Chapter Sixth - Then There Was a Revelation

511 19 1
                                    

PARANG biglang natameme ang chunky high-heeled sandals ni Zaye pagkarating niya ng D’Envia Hotel kung saan gaganapin ang birthday party ni Nikka. Ang ama rin nito mismo ang may-ari ng hotel. Akala niya isang malaking birthday bash ang magaganap pero isang simpleng dinner lang with her family and friends ang mangyayari. At nagimbal din siya nang sabihin sa kanya ng kaibigan na siya lang ang kaibigan nito na invited kaya malamang na kaunti lang sila. She was intimidated, yes. But there’s no way she would back out. Ayaw naman niyang pasamain ang loob nito.

            Kahit pa sabihin niyang bongga ang outfit niya ngayon, pakiramdam niya hindi pa rin iyon nababagay na ipasok sa ganoon ka grandyoso at pamosong hotel. Made in ukay-ukay lang kasi ang damit niya. Para nga siyang dadalo ng Christmas party sa hitsura niya.

            Isa pa, lahat ng mga taong nagsilabas-masok roon ay may kanya kanyang kotse habang siya ay taxi lang ang ginawang limousine niya.

            Well, she stood up gorgeously gearing her outfit and took a deep breath. Bakit ba niya nilalait ang sarili niya? Ano naman ngayon kundi gaanong bongga ang suot niya? Hindi naman siguro iyon ikaguguho ng hotel. Ang over naman nila. Pero sa katunayan, ngayon lang kasi nangyari sa buong buhay niya ang maimbitahan sa isang birthday party—este, dinner ng isang napakayamang heiress kaya hindi niya masisi ang sarili kung makakaramdam siya ng insecurity. Heredera kasi ang kaibigan niya. Not to mention, several years from now, Nikka will be handling the control of the D’Envia Hotel soon.

            Papasok na sana siya sa loob pero biglang tumunog ang cellphone niya. It was Nikka. Agad niyang sinagot iyon at ipinaalam niya rito na nasa hotel na siya. Sinabi nito sa kanya na igigiya siya ng receptionist patungo sa dining area kung nasaan ito. Pagkapasok niya roon ay agad nga niyang nakita ang tinutukoy nito.

            Pumasok sila sa isang silid at agad na bumungad sa kanya ang magara at modernong disenyo ng silid. Agad din niyang nakita sina Nikka kasama ang mom at British dad nito. All of them were looking at her as if they were pleased to see her.

            Saglit niyang tiningnan ang mga magulang ni Nikka. Parang pamilyar sa kanya ang mga ito pero hindi niya malaman kung bakit. Pero agad na nagawi ang tingin niya sa ibang panig ng dining table kung saan naroon ang ibang bisita nito. And she was shocked! Truth be told, shock was an understatement.

            Nakita kasi niya si Ariel at ang mama nito. Nginitian niya ang ina ng binata, ganoon din sa binata. Kiming ngiti lang ang iginanti sa kanya ng binata. Bigla tuloy siyang nahiya nang maalala niya ang nangyari sa kanya kahapon sa bahay nina Ariel. Kung pwede lang na may vacuum cleaner na pantanggal ng embarrassing memories, ipinasipsip na niya iyon. She doesn’t want to recall it. It really sucked. Napagkamalan kasi siyang girlfriend nito na ikinasiya naman niya. Kaso grabe naman kung maka-deny si Ariel. Akala nga niya magagalit sa kanya ang Mommy Adrienne nito pero nakipag-chikahan pa ito sa kanya.

             Back to the issue why Ariel was here, sa pagkakaalam niya, wala namang binanggit si Nikka sa kanya na imbitado ang binata. At kung pagbabasehan ang pagsha-shopping nila ni Ariel kahapon. May possibility na invited nga ito.

            So what’s the big deal? Ano naman sa’yo kung nandito siya? Wala ka na doon!

            Pero bakit parang kinakabahan siya? Pakiramdam niya ay may mangyayari na hindi niya magugustuhan.

            “Maupo ka hija. You are Zayana, right?” magiliw na wika sa kanya ni Mrs. Montgomery.

            “Thank you so much ma’am. Opo, ako nga si Zaye,” aniya at naupo. Pasimple niyang tiningnan si Ariel na tahimik lang sa tabi. Parang naiilang ito na nababagot. Napansin niyang nakasuot ito ng eyeglasses and heavens! He was oozing with sex appeal! Bakit? Bakit kahit mukhang geeky at nerdy ito, hindi pa rin niya maiwasang pagnasaan ito?

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon