Mahal na mahal kita, Inay (Tula)

326 16 15
                                    

Wala ng papantay sa'yo Inay,

Sa pagmamahal na 'yong binigay,

Kayo ang nagbigay sa akin ng buhay,

Maranasan ang mundong makulay.

Mula nung ako'y bata pa,

Kayo ang nag-aruga,

Inalalayan ang unang kong paglakad,

Hanggang sa ito'y natupad.

Mula noon wala na akong ginawa,

Maglaro para magsaya,

Masarap sa pakiramdam maging bata,

Malaya ka at walang nanaisin pa.

Minsan darating na umiiyak sa bahay,

Pagsasabihan dahil sa ako'y pasaway,

"Ikaw talaga makulit na bata"

Iyan ang parating sabi ni Mama.

Hanggang sa dumating ang araw,

Ako'y tutuntong na ng pag-aaral,

Papaliguan, bibihisan, papakainin,

Ganyan si Inay mag-asikaso sa 'kin.

Si Inay na ilaw ng aming tahanan,

Nagbibigay liwanag ,maging sa king kinabukasan,

Hindi hahayang maiba ang landas,

Hindi hahayang lumaking ahas.

Kahit na ngayon ako'y malaki na,

Nagkakaroon na ng isip -alam na ang mali't tama,

magkaroon man ng pagkakamali,

Patuly parin tayong iniintindi.

Hanggang sa tuluyan nang maging binata,

"Mag-aral muna bago mag-jowa"

Iyan ang payo ni Inay,

Sa tuwing papasok at aalis ng bahay.

Ngayong tumatanda na si Inay,

Ito lang ang aking maibibigay,

Naalala ko nung ako'y bata pa,

Nais kong ibalik ito sa kanya.

Mahal na mahal kita Inay,

Kahit nun minsan ika'y inaaway,

Hayaan niyong ibalik ko ito sa inyo,

Pag-aaruga at pagmamahal nung maliit pa ako,

Andito lamang ako sa tabi ninyo,

Babantayan maging sa pagtulog niyo.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon