Chapter 42

3.7K 35 0
                                    

CHAPTER 42

KATE LIEEN'S POV :


Hindi ako makapagsalita. Alam kong mali ako kasi dinadamay ko yung bata pero hindi pa ako handa. Ayoko pang magkaanak. Natatakot ako na baka pag lumobo na ako, maghanap ng iba si Ethan. Natatakot ako na kamuhian ako ng mga kapatid ko at ng mga magulang ko.

"KL, buntis ka din?" Reanne at umupo sa tabi ko

"Uso ba magpabuntis ngayon?" Nikki at humiga sa tabi ko at niyakap ako "Hindi mo naman kailangang umiyak eh. Nandito naman kami para sayo bebs" Saka pinunasan yung luha ko

"Mga kaibigan mo kami diba? Wag ka matakot.." Elica

"Dapat umayos ka na kasi may anak ka na. Mahalin mo yang anak mo kasi bunga yan ng pagmamahalan niyo" Nelly at nginitian ako

"Sorry talaga.." Lalo akong napaiyak ng yakapin ako ng V-girls

Ang sama ko kasi binalak kong patayin yung sarili kong anak. Ang swerte ko kasi hindi pa rin ako iniwan ng anak ko kahit na nagbalak akong magpakamatay. Ang swerte ko kasi tanggap ako ng mga kaibigan ko

"Ganyan talaga KL. Walang kasalanan ang bata kaya wag mong idamay" Ash

"Kelan mo balak sabihin kay Ethan yan?" Jane

"Wag muna..Wag niyo munang sabihin.." Mahina kong sabi

Parang wala na akong lakas. Nakakapanghina

"Bakit?" Anna

"Hindi pa ako ready sabihin sa kanya"

"Ano ka ba?! For sure matutuwa yun! Pangarap kaya nun maging batang ama!" Ash at nginitian ako

"Parang ikaw?" Lanne

"Hindi ko pinangarap to no! God's will :)" Ash at hinalikan si Sandy sa harap namin

"PDA as always" Marj

"Gusto mo din ng kiss prend?" Ash

"Kadiri" Marj

Napangiti ako. Kala ko talaga silang dalawa na yung magkakatuluyan. Pero tignan mo naman, Ash is back with Sandy. First love never dies talaga ang peg ng dalawa.

"Hi baby! Okay ka na ba?" Ethan habang inaalalayan ako ni Ash bumaba ng hagdan

"Oo naman" 

"Ako na dito pare" Ethan at inagaw ako kay Ash

Binuhat ako ni Ethan at dinala sa terrace. Ang ganda ng view :">

"Baby, may problema ka ba?" Ethan

"Wala no" Ako at nginitian siya

Pano ko ba sasabihin kay Ethan na tatay na siya? 

Mr. Possessive (Original Version)Where stories live. Discover now