Chapter 44

4.2K 45 9
                                    

CHAPTER 44

KATE LIEEN'S POV :

Days passed by at naging busy kami sa pagpre-prepare para sa kasal. Oh well, sila Mama lang pala dahil pumapasok kami pareho ni Ethan. Alam niyo bang sobrang nabigla yung V-girls ng sabihin namin sa kanila yung balita? Ang landi ko daw xD 

Pero sabi nila, masaya sila para sakin. Kasi ako daw yung unang ikakasal sa barkada. Dapat kasi si Jhake saka si Nikkki kaso di natuloy. Kaya ayun. Todo buhos sila ng effort sa kasal namin :">

About kay Michael, wala na siya sa eksena. Hindi na niya ako kino-contact at hindi na siya sa school nag-aaral. Lumipat na daw at sobrang nagtatampo ako sa lalaking yun. 

"Anak, bukas na yung kasal mo. You should be excited" Mama

"Ma naman" Ako

"Aba! Ang dami naming effort dito tapos aarte ka ng ganyan? Tumigil ka ah. Rain or Shine, tuloy ang kasal" Mama

"Oo na! Nahiya ako sa effort mo eh. Wala ka na ngang binayaran. Layas na nga!" Ganyan kami magmahalan ng Mama ko :)

"Anak *snif**snif*" 

Napalingon ako sa eksena ng Mama ko. Eneber! Kailangan umiyak?

"Mama naman eh! Ang arte mo!" Ako at niyakap ko siya saka hinayaan yung luha ko na tumulo "Iloveyou, Ma" Bulong ko sa kanya

"Iloveyoutoo anak" Mama at mas hinigpitan pa yung yakap sakin

"Mukhang ang sweet sweet ng mag-ina ko ah?" Eksena ni Papa

Oo nga pala. Nakabalik na si Papa :)

"Tara na. Tulog na tayo" Papa at humiga sa kama

Humiga ako sa gitna nila. Pareho nila akong niyakap.

Gusto kong umiyak kasi bata pa ako ng huling mangyari to. Yung matutulog kami ng tabi tabi. At ngayon lang ulit nangyari to. Kung kelang bukas na yung kasal ko. 

Naramdaman kong niyakap ako ng Papa ko. Ang sarap sa feeling na buo yung pamilya ko. 

"Goodmorning anak! Nakooo! Manang mana ka talaga sakin!" Mama

"Ge lang ma. Mangarap ka lang. Libre naman yan eh" Ako at umupo sa kama

"Kumain ka na at maya maya lang dadating na yung mag-aayos sayo saka yung mga kaibigan mo" Mama at inayos yung kama

"Ma, sa tingin mo kaya ko ang marriage life?" 

"Anak, kung kaya mo magpabuntis, kaya mo din mag-asawa. Baligtad ka nga eh. Kaya pwede ba, wag ka ng mag-inarte diyan. Kain na" 

Kumain na ako ng breakfast na hinanda ni Mama. Ang sarap ^_____^ Kung kelang mag-aasawa na ako, dun pa ako pinaghanda ng masarap na breakfast -____-

"Bakit ang sarap mo magluto ngayon?" Puna ko kay Mama na na nag-aayos ng hinigaan namin

"Last mo na to eh. Sige na, bilisan mo na diyan at maligo ka na" Mama

Binilisan ko na yung pagkain at pumasok ng banyo para maligo.

Mr. Possessive (Original Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon