He is my boss?! : Part 12

8.7K 160 1
                                    

Lumabas ako kaagad ng stock room at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Maxie...

"Ang sabi mo sakin hindi mo alam kung nasaan sya.... Sinabi mo rin na hindi mo sya ganun ka-kilala, pero ang totoo, magpinsan lang pala kayo!"

"Wait Jasmine... Let me explain... Pupunta ako dyan, ngayon, magusap tayo..." -Maxie

"Hindi ka man lang naawa sakin at sa anak ko. Hindi mo ba alam kung gano kasakit yung ginawa mo!? Kaibigan kita, dapat tinutulungan ko ako!"

"Jasmine, hindi sa ganun. Hindi ko sinabi kasi may girlfriend si Ethan nung mga oras na yun at alam kong masasaktan ka kaya hindi ko na sinabi sayo, hinayaan ko na lang na umalis si Ethan papunta America kasama ang fiancee nya..."

"Yun na nga eh... May fiance sya, pero hindi mo sinabi ang katotohanan, pinaniwala mo akong hindi kayo magkakilala! Ang sabi mo minsan lang kayo magkita, pero actually magpinsan pala kayo!"

"Jasmine..."

"All these years alam mo ang sagot sa panalangin ko, alam mo kung gano ako naghirap malaman lang kung nasaan si Ethan, pero alam mo na pala hindi mo lang sinasabi sakin?! How dare you! Kaibigan ba kita?! Alam mo kung gano ko ka-gustong sabihin kay Ethan na anak namin si TJ!!!" -Ako

"Ano? S-s-si TJ???"  isangboses na kilalang-kilala ko ang narinig kong nagsalita sa likod ko.

"Bye, I'll talk to you later..." pinatay ko na ang cellphone ko nang nandyan na si Ethan.

"Wala." i just answered even though obvious na obvious naman na ang katotohanan.

"Wala?! Pero sabi mo anak natin si TJ?!" then he came closer, good enough to touch my shoulders...

Lalabas na sana ako nang bigla akong hatakin ni Ethan at isandal sa wall habang nakapatong sa shoulders ko yung dalawa nyang kamay...

"PLease, Jasmine... Tama ba yung narinig ko? Anak ko si TJ?" he is still holdingmga hands... nangungusap ang kanyang mga mata na sabihin ko na sakanya ang totoo.

"Wala ka nang pake-alam dun!" iniwas ko ang mga mata ko sa titig nya sakin.

"May pake ako kasi MAHAL kita!" then I saw a tear fell down from his eyes, nahabag ako, but i have to be strong, hindi ako pwedeng maging malambot sa taong 'to.

"Stop this crap!!! May pamilya ka na! Tahimik na kami ni TJ ngayon, wala na akong pakealam kung mahal mo ako o hindi!" ikinalas ko ang mga kamay nyang nakahawak sa dalawang kamay ko, kahit na gustong-gusto kong hawakan ang mga kamay nya, pero this time hindi pwede.

"Jasmine, wala pa akong pamilya! Ano bang pinagsasabi mo?" then Ethan reached for my hands again...

"Wow!? WALA? Talaga, Next time ha, kapag magsisinungaling ka, siguraduhin mong hindi alam ng kausap mo ang kasinungalingang gagawin mo!"

i pushed Ethan away kaya naman nakalabas ako.

Dahil sa wasak ang kotse ko, nag-taxi ako pauwe kahit hindi pa uwian...

Hinanap ko kaagad si TJ, nagempake ako ng mga gamit namin...

"Oh? Anak? Bakit ka nageempake..." si mommy kakadating lang...

"Ma, we're moving out... Mag-empake ka na ma..." -Ako

"Huh!? ANo bang nangyayari sayo at biglaan ang paglipat nating 'to?! Atsaka saan tayo lilipat?" naguguluhang tanong sakin ni mommy as she came closer to me.

"Kahit saan ma, wag lang 'to matunton ni Ethan..." abala pa rin ako sa pagpapasok ng mga damit ko at damit ni TJ sa loob ng mga maleta.

"Ama ni TJ?" then she sat down beside my luggages.

"Ma, mahabang kwento... Basta ma, magempake na lang kayo bago pa sya makarating dito..." tuloy-tuloy lang ako sa pagtupi at paglagay ng mga damit sa maleta.

* Ding Dong Ding Dong Ding Dong Ding Dong *

"Sino ba yun? Para namang hayok na hayok sa pagdo-door bell!" hindi ko inalintana yung nagdodoor bell. Bumaba si Mommy para tignan kung sino yung tao...

"JASMINE! JASMINE! TJ! JASMINE! TJ!" sh*t nakapasok si Ethan sa bahay!

Tumakbo naman pababa si TJ nang marinig nya ang pangalan nya. Hinabol ko si TJ...

"Don't you ever touch my son!!!" halos mag-grind na ang mga ipin ko habang sinasabi ko yun... then  kasabay nun ay angpag-init ng mga tenga ko...

"TJ, i'm your dad..." then Ethan opened his arms asking for a hug from my son.

"Daddy?" TJ came closer to Ethan.

"TJ, umakyat ka sa taas..." sabi ko habang tuloy-tuloy nang bumabagsak ang mga luha sa mata ko.

"Mommy but he says he is my dadd---" -TJ

"No TJ, umakyat ka na sa kwarto mo..." halos masigawan ko na ang anak ko.

"Jasmine... wag ka namang ganyan..." Ethan held TJ's hands...

"Ma, iakyat nyo ni si TJ sa taas!!!!" dahil sa sobrang galit ko, nasigawan ko na ang mommy ko... Agad namang iniakyat ni mommy si TJ kahit na umiiyak na yung bata...

"You, get out of my house!!!" binuksan ko ang pinto ng bahay para sakanya.

"Jasmine please..." nagmamakaawang paki-usap ni Ethan.

"Magpapaliwanag kami Jasmine..."  bigla na lang dumating ang kaibigan kong sinungaling...

 "Fine! Explain yourselves! Pano at bakit nyo itinago ang katotohanan sakin!?" 

"Noong araw na nagbreak kayo ni Warren, yuon ang araw na dumating si Ethan from America... He is asking me kung may kakilala akong pwedeng ipakilala sakanya.. so  after nung araw na pinapunta mo ako sa bahay mo para damayan ka, naisipan kong ipakilala ka kay Ethan since naghahanap sya at broken hearted ka... I didn't even expect naman na may mangyayari sainyong dalawa... tapos hindi ko rin naman na nasabi sayong pinsan ko sya, kasi sabi ni Ethan wag ko na daw banggitin yun sayo..." -Maxie

"Enough!!! Wala namang kwenta yang mga pinagsasabi mo... Ang tanong ko, bakit nyo ako niloko?! Bakit hindi mo sinabi sakin na alam mo na pala kung nasaan si Ethan?!"

"Jasmine, i'am so sorry... HIndi ko na sinabi sayo kasi... Ethan has a fiance that time... Ayokong magimbal ang mundo nilang dalawa dahil lang buntis ka... hindi ko naman sinasadya, pero that is the only way that i know para walang mundong magugulo... Hindi ko naman alam na maghihiwalay sila... at hindi ko rin inaasahan na babalik ulit dito si Ethan para hanapin ka... "

"Jasmine... please... wag mo naman sanang ipagdamot ang karapatan ko kay TJ. Biktima din ako dito..." lumuhod si Ethan sa harap ko then he hugged my waist.

"BIKTIMA?! Wow! Ang kapal naman ng mukha mo para sabihing biktima ka rin dito... Alam nyo... tama na ok?! niloko nyo na ako once, and i will not let the two of you fool me again for the second time. Kaya kung pwede lang, lumabas na kayo ng bahay ko and get lost! before i call the security to drag the both of you out..."

"Jasmine... please..."

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon