Special Chapter

11K 212 9
                                    

Author's Note: Hi, guys! I know this was long overdue na and I'm really sorry. Work has gotten along the way kaya ngayon ko lang natapos. I did this short but sweet so I hope you enjoy this one. This will be the last chapter for It Had To Be You so yun. Thank you so much for reading. 😊

_____

August 28. Iyan ang napili nilang araw para sa kanilang kasal. For Louise, three years ago it was the most embarrassing day of her life but for Rohann, it was meeting the love of his life.

Paggising pa lamang ni Louise ay hindi na siya mapakali. It was the day. Her day. Noon ay pinapangarap lamang niyang makilala si Rohann, let alone marry him. It was fate that brought them together, kahit pa may nagkakaroon sila ng misunderstandings throughout their relationship.

Alas dos pa ng hapon ang ceremony ngunit maaga pa lang ay gising na siya. Her schedule with the hair and make-up artists starts at 9am pero heto at 7am ay gising na siya. Sobrang kaba at excitement ang nararamdaman niya.

"Louise, ang aga mo naman atang nagising?" Bungad ng mommy niya. Pumasok ito sa kanyang kwarto na may dalang breakfast. "Nakatulog ka ba ha?"

"Oo naman po mommy," sagot niya pagkatapos uminom ng juice. "Masyado lang ata akong excited."

"Pansin ko nga at ang aga mong nagising. Ang alam ko ay 8 am ka pa dapat gigising."

Napangiti na lamang siya at itinuloy ang pagkain ng almusal. In a few hours, she will be Mrs. Rohann Gabriel Madrigal.

"Oh, Rohann. Pinapaabot ni Louise." Sabay bigay ni Kenan sa isang maliit na box sa kanya. It was Louise's wedding gift to him. Pagkabukas niya ay isang relo ang tumambad sa kanya. Ininspeksyon niya ito at may nakaengrave na RGM, his initials. May card din itong kasama.

I hope you come on time, mister. Wag kang magbabackout ha? Lagot ka sa'kin. I'll see you in a few hours. I love you, baby. Always.

"Bakit nangingiti ka diyan? Para kang sira." Sabi ni Kenan habang nag-aayos ito ng damit. Ito ang bestman niya.

"Natatawa lang ako kay Louise. Akala niya ata magbabackout ako. Ako nga ang natatakot na baka magbackout siya."

"Ewan ko sa inyo. Ikakasal na nga kayo't lahat, natatakot pa kayo." Tumingin ito sa kanya. "But seriously, bro. Wag kang kabahan. Kanina chill ka lang di'ba?"

"Hindi ko nga alam eh. Bigla akong kinabahan."

Napalingon silang bigla nang pumasok si Stass. Lumapit ito sa kanya. "Hoy, you look tensed. Kanina naman okay ka pa ah?"

"Nakuha na ba niya yung regalo?" He asked Stass. He gave Louise a necklace na siya mismo ang nagdesign. It comes with their wedding ring na siya rin ang nagdesign. Hindi pa ito nakikita ni Louise which he thinks is just fair dahil hindi rin nito pinapakita ang wedding gown nito sa kanya. She told him it was a surprise for him on their wedding day.

"Oo naman, ano ka ba. She loved it. Isusuot niya nga daw mamaya." Naupo ito sa couch at tinabihan ang boyfriend. "Kumalma ka nga! Ikaw ang natetense hindi yung fiancée mo, bakit ganun?"

"Kinabahan daw 'yan bigla sabi niya kanina." Sagot ni Kenan.

"Baliw ka talaga Rohann. Everything's going well. You don't need to worry. Ako pa ba?"

"Hindi ko pa ba siya pwedeng makita?"

"Hindi!" Sabay na sambit ng dalawa.

"Malapit na rin naman, Rohann. Wala nang thirty minutes yung paghihintay mo which is why I'm here. Kailangan na nating pumunta sa simbahan."

It had to be YOU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon