Chapter 4

27 5 3
                                    

Chapter 4

[Saturday; 9:00am]

Yon oh! Saturday na. Yes! Wala na akong pasok. Ang dami namang gagawin. Hays! Makikipagdate na muna ako kay Dylan my love so cute. 

*Bzzzt! Bzzzt! Bzzzt!

Mommy Calling...

"Hello mom?"

"Hi anak. How are you?

"I'm fine mom. Kayo po?" 

"Okay lang din. Pero ang business natin hindi. *sigh*"

"Bakit mom? Anong nangyare?"

"Bumababa ang sales natin Ciara. Pag nagpatuloy 'to, wala akong magagawa kundi ibenta ang business natin. *sigh*"

"Alam na po ba ni Ate Tin?" 

"Oo, tinawagan ko na din siya. By next week, pupunta siya dito para tulungan ako. "

"Ah, okay po mom. Don't worry maaayos niyo po yan. And, konting panahon nalang din po, matutulungan ko na kayo mommy."

"Thanks anak. O siya, bye na muna. I'll work na. Ingat palagi diyan ha. Pag naayos na tong problema ng business natin, uuwi muna ako diyan. Ok?"

"Talaga mom?" ngiting ngiti kong sabi. "Sige po ingat din po kayo diyan ha. Wag niyong papabayaan ang sarili niyo. I love you."

"I love you anak. See you soon. Godbless."

Pagkatapos namin mag-usapan ni mommy, umalis na ako ng bahay. Bumili ulit ako ng bulaklak para kay Dylan. Pagdating ko sa puntod niya, nilapag ko ang dala kong bulaklak. Umupo ako sa may Damohan.

Kamusta na hubby? Miss na miss na kita oy! Nandito ka ba ngayon sa tabi ko? Tabihan mo naman ako. Magparamdam ka naman. Hindi naman ako matatakot eh. Sa gwapo mong yan. 

Biglang humangin ng malakas. 

Hubby may paghangin effect ka pa ha. Kala mo naman matatakot mo ko. Naku naku! Ang tapang tapang ko kaya. Ayoko lang ng horror movies kasi ano... uhmm... ano kasi... walang thrill. Kaya hindi ako napayag noon na manuod tayo nun. Pero hindi naman talaga ako takot sa multo. 

"OY!!!" may narinig akong boses ng lalake na sumigaw. Medyo kinilabutan ako. 

Dylan, ikaw ba yun? Wag ka naman ganyan. Joke lang yung sinabi ko sa'yo. Alam ko naman na masaya ka na diyan. Kaya diyan ka nalang ha. Wag ka na pala magparamdam. Okay na ako. Hehe namiss lang talaga kita kaya ko nasabi yon kanina. Pero okay na ako promise. 

Tumayo na ako para pagpagan ang pants ko nang biglang humangin ulit ng malakas. Kinikilabutan na talaga ako. Ano ba yan Ciara, ang aga aga natatakot ka. 

Lalo pang humangin ng malakas. Lalo akong kinilabutan at natakot nung pati ang bulaklak na nilapag ko sa puntod ni Dylan ay gumalaw na. Siguro sa sobrang lakas ng hangin. Nilamig ang buong katawan ko. Gusto ko na sana maglakad papasok ng kotse. Ay hindi pala. Gusto ko na pala tumakbo.

Oo na Dylan duwag na ako. Whaaaaaaaah! Wag naman ganito hubby. Naiiyak na ako sa takot. Huhuhu

"Ehem" may boses ng lalake akong narinig. Galing ang boses na yun sa likuran ko. Dahan dahan akong lumingon sa likod para tingnan kung sino yung nag-ehem. 

Paglingon ko... "Hi miss!" 

"Ay palakang kokak!" si Gab pala. "Anong ginagawa mo dito?" tanong sa kanya. Uy! Close kami? Bakit ko siya kinausap? Pero nag "hi" naman siya sakin eh. Sure din naman ako na ako ang kausap niya kasi ako lang naman ang tao dito.

Memories in the Making (On-going)Where stories live. Discover now