Chapter Second - Four Oh One Again?

793 26 2
                                    

HINDI pa rin maipinta ang mukha ni Zaye pagkarating niya ng third floor ng Arts building. Nabubuwisit talaga siya sa eskwelahan na ito dahil may pa hanggang seventh floor building pa itong nalalaman, hagdan lang naman ang nakakaya ng budget.

            Goodluck lang din niya sa next class niya. Sa kabilang building pa kasi iyon at sa third floor pa naman ang room nila doon. Walanghiya din ng ‘Rules About Wearing The School Uniform’ nila. Bawal kasi ang mga sapatos na walang takong. Torture na talaga ang ginagawa nila sa mga estudyante! Mabuti sana kung may elevator doon kaso walang wala! We need to uprise against the law! Ang oa ko! Daing niya sa isip.

However, she reached her classroom for her Society and Culture with Family planning subject. And all she could feel was awkwardness. Ang ingay-ingay ng classroom kasi nga magkaka-vibes nga yata ang mga bituka ng mga kaklase niya roon habang siya ay nasa front row sa pinakagilid at loner na loner ang drama. Wala kasi siyang kakilala roon. Napansin din niyang third-year-students ang kadalasang naroroon. Oo nga pala, nag-advance pala siya ng subject na iyon para makumpleto ang required units niya kaya ganoon.

Tiningan niya ang oras sa cell phone niya. Five minutes late na ang teacher nila. Sabi na nga ba niya na walang matinong klase na mangyayari sa linggong iyon.. Kahapon nga, ni isa wala man lang sumipot na instructor sa mga klase niya.

Bigla siyang napalingon sa pintuan nang may pumasok na babae na naka-eyeglasses. Matuwid ang hanggang balikat na brunette nitong buhok at maputi ang kutis ng balat nito. And her visage told of her European ancestry. Her attention was caught because she has this uncanny aura that she couldn’t explain. Nevertheless, she’s pretty despite of looking somewhat like a geek.

Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila naghahanap ng mauupuan. Then she found her occupying the vacant chair beside her eventually. At dahil isa’t kalahating ‘echosera’ at ‘feeling close’ siya, nag-hi siya rito.

“Hello,” masiglang tugon nito sa bati niya. She was indeed a nice girl. Halata sa boses at facial expression nito. It’s genuine. Ginanahan tuloy siyang makipagkaibigan sa babae.

“Ahm,” she chuckled. “Hello, napaka-feeling close ko ‘no?”

The sweet girl chuckled too. “Okay, lang iyan.”

“Ano’ng course ba ang kinuha mo dear?” naisip niyang itanong rito since wala na siyang ibang matinong tanong na sasabihin. Mamaya na muna ang ‘what’s your name?’

“Entrepreneural Management. Ikaw?”

“I’m an Accountancy student,” sagot niya.

Talagang walang ereng kausap ang babae. Akala niya ay manonopla ito sa kanya o kaya ay mahihiya pero mas madaldal pa ito sa inaakala niya. Hindi nga sila sinipot ng instructor nila na isa rin sa mga dahilan kung bakit napahaba-haba ang usapan nila. She learned that her name was Nikka. Nagpakilala din siya rito. Nalaman din niyang student’s council vice president ito kaya na-amaze talaga siya.

Ang simpleng usapan din lang nila kanina ay nauwi sa tawanan. Ang dali nilang nagkapalagayan ng loob. Pareho kasi sila ng mga hilig kagaya ng Tumblr, One Direction, Harry Potter series, Narnia, Spirited Away, Ponyo, Sudoku puzzle, Ball-jointed dolls, Slender, Happy Tree Friends na kay brutal at marami pang iba. Feeling niya pareho silang luka-luka. Ang bongga!

“Alam mo natutuwa ako sa iyo. Hindi kasi halata na student assistant ka. You’re very pretty to be called one,” komento nito na ikinasiya niya. Seriously?

Napatawa siya. Ang sarap kasi sa feeling na marinig ang mga salitang iyon mula rito. Sayang lang din kasi wala siyang piso. “Ano ka ba mare, well, I do agree with your idea.” Ang kapal din niya.

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon