Bestfriend (Short Story)

113 7 10
                                    

Dedicated to @JrrRbp

Alam mo yung feeling na may mahal ka, at ang higit sa lahat ay ang "Bestfriend" mo pa! Alam kong ang iba sa inyo makakarelate sa kwentong ito. Hango sa dalawang magkaibigan na hindi man lang nila nasabi ang mga tunay nilang nararamdaman nila kasi ang nauuna ay ang hiya nila at ang takot na baka sila ay mabalewala. Naranasan ko na ito pero hanggang ngayon ganito pa rin ako, isang dakilang "TORPE". Ang galing, sinasaktan ko nanaman ang sarili ko.

Hindi ko alam kung anong nakita ko sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko. Maganda siya, hindi sa pisikal na anyo kundi sa kanyang pagkatao. Hindi ko siya nilalait, maganda talaga siya. Sa tuwing kasama ko nga siya, alam mo yung feeling na siya lang yung nakikita mo kahit na may maraming taong nasa paligid nyo. Ako kasi ganun. May mga taong minsan para nang kung anong hayop na diyan na pagtsitsismisan na kami. Pero heto ako, hindi ko sila ininda, ano bang pake nila eh sa mahal ko nga ang bestfriend ko. Pero ang masama may "Mahal" siyang iba. Ang sakit ng ganun eh, alam ng barkada ko na may pagtingin ako sa bestfriend ko. Nasabi ko kasi sa kanya.

Minsan sinasabi ng barkada ko na, "hayan mo nalang pare, may boyfriend siya masama kung masisira mo lang ang relasyon nila". Nasasabi ko minsan sa sarili ko, kahit minsan may tama din ang barkada kong ito kahit na puros kapalpakan ang dala nito. Ang nais ko lang naman sana masabi niya rin sa akin na "sana ipakita mo rin na nasasaktan ka". Kung hindi niya lang talaga alam, kung gaano ako nasasaktan ngayon. Ang nakakainis kasi, niloloko na nga siya ng boyfriend niya, nagbubulagbulagan pa, miunsan kapag nahuhuli ko yun, siya pa ang pinagtatanggol nito. Ewan ko ba kung bakit, eh mas GWAPO pa ako at MATINO sa kumag na yun eh, yabang ko noh.

Kaya ngayon heto ako, ang dakilang torpe sa bestfriend niya na bulag, hindi bulag na may sira ang mata ay mali sira talaga ang mata, biro lang. Mahal ko si Bestfriend, kaya susuportahan ko siya kung saan siya masaya.

Nasabi ko na ba college na kami ngayon? Okay, third year college na kami ngayon, at sila pa rin nung boyfriend niya. Ang sakit pa rin kasi hindi pa sil nagbebreak, biro lang. Pero yung totoo, hindi pa din niya alam na may pagtingin pa rin ako sa kany. Minsan nahuli niya akona may kausap sa telepono, babae siya. Nang matapos ko itong kausapin bigla ba naman akong tinukso ang akala niya kasi girlfriend ko, eh wala pa akong girlfriend eh. Tapos tinanong niya ako kung bakit hindi pa ako nag gigirlfriendf, at sabi ko naman "hindi ka pa kasi pwede eh" siyempre sa isipan ko lang yun sinabi.Tignan niyo, sambahin niyo ako dahil ako si (insert name) ang dakilang torpe sa kanyang bestfriend.

Hanggang sa valentines ball na namin, kinausap niya ako kung pwede ako ang maging partner niya. Siyempre hindi ko muna siya sinagot kundi tinanong ko kung bakit muna. At sinabi niyang may sakit yung boyfriend niya at hindi ito makakapunta. Siyempre ang naging reaksyon ko, masaya, nasiglahan ako kasi sa wakas maisasayaw ko na ang bestfriend ko. HIndi pa kasi kami nagiging partner mula sa Prom nung High School hanggang sa ngayong Ball na ito.

Habang sinasayaw ko siya, para akong nasa alapaap. Ang saya ko kasi kasama ko ang bestfriend ko sa isang espesyal na araw na ito at isa pa bago matapos ang araw na to siya ang maisasayaw ko. Sasabihin ko na ba sa kanya? Pero natatakot ako..

Hanggang sa magtatapos na kami sa pag aaral, ang bilis noh? hayaan niyo na kwento ko ito. Yinakap niya ako, at..hinalikan niya ako. Hindi sa labi sa pisnge lang, asa pa ako. Pero nung ginawa niya, ewan ko pero ang saya ko namula ako sa ginawa niya pero ang napansin ko ay pagmula din mismo ng mga pisnge niya.

Lumipas ang panahon, heto ako ngayon nakaupo sa simbahan, pinapanood ang bestfriend ko naglalakad patungo sa magiging asawa niya. Ang sakit, bawat paglakad niya papalapit sa kanyang magiging asawa para akong tinutusok ng karayom sa puso ko, parang pinipiga ang dugo ko, OA ba? Hayaan niyo na si dakilang torpe ito lang ang nararapat sa kanya pero ang sakit diba? Sana naman naglakas loob siya diba kaso hindi.

Nang sasabihin na nung pare kung may pipigil ba sa kasal. Sabi ko sa sarili ko ito na ang huli kong pag asa. Kaso, di ko alam pero maging ang dila ko umatras at para bang ayaw niya akong pagsalitahin. Siguro nga tama siya, kasi diba ang gusto ko kung saan masaya ang bestfriend ko duon na ako basta masaya siya masaya na din ako.

Dalawang buwan matapos ang kasal, ginimbal ako sa akin nalaman, ewan ko pero ang bestfriend ko nagka cancer. Oo, nagkaroon siya ng sakit at ito ay brain cancer, hindi na kaya pang agapan dahil kumalat na ang virus at stage four na ito. Nagulat ako dahil sa pagbilis naman ng pagkalat. Hanggang sa namatay na nga ang bestfriend ko. Bago siya makita na siyang nakahandusay sa sahig sa kwarto niya pansin ang isang diary at isang sulat, siguro hawak hawak niya ito bago siya mamaalam. At ang sulat na iyon ay walang iba kundi sa "AKIN".

Nung araw ng libing niya, andun ako, siyempre hindi pwede akong mawala dun. Mahal ko ang namatay pero hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano siya ka-importante sa akin kung gaano ko siya kamahal kung gaano ko hindi ko nasasabi na para ba akong nasa alapaap pag kasama ko siya at para siya lang ang tangi kong nakikita kahit na maraming nakaaligid sa amin.

Binasa ko ang sulat, ang sulat ng taong mahal ko sa akin sulat niya sa akin nung kami pa ay High School;

"I stared at him.. Wishing he was mine.. but he doesn't notice me like that..And i know it.. i wanted to tell him.. I wanted him to know. That i don't want to be "just friends or bestfriends"...I love him but i'm just too shy..And i don't know why.. I wish he would tell me he LOVED me."

(insert name)

Sa nabasa kong iyon, masasabi kong nasa huli ang aking pagsisisi. Ang bestfriend ko ang taong mahal ko ay mahal din pala niya ako. At tumakbo ako, hindi ko mapigilan magalit sa sarili ko. Umiiyak akong tumatakbo ngunit hindi ko alam kung saan ako patungo, walang wala ako sa sarili ko, hindi ko alam pero....may papalapit na palang isang truck sa akin. Ipinikit ko ang aking mata, dahil alam ko dito ako sasaya. Ang makasama siya sa kabilang buhay, at naramdaman ko na ang pagbangga sa akin.

THE END

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon