29th MCS

15K 198 12
                                    

RATED SPG

I decided to roam around the resort with the manager and his secretary. I need his update for the last month's income of our resort. Gusto ko rin malaman kung may mga reklamo ba ang mga customers.

"So, Mr. Forbes, what do you think of putting some recreational activities here?" Sabi ko sa kanya at itinuro ang malaking space na may mga ilang puno. Sayang kung di magagamit eh.

"Like what Miss Romualdez?"

"Hmm, wall climbing, rapelling, and the like. Para hindi lang makilala ang resort na to dahil sa ganda, kundi pati na rin sa mga kaya nating i-offer."

"That's a good idea Miss Romualdez."

"And I suggest na magkaroon tayo ng iba't ibang contest depende sa season. Maganda sana kung ngayong week magkaroon tayo ng Holloween party, at the same time, pagandahan ng costume."

"Pero Miss Romualdez, hindi na po natin maaasikaso yan, lalong lalo na ng mga magiging contestant. Masyadong magagahol ang lahat."

"Exactly Mr. Forbes. Ang gusto ko, one month ang preparation para sa mga contest. Please jot it down." Tapus tumingin ako sa secretary nung manager. "This coming christmas, ang gusto ko mag kakaroon tayo ng singing contest. Sa summer naman, magkakaroon tayo ng pageant, entitled 'Mr. and Ms. Golden Aldez'. Masyado na kasing nakakabored dito sa resort. Magpasalamat na lang tayo dahil maganda talaga ang resort at dahil sa nightlife ng resort na to. Baka magsawa na ang iba sa pagpunta dito."

Etchos ko lang yun. Kasi madami talagang nagpupunta dito para mag relax. Kahit mga foreigner, nag eenjoy sila sa resort. Pero kailangan din naman ng bago. Tinatakot ko lang sila sa mga possible outcome. Isa pa, marami ring mga resort ang nakapaligid samin. Depende na lang yan sa mga maio-offer mo na talagang kae-enjoy-an ng lahat.

"Sige Miss Romualdez, kami na ang bahala."

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon