Prologue

5.5K 115 50
  • Dedicated kay KSG Family
                                    

   "Mommy, sama po ako," naglalambing na sabi ng tatlong taong gulang na anak ni Sandy at Alex Lagdameo na si Marion. Maganda, maputi at chinita ito katulad ng mommy niya.

  "Baby, lakad ng mga matatanda ito. Two days lang naman ako mawawala. Kasama ko sila Tita Ava,  Tita Lilian at Tita Kristy. Magba-bonding lang kami, Sweetheart. Huwag ka ng magtampo, Marion."

   "Why can't daddy and I go with you?" nakasimangot nitong sagot.

   "Marion, ___," umpisa uli ni Sandy nang biglang nagsalita ang baritonong boses mula sa likuran nito.

   "Sweetheart, gusto mo bang mamasyal tayo habang wala si mommy ngayong weekend?" nakangiting salo ni Alex sa usapan ng mag-ina niya. Alam niyang nahihirapan ang loob ni Sandy tuwing aalis ito na hindi kasama ang anak.

   Napasulyap sa gawi niya si Sandy, bumulong ito ng "thank you" sa kanya.

  "Where are we going, daddy?" Nabaling ang atensyon ni Marion sa ama.

  "Anywhere you like, baby. Saan mo ba gustong mamasyal?"

  "I want to go to lolo and lola's house. Can we also sleep there tonight, daddy?" Ang tinutukoy nito ay ang mga magulang ni Alex.

  "Of course we can go to your lolo and lola's house, Sweetheart."

  "Sleep there too?"

  "We have to ask lola first, okay?"

  "I know she'll say yes!" buo ang loob nitong sabi. 

  "Now please go and look for your yaya. She's preparing your breakfast now," madiin niyang utos sa anak.

  "Okay, daddy." Nasa may pintuan na ito nang bigla uli itong bumaling sa kanilang mag-asawa. "Mommy, please buy me a pasalubong pleaseeee," masaya nitong bilin.

   "Sure, baby. Ano ba ang gusto mo?" nakangiting tanong ni Sandy.

   "I want another doll," mabilis nitong sagot.

   "Sige anak, maghahanap ang mommy ng pinakamagandang doll. Halika nga dito, kiss mo muna ako bago ka pumunta kay yaya." 

   Agad itong tumalima at tumakbo papunta sa ina para yumakap ng mahigpit. "I love you, mommy."

  "How much?" seryosong tanong ni Sandy bagamat may sumilay na ngiti sa mga mapupulang nitong labi.

   "Priceless, mommy! I love you forever and ever like daddy!" 

   "I love you so much, Marion. You and daddy will always be in my heart wherever I go. So while I'm with my friends this weekend, you and daddy will be here with me," ipinatong ni Sandy ang kanang palad sa harap ng puso nito.

   "Daddy and I cannot fit there, mommy. You are being silly, mommy," humagikgik ito.

    Sabay silang natawa ni Sandy sa reaksyon ng anak.

   "Sweetheart, there's more room there for a brother or sister. Maybe you can ask mommy to give you a brother soon," pilyong sabi niya sa bata.

   "I want a baby sister! I don't want a brother!"

   "Ayan honey, inumpisahan mo kasi." Nakangiting sabi ni Sandy.

   "Hon, kailangang ma-order na iyan pagbalik mo sa Monday." bulong niya ang asawa habang yakap niya ito mula sa likuran.. Inumpisahan niya itong halikan sa leeg at sa tainga.

   "Shh, marinig ka ng anak mo." Saway nito sa kanya.

   "Marion, sweetheart please go and look for Yaya Nita," utos niya sa paslit na nakamasid sa kanilang dalawa.

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon