Chapter 8

15 3 1
                                    

*Iza's POV*

[Cafeteria]

"Iza mukhang type ka ni Jack ah. Ayiiieee! Haba ng hair!" pang-aasar sa'kin ni Ciara.

"Ewan dun. Masyadong mahangin eh. Nakakairita." inis kong sabi.

Pinagtawanan lang ako ni Joy at ni Ciara. Ewan ko talaga. Sabi nila kaya daw hindi ako nagkakaboyfriend kasi suplada daw ako. Pero ano naman ang magagawa ko kung hindi talaga ako interesado sa kanila tsaka wala pa sa isip ko ang lovelife. Ang gusto ko kasi yung magiging boyfriend ko, siya na ang first, second, third hanggang last. Basta gusto ko siya na yung papakasalan ko. Ayoko kasi ng papalit palit ng boyfriend tulad ng iba. Oo, ako na ang goodgirl. Pero nag-iingat lang ako.

Yung tipo ni Jack, hindi talaga siya papasa sa standards ko. Inaamin ko, masyadong mataas ang standards ko. Kasi nga, nag-iingat lang ako. Tsaka unang-una, ayoko sa mayabang. Pangalawa, ayoko kay Jack para wala ng pangatlo at tapos na ang usapan. Halata naman sa kanya ang pagiging playboy eh. At pinapangako kong hindi mapapasakanya ang number ko lalong lalo naman ang puso ko. Yuck! Eeeew! Pwe! Nakakairita talaga. Mas maganda naman sa'kin si Joy bakit hindi nalang siya ang kulitin nun? Diba? Sakto naman at heartbroken si Joy.

"Eh kamusta naman kayo ni Gab, Ciara?" pag-uusisa ko.

"Haha! Si Gab... Hahaha!" wala namang nakakatawa sa tanong ko ah. "Jejemon pala 'yon. Hahaha!"

"HAHAHAHAHAHAHA!" hindi namin napigilan ni Joy ang pagtawa. Sa gwapo niyang yun, jejemon pala siya. Hahaha! Well, you can't really have it all. Haha!

"Pa'no mo naman nasabi?" tanong ni Joy matapos makaget over sa pagkakatawa.

"Eh, nakatext ko kasi siya kagabi. Pero tinawagan ko nalang kasi hindi ko talaga mabasa. Pero, after nung pag-uusap namin, medyo umayos na naman ang text niya kasi sabi ko ayusin niya."

"Hindi ka ba na-turn off?" tanong ko kay Ciara.

"Hmm, wala naman dapat ika-turn on o off, kasi friends lang kami at hanggang dun lang 'yon."

"Nako diyan naman nag-uumpisa ang lahat. For sure, hindi naman hanggang friends lang ang gusto nun ni Gab. Syempre umaasa pa din yun na pwedeng mangyari ang Ms. sungit fell in love with Mr. Jejemon." biro ni Joy.

Nagtawanan na naman kami sa joke niya. Napakaloko kasi nitong babaeng 'to. Lahat nalang ginagawa niyang biro. Siguro nga kaya niya nakakaya ang situation niya ngayon. Siguro ginagawa lang niyang defense mechanism ang pagbibiro niya samin para hindi maging obvious na sobrang nasasaktan pa din siya ngayon. Syempre, kahit wala akong experience sa love na yan, alam ko pa din kung ga'no kahirap kalimutan agad ang taong ilang taon mong nakasama.

"Kamusta na nga pala ang puso mo Joy?" pag-iiba ng topic ni Ciara.

Biglang nalungkot si Joy. Biglang bumaba ang energy niya.

"Eto, durog pa din. Pero hindi ko nalang iniisip. Tsaka gusto kong ipakita kay Dave na hindi siya kawalan... na ako ang kawalan sa kanya at dapat lang talaga siyang manghinayang." bitter na sagot ni Joy.

Nagpalakpakan naman kami ni Ciara dahil sa sagot niyang makapagdamdamin. Simula nung nagbreak sila ni Dave, hindi na namin madalas makita si Dave dito sa university. Kahit anino niya, wala na. Iniisip nga namin ni Ciara na baka nagbubulakbol na si Dave, nagrerebelde.

"Siya nga pala, magkikita ba ulit kayo ni Gab ngayon?" pag-iiba ng topic ni Joy.

"Hindi. Hindi naman namin kailangan araw-araw magkita. Tsaka, may date ako kay Dylan mamaya."

Hanga talaga ako kay Ciara. Kasi hindi talaga siya nag-entertain ng kahit sinong manliligaw simula nung namatay si Dylan. Ayon yan sa kwento sa'kin ni Joy. Pinanindigan ni Ciara ang sinabi niyang si Dylan lang ang mahahalin niya. Ang galing. Pwede pala 'yon. Pero sigurado naman ako na kaya nagawa ni Ciara 'yon dahil na rin sa sobrang pagmamahal niya kay Dylan. Kaya minsan hindi ko maintindihan kung baket inaasar ni Joy si Ciara kay Gab. Pero nakikisakay naman ako sa pang-aasar. Masarap lang kasi talaga mang-asar ng pikon. Diba?

*Dave's POV*

Oh teka lang. Bago kayo magalit sa'kin, pakinggan niyo muna yung side ko. Ayoko talaga makipagbreak kay Joy. Pero naipit kasi ako sa sitwasyon na kailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat. I guess. Para mas maintindihan niyo, eto yung pag uusap namin ni mama sa skype.

Flashback

"Dave, how are you?" nagyaya magvideo call si mom. Namimiss na daw niya ako eh.

"I'm fine mom, ikaw po? Happy mothers' day! I love you mom."

"I'm fine. We're fine here. I really miss you anak. I love you more." biglang nakita ko ang lungkot sa mukha ni mom. "Hmmm, how's your relationship with Joy?"

"Malapit na po ang anniversary namin mom." napangiti ako bigla sa naging topic namin "Actually I'm planning a surprise for her." excited at proud kong sabi kay mom. Pero bigla siyang nagpoker face. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong hindi dapat.

"Dave, can you do me a favor?" biglang naging seryoso ang tono ng pananalita niya.

"Sure mom. Anything." kinabahan ako bigla.

"Leave her." parang bigla akong nabingi sa sinabi ni mom. Parang biglang tumigil ang oras. Pati ang heartbeat ko parang biglang huminto at kung nasa isang teleserye man ako ngayon, panigurado, nakazoom in na ang mukha ko sa tv at biglang may luha na tutulo mula sa mga mata ko at biglang sisigaw ang direktor ng "CUT!". Sana nga ganun lang. Pero hindi eh, nasa totoong buhay ako eh at nasaktan ako sa hinihinging pabor ni mom.

"But why?"

"Basta anak. Sabi mo you'll do anything for me. Diba?"

"Opo. Pero--"

"No buts. Pag hindi mo siya hiniwalayan, sisiguraduhin kong malulugi ang business nila. Madami akong contact sa mga inventors ng company nila. You know that right? "

"Stop controlling us mom!" bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa inis.

"Sundin mo nalang ako anak. Ok? I talked to her parents at pumayag naman sila sa deal namin."

"Business na naman. Mom, ni minsan ba natanong niyo kami kung naging masaya kami sa desisyon niyo?"

"Para sa inyo din yan Dave. In the near future, kayo din ang magmamana ng business natin. Gawin mo nalang ang sinabi ko anak."

End of conversation.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni mom. Ang labo. Okay naman kay mom si Joy dati. Kaya hindi ko maintindihan bakit siya nagkaganito. Sobrang mahal ko si Joy. Hindi ko siya kayang iwan. Pero pag hindi ko sinunod si mom, baka matuluyang magsara ang business nila Joy. Ayoko naman mangyari yun syempre. So, sinunod ko nalang si mom. Pero, pagkagraduate ko at kaya ko ng suportahan ang sarili ko, babalikan ko si Joy. Pangako yan. 

Nagsasawa na ako. Ayoko na. Yan nalang ang sinabi ko kay Joy. Pagkasabi ko niyan, parang sumabog ang dibdib ko. Sumabog sa sobrang sakit. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo, pero... nag-aalala ako baka kung anong gawin ni mom. Grabe. Akala ko sa tv lang pwedeng mangyari yung mga ganito. Parang kontrabida si mom pero wala akong magawa kundi sundin siya dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo, nanay ko pa rin siya at may utang na loob ako sa kanya. 

Hindi ako duwag. Mas pinili ko lang kung anong makakabuti sa lahat lalo na kay Joy at sa pamilya niya. 

Para mawala ang pagkalungkot ko, nag log-in ako sa facebook at naglaro ng 8 ball. Biglang may nag pop out na message.

"Dude."

Nagmessage pala ang kapatid ko. Bakit kaya?

Memories in the Making (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon