16th MCS

15.4K 209 4
                                    

Buti na lang di pa gaanong maingay dito sa Club88, konti pa lang ang mga tao. Past 9 pa lang kasi. 

Umorder muna kami ng light drink. Mamaya na kami mag papaka-wild.

"Kamusta ang SweetTooth?"

"Doing great. Mas nakikilala pa siya ngayon. Pero, mukhang mamalasin. Tsk."

"Malas? Why?"

"May isa kasing guy na customer na sobrang kulit. Nung first time niyang makapunta sa shop, kailangan niya daw makausap ang Manager, which is on leave, kaya nakatutok ako sa shop eh, nung hinarap ko siya, nganga lang siya. Tapus kinausap niya ako about sa pag order niya ng mga cakes ang cupcakes para daw sa debut ng sister niya. Maayos naman siyang kausap, nag bigay agad siya ng partial payment after niya naubos yung order niya. Kaya naging busy ako these past few days para sa pag de-design ng cake. After that, lagi na lang siyang nasa shop ko, lagi akong pinapatawag, itatanong lang yung about sa mga order niya. Nung sinasagot ko yung tanong niya, maya maya lang binabago na yung topic. He's been doing that for a week, maybe."

"Baka ikaw ang type? İkaw ang gustong order-in. Ano bang itsura?"

"Jaw dropping."

"Sunggaban mo na. Wag mo ng pakawalan pa."

"Eh? Ayoko nga. Baka may sabit."

"Eh di kabitan mo." 

"Gaga!" 

Hindi namin namalayan na past 11 na, kaya ang dami ng tao, at maingay na talaga. Kung kanina, light drinks lang ang iniinom namin, ngayon margarita na at tequilla. 

"Sayaw tayo." Sigaw sakin ni Jasmint, kasi nga ang ingay ng music.

"Mauna ka na Mint."

Sinundan ko na lang ng tingin si Jasmint na sumayaw habang papunta ng dance floor at nagsimula ng mag pa ka wild.

After pa ng 5 shots, nag decide na kong magpunta sa dance floor. 

Type ko kasi yung kanta. 

Nung nasa gitna na ko, may nakipag sayaw agad sakin. Dahil naiinitan ako, game lang, tulog tuloy lang ang sayaw. Hanggat hindi niya ko binabastos, walang magiging problema. 

Gadd, ang tagal kong hindi nakasayaw ng ganito. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa may batok niya, shet! ang gwapo pala. Drop dead gorgeous hotty. Ang tangos ng ilong, dashing blue eyes. Kissable lips. 

Buti na lang nakakapigil pa ko na halikan siya, nakikipag titigan sakin eh. Nate-tempt na talaga. 

Dahil hindi naman sobrang wild ng kanta, nakahawak lang yung isang kamay niya sa hips ko, take note HİPS, hindi waist. Sabay lang kami sa pagsayaw, merong pababa, pakanan, pakaliwa, pataas. Mas nalalasing ako sa kaharap ko. Ang lapit pa ng katawan namin sa isa't isa. Nilapit ko yung labi ko sa tenga niya at sinabayan ko pa yung favorite part ko ng kanta.

"Young hunks, taking shots, stripping down to dirty socks. Music up, gettin' hot. Kiss me, give me all you've got. It's pretty obvious that you've got a crush. That magic in your pants, it's making me blush." Tapus kinagat ko yung earlobe niya. Gadd! Nadadala ko, hindi ko alam kung dahil sa nainom ko, o dahil ang gwapo talaga ng kaharap ko. Hinapit pa niya lalo yung katawan ko palapit sa kanya. 

Nung may tumusok, biglang gumapang yung kilabot sa katawan ko, napabitaw ako sa kanya kasabay ng pagkatapos ng kanta. Nung tumalikod na ko sa kanya, napansin ko na parang naka form sila ng circle tapus nakatingin lang samin na akala mo may show. Yung iba naman walang pakialam at nag mi-make out lang habang sumasayaw. Muntik na nga ako sundan nung guy, buti na lang may humarang sa kanyang mga babae.

"Hooo, muntik ka na dun ah!" si Jasmint pala.

"Let's go home!"

(c) Eilramisu

Mysterious Campus Singer (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon