6. To Angel

1.3K 29 0
                                    

To Angel

Having a bad past seemed a nightmare. But this present time. I wanted to have myself the motivation to move on. Forgot everything about him and be myself. If I want to love again. I wanted a person who can love me as who I am, not the person that will change me because he just liked me. I wanted to deliver this message- To Angel.

Papauwi na sana ako ng bahay pero habang papalabas na nang paaralan. Nakita kong mag-isa si June. Himala yata na hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. Habang nasa parking lot ito ng paaralan, nahihirapan siya yatang paandarin ang kotse niya.

Nakita niya ako ngunit nagpanggap ako na walang may nakita. Nagmaang-maangan ako na hindi ko rin siya nakita dahil talagang iniiwasan ko siya. Iniiwasan ko talaga silang lima na mag-cross ang mga landas namin dahil ayoko na nang mga pinaggagawa nila sa akin.

"Hoiii! umapit ka rito!" Tawag niya sa akin.

Haiii..Ano ba yan? Lumapit ako sa kanya na napipilitan.

"B-b-bakit?" Sambit ko na nanginginig ang boses ko.

"Itulak mo muna ang sasakyan ko!" Utos nito sa akin.

Pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin. Hihinhi lang pala siya ng tulong. Buhay naman talaga no.

"Ano ba ang problema?" Tanong ko.

"Wala na yang gas kaya tulungan mo muna ako". Sagot nito sa akin.

Pero paano kung hindi kita tulungan? Ganti ko rin ito para sa mga pinaggagawa niyo sa akin. Ang bilis tumalab ng karma sa kanya. Di ko akalain na dadating ito sa kanya ng ganitong kaaga.

"O sige". Pagpayag ko dahil wala naman akong planong gantihan sila. Sabi ko di ba.  I will let karma did it to them.

Pumunta na ako sa likuran nang kotse niya at sinimulan nang magtulak. Hoii..ang bigat naman. Babae ako hindi bouncer. Parang pasan ko ang mundo sa bigat ng kotse niya at gawaing bahay lang ang kaya ko hindi ang ganito.

"Lakasan mo pa!" Sigaw nito sa akin.

"Oo! Lalakasan ko na Boss". Tawag ko sa kanya dahil kung makasigaw ito sa kanya parang trabahador niya ako sa kompanya niya.

Tinulak ko ito ng napakasobrang lakas at nilagay ang buong lakas sa buo kung katawan. Sa ilang saglit, gumalaw nga ito. Hanggang sa naglakad na ito ng kusa.

"Yes! Yes! Yes!" Tuwang-tuwa kong sambit na napatalon pa sa sobrang kasiyahan.

Achievement kaya yun sa akin na ganon kabigat ay nakaya ko. Kung ganon din sana ang buhay ko. Kahit gaano kabigat makakaya mo. Pero hindi ganon eh. Mabigat lang sa akin at minsan parang hindi ko na kaya.

Patulakin ka pa ba ng ganon kabigat? Kaya salamat naman. Nakaya ko.

Napatingin si June sa side mirror nang sasakyan niya at nakita niya akong tuwang-tuwa. Kaya sa mga dulo ng mga labi niya napangiti nalang ito.

Napahinto ulit ang sasakyan niya nang di ko namamalayan.

"Tulak uli!" Utos niya.

What? Parang hindi na ako sisikatan ng araw bukas sa mga pinapapagawa niya sa akin. Kahit pangit at losyang ako. Babae rin naman ako. Sana maisip niya yun.

"Naku naman, ang hirap-hirap na". Wari ko na may pagdadabog sa boses ko.

"May reklamo ka?" Paninindak nito sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Wala po boss. At your service". Sagot ko sa kanya at pilit siya nginitian.

May choice ba ang kagaya ko? May pagpipilian ba ako? Gusto ko sanang umayaw pero I didn't have the courage to do it. Wit this kind of man who only knew to enslave me. I didn't have that so called choice. My only choice was to do it.

I Will Be Okay Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora