Chapter 44 part 2

4.3K 44 6
                                    

CHAPTER 44 part 2

KATE LIEEN'S POV :

Nandito na kami ngayon sa bridal car DAW with The Boys and V-girls at papunta na kaming reception. At syempre, di mawawala ang PDA naming dalawa ng ASAWA ko. ASAWA KO NA SO BACK OFF GIRLS!

"Pag ba bagong kasal, dapat holding hands?" Marj

"Oo! Margarittaaaa! Ikinasal na ako't lahat wala ka pa ring boyfriend!" Asar ko sa kanya

"Ikinasal ka na't lahat inggit ka pa rin sakin. Masarap maging single!" Marj

"Weh?" Jane

"Promise! Maraming boys ^____^" Marj

"Ge lang" Ako

Pwedeng favor? Hanap niyo nga ng boyfriend to! Hahaha!

"Bebs, ngiti naman kayo" Nikki at hinarap sakin yung camera niya

Umakbay naman sakin si Ethan at ngumiti. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong pogi yan :">

"Tangna. Buntis na nga oa pa rin kung kiligin" Marj

"Inggit ka lang prend" Ash

Inirapan na lang siya ni Marj. Yung totoo? Wala na bang part 2 ang naudlot na love story ng dalawang to? Sayang eh

Pero yari ako kay Sandy pag nangyari yun. Saka foul sa barkada yung ex ng kaibigan mo, papatulan mo. Pero nasuway na ni Lanne kaya for sure, marami ng susunod diyan. Wag naman sana    

"We're here" Sabi nung driver

Naunang bumaba yung The Boys at inalalayan yung partners nila. Alam mo niyo bang kawawa si Marj kasi siya lang ang walang partner? Hahaha! Si Jhake kasi partner niya si Ellaine. Tapos si Nikki, si Seth. Kaya ayun. Gumora siya mag-isa

"Let's go, my wife?" Ethan and held my hands

Ang galing ng entrance namin. May red carpet pa! Anturuy!

"So, let's start the program?" Pagsisimula ni Marj

Oo. Siya ang Emcee kasi wala naman siyang maitutulong kundi yan lang xD

 "Simulan natin sa message ng tatay ng ating bride" Marj

Umakyat naman sa stage si Papa at kinuha yung mic kay Marj

"Una sa lahat, gusto ko kayong pasalamatan sa pagpunta dito sa kasal ng aking anak. Si Kate Lieen, dapat talaga Maria Katalina ang pangalan niyan. Nagagalit yan pag tinatawag siyang Katalina kaya ang saya niya ng mapalitan yung pangalan niya dahil sa isang nurse. Alam niyo bang ang nurse na yon ay ang bestfriend ng asawa ko na si Lucille? Oo. Ang nanay ni Ethan ang isa sa nurse na nagpaanak kay Lira pero hindi alam ni Lira yun. Ngayon, alam mo na xD" Laughtrip talaga tong si Papa! "Hindi ako sweet at ayan ang minana sakin ng anak ko. Pinalaki ko siya na walang arte sa buhay. Lahat normal at walang keme. Nakita niyo naman diba? Kulang na lang maging lalaki siya kung ituring ko." Nginitian ako ni Papa "Kate Lieen, anak, mahal na mahal ka namin ng Mama mo kahit na lagi kang pasaway at napapaaway sa school. Mahal na mahal ka namin kahit na ganyan ka" 

Tumulo na yung luha ko. Shemay naman si Papa eh!

"Naaalala ko nung una ko siyang makita, sabi ko pa, 'Anak ko ba talaga to?!' kasi ang puti puti. Pareho kaming moreno ng mama niya pero siya, ang puti. Pero ng ngitian ako ng anak ko, dun ko nasabi. Ah, anak ko nga to. Ang laking paghihirap ko diyan nung bata pa yan kasi hindi tumatanggap ng pambabaeng regalo yan. Mas gusto niya ang gadgets. Ganun kasi siya lumaki eh. Hindi madalas lumabas ng bahay yan kasi ayaw ng Mama niya. Sayang daw lahit namin eh xD Habang lumalaki yan, dun ko rin natatanong sa sarili ko, bakit pumuputi ang nanay niya? Haha! Yun pala, naging morena lang ang nanay niya dahil nagpapaitim. Sa kanya pala nagmana si KL. Si KL, mabait yan kahit minsan mataray. Mahal ko yan! Kaya ikaw Sabanal, ingatan mo yang isa sa mga Prinsesa ko ah?" Nakita kong nagpunas pa ng luha si Papa. Shems! Kahinaan ko to! Ayokong ayokong makitang umiiyak si Papa eh :( "Nung huling beses akong chinat ng anak ko, sabi niya sakin. 'Papa, I'm inlove' alam ko na kagad na kay Sabanal yun. Siya lang naman ang lalaking laging bukambibig ng anak ko simula highschool eh. May iba pa ba? Alam mo ba Sabanal, matagal ng may gusto sayo yang anak kong yan! Kadiri no?" 

Mr. Possessive (Original Version)Where stories live. Discover now