Just Give Me a Reason (short story)

190 12 11
                                    

Isang kwento na hango sa kanta ni Pink ft. Nate ang "Just give Me a Reason". Isang version na gawa ni Otor na tungkol sa dalawang pusong pinagtagpo ngunit ang isa sa kanila ay aalis na hindi man lang alam ang tunay niyang dahilan sa paglisan nito. Basahin at alamin ang tunay niyang dahilan sa kanyang paglisan.

---

"Pangako hindi kita iiwan"

Mga katagang sinabi niya sa akin ngunit ito'y hindi niya nagawa, bagkus umalis siya at tulyan niya akong iniwan. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik siya at sa paggising ko mukha niya ang makikita. - Gabby

---

"Gabby, Gabby, gising nanaginip ka naman"

Nagising ako na umiiyak, si tita naistorbo ko nanaman siya, nagising siguro siya dahil sa hindi ko namamalayan na napasigaw na pala ako dahil nga sa nanaginip ako.

Sampung taon na din ang nakakaraan mula noong mangyari ang isang trahedya. Masaya kaming nagkakantahan ng mga magulang ko dahil sa sinasabayan namin ang kanta sa may radyo habang bumibyahe kami. Patungo sana kami sa bahay ng tita ko para magbakasyon, matagal na kasing hindi kami nakakapunta duon.

Nang mangyari ang hindi namin inaasahan, nawalan ng kontrol ang kotseng minamaneho ni papa. Sakto namang may isang malaking truck kaming makakasalubong. nakaiwas ito sa amin kaya naman kami ay nabangga sa may mga malalaking bato sa gilid ng daan.

Yinakap ako ni mama kaya ako nakaligtas. Noong mga oras na yun, maraming tao ang nagkakagulo dahil na rin siguro nasaksihan nila ang pangyayari. Sinugod kami sa ospital, at ng magising ako, napansin kung galos lang ang aking natamo, may mga sugat din ngunit hindi naman malala kumbaga.

Nang naging maayos na ang aking kondisyon nakita ko ang dalawang tao sa harapan ko, nababalutan sila ng puting kumot, nasa tabi ko na nun ang tita ko, dahil sa alam na niya ang nangyari sa amin. Hindi ko na nun kinaya ng malaman kong ang mga magulang ko ang nasa harap kong nakahiga at wala ng buhay. Humagulgol na ako sa iyak, yinakap ako ni tita.

Hanggang sa mailibing na ang mga magulang ko, si tita na ang kumupkop sa akin. Siya ang nag-alaga at nagpalaki, siya rin ang naging bahala sa pag aaral ko hanggang sa makapagtapos na ako ng pag-aaral.

"Oh heto ang damit, magbihis ka na, basang basa ka nanaman ng pawis" pag-aalala ni tita, alam na niya kasi kung bakit ako nagkakaganito, napanaginipan ko nanaman uli ang mga magulang ko.

"Nga pala, may pupuntahan tayo bukas, kaya magpalit ka na at bumalik kana uli sa pagtulog mo"

Magsasalita pa sana ako kaso nakalabas na ng kwarto si tita. San kaya kami pupunta bukas? Bumalik nalang ako sa pagtulog ko.

Maaga akong nagising dahil nga sa may pupuntahan kami ni tita. Tinignan ko yung kalendaryo kung may espesyal ba ngayong araw na toh, sa kalendaryo kasi sinusulat ni tita yung mga araw na espesyal sa kaniya, nakuha nyo ba?

Wala naman akong nakita, san kaya ang lakad namin ni tita kung gayun. Narinig kong pababa na ng hagdan si tita kaya naman naghintay na ako para matanong ko siya. Nang makababa siya,

"san ang lakad natin tita"

"basta *ngiti niyang sabi na para bang may balak nanaman tong kalokohan*

"naman ehh" nagtampo akong umakyat sa kwarto ko, ganito talaga ako mabilis magtampo, at saka pagdating sa lokohan, magaling diyan si tita pero sobrang bait naman ni tita eh kaya ok na kahit di ko minsan nakakaya mgas kalokohan niya, lagi akong talo.

Nang makabihis na ako, bumaba na ako dahil sa kanina pa naiinip si tita sa baba. Nang makababa na ako sakto namang nakalimutan ko yung cellphone ko sa kwarto kaya ayun balik nanaman ako sa pag akyat, dumiretso nalang si tita sa kotse niya at dun nalang ako hinintay.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon