.


"Mommy?" Nakakunot pa ang noo ni Danni nang bumaling sa akin. Ngunit, makalipas lang ang ilang sandali ay gumuhit na ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Siguro'y natiyak niya ng ako ang tumawag sa kanya at nandito na ako.

"Mommy!" Tawag niyang muli. Lumapit naman ako at sinalubong siya ng isang yakap. Yakap na nagsasabing 'Natatakot akong mawala ka' at 'Mahal na mahal kita'.

"Mommy .. Hindi na naman po ako makahinga. Ang higpit ng yakap mo po." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Kumalas ako sa pagyayakap ko sa kanya at nakita ang napakacute kong anak na naka-pout. Lumuhod ako ng bahagya upang magkalebel ang aming mga mukha.

"Sorry Baby. Ikaw naman kasi eh. Pinag-alala mo masyado si Mommy. Saan ka ba kasi pupunta at nakaabot ka dito?" Tanong ko habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ng anak ko. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na panggigigilan ko si Danni ngunit, dahil kanina ay nag-aalala ako ay binalewala ko muna ang cuteness ng anak ko.

"Eh kasi Mommy .. Masyado po akong nag-enjoy sa mga nakalaro ko kanina. Niyaya po nila akong umalis doon kasi magpapalipad daw po sila ng kite. Eh .. Bigla naman silang nawala sa paningin ko kaya ganun po." Pagdadahilan ni Danni sa akin. Ramdam kong sa bawat salitang binibitawan niya ang pagiging totoo patungkol sa nangyari kanina kaya naman walang pag-aalinlangang naniwala ako.


Tumayo na ako para sana yayain si Danni na umalis dahil paniguradong nag-aalala na rin si Kendrix sa kanya. Palagay ko ay kanina pa iyon naghahanap sa aming dalawa ni Danni.


"Wait Mommy. Papakilala muna po kita sa New Found Friend ko. Si Tito Gelo po." Gusto ko sanang pagsabihan si Danni sa inakto dahil nakipag-usap ito sa isang estranghero ngunit hindi ko naman nagawa nang muli siyang magsalita.

POLS2: Their LOVE to FOREVER [TPOF Book 2 - KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon