Chapter 1

41 1 1
                                    


 "I wanna make you smile, whenever you're sad..."


Tinignan niya ako sa mata. Gaaaah! Bakit kasi ang pogi niya eh. Tapos ang ganda pa ng boses. Siya na! Siya na ang dream guy ko! >///<


"I'll miss you, kiss you..."


Pwede bang ngayon na? Ikiss mo na ako?


"I wanna grow old with you..."


FUDGE. Papalapit na nga siya sa akin. O///O


Ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa. At ang malala, hindi ako makahinga. Baka mahimatay na ako dito on the spot. Pero hindi pwede! Sayang ang moment namin ng boyfriend ko. Yieee. Boyfriend. Sarap naman pakinggan. Pero mas okay sana kung ASAWA na lang. Pero dahil bata pa kami, sige. Pagbibigyan ko muna na boyfriend ang itawag ko sa kanya. :">


"I could be the man who grows old with you... I wanna grow old with you..."


Nakadikit na ang noo niya sa akin. Tinignan ko yung mata niya. Hindi ko alam na may igaganda pa pala yung mga yun. Yung pilikmata niya... at siyempre, ang labi niya. Kanina ko pa gustong magmura eh! Pero dahil good girl ako, hindi ko na lang gagawin yun. Tsaka baka mamaya ma-turn off pa sa akin 'tong gwapong nilalang na nasa harapan ko. SHOMAAAAY. >////<


Unti-unting lumalapit ang labi naming dalawa sa isa't isa. Eto na. Eto naaaaaa! Dapat may nagvivideo neto. Okaya kumukuha ng picture!! Para ipost ko sa instagram! Wala namang batas na nagbabawal na ipost mo ang first kiss mo ng BOYFRIEND mo sa Insta diba?


Nabigla naman ako ng pinalilibutan agad kami ng cameras at reporters. Tinignan ko siya, binaliwala niya lang lahat ng cameras na nakatutok sa amin. Naiilang na ako. Pero ginaya ko na lang siya. Dapat hindi ko na sayangin 'tong pagkakataon na 'to. Andito na eh. Ang pinakahihintay kong moment. Hindi ko hahayaan na sirain lang 'to ng mga chismosong press. Pero buti na lang andiyan sila. Atleast maipapalabas sa national TV ang first kiss namin ng boyfriend ko. Nang malaman ng lahat ng babae sa mundong ibabaw na AKIN ang pinakapoging lalaki sa mundo. :">


Ayan na... maglalapat na ang mga labi namin... ang first kiss ko mangyayari na...


"Brei."


Minulat ko ang mga mata ko at tinignan siya sa mata. Tama ba yung narinig ko? Bakit parang kakaiba yung boses niya?


"Brei..."


Huh? Bakit ganon? Eh parang iba talaga yung boses niya? Hindi ko naman sinasabing pangit yung boses. In fact, ang gwapo nga eh. Kaso parang pamilyar yung boses...

Unsaid Feelings (Fall)Where stories live. Discover now