He is my boss?! : Part 5

8K 142 1
                                    

POSITIVE!

Shet!

hindi ako mapakali sa kinakaupuan ko...

Si Ethan lang ang ama ng dinadala ko.

Si Ethan lang. Hinding hindi ako pwedeng magkamali.

Si Ethan ang ama ng dinadala ko!

Tumawag ako kaagad kay Maxene.

"Maxie... positive ako..." pabulong lang akong nagsalita sa phone ko dahil andito lang ako sa cubicle ko at may mga katabi ako sa parehong gilid ko.

"Positive? saan? HIV? Anong klaseng STD?" tanong ni Maxie sakin. Gago din tong isang to. STD sure ka te?

"Ay, shet! nga pala hindi mo pa pala alam... Max, buntis ako..."

"Ay, buntis lang naman pala. Big deal? Ha?! Ano!!WHAAAAAT!!!??? BUNTIS KA?! PAANO?!" grabe sigaw ni Max, nakakabingi!

"Ay, kakasabi lang di ba? Tsaka anong paano? Eh nabuntis nga nya ako."

"Kukutusan kita! Yung seryoso..."

"Oo nga. Kakatest ko lang, at 100% sure akong si Ethan lang ang naka-shoot. Alam mong never akong sumuko sa mga previous jowa ko." sumandal na ako sa silya ko.

"Wait... eh alam na ba nya?"

"Hindi pa..." matipid kong sagot... kasi nga hindi ko nakuha yung number nya.

"Tawagan mo kaya..."

"Wag na muna, magpupunta muna ako sa OB... ayoko namang sabihin nya na clingy ako at kinocontact ko na sya agad. Verify ko na muna."

"Sige, pupunta tayo... kaya magpaalam kang maagang uuwi, dahil susunduin kita dyan at pupunta tayo kay Ate Carmi... sya makakapagpaliwanag kung paano ka nabuntis eh may PCOS ka."

Tapos pinutol na nya yung linya, nagmamadali siguro tumawag kay Ate Carmi.

Masaya ako... kasi may buhay akong dinadala sa sinapupunan ko, at ang masaya pa dun ay kay Ethan yung bata. Ewan ko ba, kahit one-night-stand lang yun, parang napamahal ako agad sakanya, magaang ang pakiramdam ko nung first na magkita pa lang kami... parang panatag ako sakanya. Hay! Marupok ka Jasmine?

3 PM ako nag-out, pumayag naman yung supervisor ko... close kami eh 💪 Dinala ako ni Maxie sa clinic ng pinsan nya.

"You are 7 weeks pregnant..." sabi ni Ate Carmi sakin habang nasa ultrasound ako.

Tuwang-tuwa si Maxie, mas natutuwa pa sakin eh ako nga itong buntis.

"Medyo ingat ka sa mga ginagawa mo ha... bawal magbuhat, mag-travel by air... and magpuyat... kasi this is the time na nabubuo yung embryo "tadpole" into a human-like... so be careful, bawal ma-stress... blah blah blah..."

"Paano sya nabuntis? Di ba may PCOS sya?" sunod na tanong ni Max.

"Hindi dahil may PCOS, wala nang chance para mabuntis. May chance pa din, pero manipis. Pero sayo Jas, napakaswerte mo. Iilan lang ang nabubuntis na may PCOS." Tuwang tuwa si Doc kahit ako mismo... gulantang na din. This is also the reason why panatag ako nung nag2nd wave si Ethan nung nag-umaga na dahil alam kong pahirapan akong  makakabuo.

Pag-uwi namin...

"Girl... excited na ako sa baby mo..." parang may uod sa pwet si Max, hindi matigil sa kakakibot-kibot.

"Gaga, tama na nga... 7 weeks pa lang to." at napahimas na ako sa tyan ko.

"Hoy, ikaw ang gaga... puntahan mo na si Ethan at sabihin mo na yan."

"Eh girl, pano kung hindi nya panindigan? One-night-stand lang naman yun eh..." nagaalala ako. baka hindi maganda ang kalabasan kapag kinausap ko si Ethan.

"Gaga, hindi ganun si Ethan, mabait yun..." pagdedepensa naman ni Maxie kay Ethan.

"Bukas, before ako pumasok, pupunta ako sa bahay nya..."

So kinabukasa, punta ako dun sa bahay ni Ethan...

Door bell...

DING DONG! DING DONG!

Bumukas yung pinto, lalaki ang lumabas...

"Uhm, Good morning po... Andyan po ba si Ethan Franco?" bungad ko dun sa lalaki.

"Ah. Ethan Franco ba kamo? Naku, hindi na sya ang may-ari ng bahay na 'to. Ibinenta na nya 'tong bahay sakin almost one month ago na..."

"Huh? Eh asan po sya ngayon?"

"Ang sabi nya, sa America na daw sya titira... bakit? ano ho bang kailangan mo sakanya?" tanong sakin nung lalaki.

"Ahhhh... kaibigan nya po ako... Uhm, wala po ba syang iniwang contact number?" tanong ko pa ulit, baka sakali lang.

"Wala eh, kasi isang beses lang kami nagkita ni Ethan..."

"Ah... sige po... Salamat po."

Nanlumo ako.

Umulit nanaman.

Pero this time hindi kasing lala nung kay Warren, at least naman 'to lumipat ng tirahan.

Umuwi akong butata.

Naghanap ako sa facebook, sa yahoo, sa twitter, sa multiply, sa me2day at kung saan saan pa... pero wala talaga...

Nasaan ka ba Ethan Franco?

Bakit nanaman ako iniwan!?

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon