Chapter Fourth - Free Ride Home

663 20 2
                                    

“ATE, tinubuan ka yata ng mata sa noo mo!” pang-aasar kay Zaye ng pinsang si Lora. Nagdiriwang talaga ito sa sinapit niya. Pagbalik kasi niya mula sa banyo ay nahalata na agad nito ang tinamo ng noo niya.

            “Gusto mo rin bang tubuan ka naman ng sungay? Sabihin mo lang kung saang banda,” Banta niya rito at pinanlisikan pa ito ng mga mata. Mukhang nasindak naman ito sa sinabi niya dahil natahimik ito.

            Naupo siya sa isang bakanteng stool roon at agad na inatupag ang pobreng noo gamit ang kanyang salamin. Ngunit nanlumo lamang siya habang pinagmamasdan ang noo. Plano sana niyang lagyan iyon ng concealer o kaya ay foundation pero saan naman siya hahagilap ng mga ganoon? Isa pa, mukhang hindi na kaya ng powers ng mga cosmetic products na takpan ang bukol.

            “Zaye, here’s the program outline.”

            Nag-angat siya ng tingin mula sa pananalamin. It was Cherrylou and she was handing her the small paper. Tinanggap niya iyon at nginitian ito. “Thank you.”

            She immediately read the show outline and to her horror, she learned that Ariel Guevarra was the major sponsor of the benevolence program!

            Gusto tuloy niyang magsisi at tinanggap pa niya ang offer ng pinsan niya. Bakit ganoon! Life is so unfair!

            Anak pala ito ng may-ari ng isang sikat na hotel, restaurant and of some other establishments connected to it. Grabe, estudyante pa lang ito pero nagsisimula na itong kumilos para sa negosyo ng pamilya nito.

            She was instantly appalled when she remembered all the things happened lately at the comfort room. She really wished the ground would swallow her whole now.  Hindi niya akalaing aabot sa ganoon ang lahat.

            Napagawi ang tingin niya sa kinaroroonan ni Ariel. Ang darn! He was looking at her and he was having this you’ve-messed-up-with-the-wrong-man-look towards her. O baka paranoid lang talaga siya dahil sa sobrang kahihiyang inabot niya.

            Iniwas na niya ang tingin rito. All she needed to do was to stay calm and be civil in front of him. Well, not only with him but also with the rest of the audience.  Kailangan niyang gawin iyon kung gusto niyang maging matiwasay ang hosting career niya.

            Nagdesisyon na lang siya na hayaan na lang ang bukol niya. Wala rin naman siyang magagawa kundi tiisin iyon hanggang sa matapos ang show. At wala din naman siya sa telebisyon para maging conscious siya sa histura niya. The show must go on.

            Napatingin siya sa kinaroonan ng mga bata na kasalukuyan pang kumakain. Akala niya magsisimula na sila sa show pero sabi sa kanila ng madre, mamaya na lang kapag tapos na ang mga bata sa kanilang kinakain. Pagkatapos din kasi ng variety shows nila ay magpa-parlor games din daw sila.

            “Zaye!” sigaw ng pamilyar na pamilyar na boses.

            Napalingon siya sa kinaroroonan ng tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang si Nikka pala iyon. “Nikka! Oh my God, you are here!”

            “Hey I was surprised too,” she said enthusiastically.  “I can’t believe you are also here. I guess you’ll be hosting for this event?”

            Tumango siya. “Oo kaya hindi nga ako makakasama sa iyo sa mall. Wait, you mean may appointment ka rin dito?”

            “Yes.” Ngumiti ito ng malapad. “Ito ang tinutukoy ko. Actually Dad told me to give the orphans some gifts. May na-receive kasi si Dad na letter to be one of the sponsors of this event. And since he can’t come, he let me handle this. Pero hindi rin naman ako magtatagal dito.”

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon