26th MCS

13.3K 172 8
                                    

"Sir Nath, anong ginagawa mo dito? Vacation?" Nandito kami ngayon sa sweet delights, mag memeryenda. Hindi ko muna pinapansin si Dex, kasi pag galit yan, hindi makausap ng maayos. Kaya, iwas muna ko dyan ngayon. Nandito naman si Sir Nath eh.

"Just Nath. Wag mo muna akong i-sir. Wala tayo sa school." Wag kang ngumiti. Shett, mahal na ata kita. Syempre joke pa lang muna. Crush pa lang.

"Ah, sige po. Anong ginagawa mo dito Nath? May mga kasama ka?" Napatingin ako kay Dex na nakatingin lang sa malayo at humihigop ng strawberry shake.

"Dito talaga kami pupunta ng mga kaibigan ko. Yung kasama ko kanina sa resto. May pinuntahan pa kasi kami kaya nauna kayo samin." Ganito na ba talaga ka sikat ang resort namen para puntahan? Sa bagay, mas malapit kaysa sa bora or sa palawan. "Kayo pala ang may-ari ng resort na to."

"Ah, oo. Nandito nga kami ngayon ni Dex para i-check tong resort. So, kamusta naman ang service ng hotel? Wala naman kayong naging problema? Wala naman kayong ire-reklamo?" Baka kasi natarayan yung mga kasama nilang mga babae, dahil puro gwapo ang kasama nila.

"Wala naman, maayos naman yung service nila, maasikaso." Dapat lang! Ayaw ko ng mauulit sa ibang guests yung ginawa ng receptionist.

"That's good." Nagkatinginan kamimg dalawa, yung tingin niya na parang nasa Club88 kami. Kaya nailang ako. Uminom na lang ako ng juice ko. "Dex, ok ka lang?" Naiilang kasi ako kay Sir Nath.

"Tsk! Buti na lang nag decide ako to stick with you para mabantayan ka, dahil diyan sa suot mo." Masyado namang conservative to. Eh ang alam niya nga may experience na ko.

"What do you expect me to wear? Jeans and jacket? Dex, nasa beach tayo. Natural na ganito ang isuot ko."

"Sobrang revealing masyado." Sobra na masyado pa, ang OA.

"Wala namang nangyaring masama. Ok naman ako di ba?"

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon