He is my boss?! : Part 8

7.9K 150 1
                                    

Nilingon ko ang kumalabit sakin...

O.O laglag panga ako nang makita ko sya.

"Ethan?"

"Jasmine... uy, kamusta ka na?!" nakita kong sparkling ang mga mata ni Ethan, mukhang masaya sya.

"ok lang naman..." matipid kong sagot... pero yung kabog ng dibdib ko. Grabe! Grabe! Yah! Yah! Yah! Shet! Remix na ang nararamdaman ko ngayon. Siguro nasa 999 beats per minute na ang heart rate ko. Dinaig ko pa ang tibok ng puso ng kabayo!

Grabe. Ito na yun eh. Ito'ng-ito na nga. Hindi ako makapaniwala! Nagktotoo yung sinabi ni mommy... pero bakit?! Bakit ngayon pa?! Hindi ako handa!!!

"Anak mo??" tanong pa nya sakin at sinilip nya si TJ na buhat-buhat ko.

"Ah... oo." ayokong bumigay, baka masabi kong 'adik! anak naten 'to!' kaso hindi pwede... naalala ko kasi yung sinabi ni mommy, na baka pag nalaman nya eh kunin nyang bigla si TJ. Ayokong mawala sakin si TJ. Ayoko din biglain si Ethan. Aksidente lang na nagkita kami dito matapos ang ilang taon din.

Natahimik kaming dalawa. Wala nang umimik saming dalawa. Nagmukhang awkward ang paligid namin, nang may lumapit na babae samin...

"France, si Jasmine, kaibigan ko..." nakipagkamay naman yung si France sa akin.

Ang ganda naman nya. Mukhang artista. Mukhang galing sa pamilyang may K. Maging din lumili si Ethan. Pero ansakit teh! Ansakit! Bakit?

"Hi, it's good to finally meet you... naikwekwento ka kasi sakin ni Ethan before..." sabi ni France.

Siguro asawa 'to ni Ethan...

Biglang tinanong ni Ethan ang batang karga ni France.

"Angel, what do you like to eat???"

"Anything po papa..." sagot nung batang babae.

Nanlulumo na talaga ako. Napaatras ako mentally. Hindi ko na ata kayang sabihin pa kay Ethan ang katotohanan. Seeing Ethan having his own family... parang ayoko na ituloy. Masisira ko lang ang pamilya nya. They seem perfect.

Parang ang laking sampal sakin. Nagising ako bigla.  Kasama ko anak namen tapos kaharap ko ngayon ang pamilya nya.

"Take out mo na lang, hinihintay na tayo ni daddy..."

Nang makaalis na si France ay kinausap ulit ako ni Ethan...

"Musta na?? tagal na nating hindi nagkita ah... ilang taon na yang baby mo?" tanong pa nya sakin...

"4..."

tumingin si TJ sa kausap ko.

"hi baby..." sabay kaway si Ethan sa anak ko... "what's your name?" dugtong pa nya...

"I'm Thomas James Fr--..."

hinarang ko ang apilidong sasabihin ni baby... naku pag nalaman ni Ethan, patay na...

"ah, eh, TJ na lang po kamo..."  phew... buti naharang.

"Ah... TJ, Well, ako naman si Tito Ethan."

"hello po..." sagot ng anak ko tapos umakap ulit sakin,...

sakto namang ako na ang oorder... edi naputol ang usapan namin ni Ethan.

nang matapos na ang order ko, umupo muna ako sa isang table.

maya maya pa ay nakita kong papalapit si Ethan sa table na kinauupuan ko.

"Uy, makiki-upo lang ha... " sabi ni Ethan tapos nung tumango ako, umupo na sya sa harap ko.

"San ka na pala ngayon?" usisa sakin ni Ethan.

"I'm working now as a manager... Ikaw?"

"family business ang pinagkakaabalahan ko ngayon...  San ba kayo galing?" tanong nya sakin.

"ah, sa hospital... akala ko kasi dengue na ang dumapo kay TJ, sabi naman nung doktor hindi naman daw... Allergic reaction." sagot ko,,,

"Naku, uso dengue ngayon, kaya lagi kayong mag-iingat... Asan pala asawa mo?" tanong pa sakin ni Ethan.

buffering utak ko nang itanong nya akin yun. Wala akong asawa dahil to begin with I'm not married to anyone. In terms of the father of TJ, Alangan namanag sabihin kong sya kaagad, hindi nga ako sigurado kung masasabi ko pa sakanya after all what I saw today.

"Uhm,... eh, ahmmm... He died 4 years ago" out of nowhere yun ang lumabas sa bibig ko...

Ano ba Jasmine! Bad! Bad Jasmine! Bad!

"Oh, i'm sorry..." i can see that he really is.

"He died two months after kong malaman na 7 weeks na pala akong buntis kay TJ... He died in a car crash..." no choice, I have to continue the lie. But why the hell am I continuing?! I should stop!

"it must be hard on you..." nakita ko sa facial expression ni Ethan ang concern at pagaalala. Shet naguilty ako bigla.

"Kailangan tanggapin na wala na sya eh..."

Wow, ako na talaga ang best actress sa pagarte...

Maya maya lang ay dumating na ang mga order namin,.. it saved me!

Naku, nakatulog na pala si TJ... hindi ko kayang buhatin yung mga pagkain.

"Tulungan na kita..." nagprisinta na si Ethan ang magdala ng mga pagkain, tatlong supot din yun na malalaki. Inihatid nya ako hanggang sa parking lot.

"Thank you ha..." sabi ko.

ipinasok na nya sa loob ng kotse ko yung mga supot.

"Ok lang..." sagot nya...

Ipinasok ko na rin si TJ sa back seat...

isinara ko na ang pinto sa backseat, pasakay na sana ako sa driver's seat...

"Jasmine, pwede ko bang makuha number mo?" tanong nya sakin...

napatingin naman ako sakanya.

"Uhm... para lang may contact ako sayo..." pahabol nya, siguro natakot sa tingin ko sakanya.

"0919xxxxxxxx. Ok... Sige na... bye" tuluyan na akong pumasok, tapos nagmaneho na ako papaalis.

He is my boss?! (Complete!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon