Bestfriend

31 1 1
                                    

Sabado noon at nag practice kami ng cheering squad namin, habang kasabay ko si Sandy(kasama ko sa squad) sa pedicab patungo sa traning namin bigla siyang nag salita sa akin.
Sandy:JJ pwede bang mag tanong?
Ako:sige lang ano yun?
Sandy:kayo na ba ni Jiro?
Ako:(shock) huh? Bakit mo nasabi yan?
Sandy:kasi ang sweet2x nyo pagmagkasama kayo, akala ko kayo na.
Ako:talaga? Normal lang sa akin yun, di ko akalain na sweet pala kami sa paningin nang ibang tao.
Sandy:oo JJ promise ang sweet nyo tignan, at tska bagay naman kayo eh, pareho kasi kayo nang estado sa buhay.
Ako:estado talaga? Hindi kami mayaman, di tulad niya.
Sandy:ang ibig kung sabihin halos magkapareho kayo nang buhay, dba isa lang siyang anak at mga magulang niya nasa abroad gaya mo? Tapos independent kayong dalawa.
Ako:baka nagkataon lang. May mga common interest din naman kami, at tsaka matigas ulo nun.
Sandy:seryoso ha, bagay kayo. Heheh boto ako sa inyong dalawa.
Ako:wow ha, malabo mangyari yun, sa itsura pa lang hindi na ako agad napapansin nun, at tska hindi pa ako nkipag relasyon sa tulad niya.
Sandy:huh? Anong tulad niya? Tulad niyang half japanese?
Ako:ahhhh.... Yeah mga ganun. Heheheh
Habang malapit na kami sa training ground namin nakita ko si April(kasama din namin sa squad at ka probinsya ni Jiro) at Jiro. Hindi sinasadya na mag smile sa kanya pero hindi ko napigilan ang sarili ko, ang taas kasi nang karisma niya para sa akin. Nasa isip ko, sa mga katulad niya, imposible talaga na mapansin niya ako. Kaya ok na ako na magkaibigan lang kami. Halos 5 oras na kaming nag pa practice kaya nag lunch break muna kami. Habang naghahanap kami nang karinderya kinausap ako ni Sandy.
Sandy:dun na lang tayo sa bhouse ko, bili na lang tayo nang maluluto para maka tipid.
Ako: sige sama natin si April at Jiro
Sandy: uie aminin kinikilig ka noh?
Ako: hindi.... Naku naman..
Nang matapos kami makapamili ay nag bolontaryo si Jiro siya na lang daw mag luluto. Napa isip tuloy ako marunong kaya yan mag luto? Hmmm.. Habang pinagmamasdan ko si Jiro na gumagawa ng kilawin at adobo nasabi ko sa sarili ko na ang swerte ko siguro kung siya naging partner ko, may kusinero kana may dancer ka pa, hahahah. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni April.
April:hoy besh anong nangyari sayo? Bakit ka tulala?
Ako:huh? Ahh ehh.. Wala iniisip ko.lang yung mga steps natin.
April:ahh..ganun ba.. Nasa likod pala ni Jiro yung mga steps? Hmmm...hahahahah
Ako:hindi nasa mukha niya kaso nakatalikod siya kaya iniisip ko na lang...hahahahah
Habang kamiy nag tatawanan biglang sumingit ai Jiro na kakain na. Infairness ok siyang mag luto ha. Tamang tama lang ang timpla. Hmm.. Pwede na. Habang akoy nag yoyosi sa labas tumabi sa akin si Jiro.
Jiro:ako sayo tigilan mo na yan
Ako: hahah... Titigil lang ako pag yung mahal ko yung nag sabi nyan.hahahah
Jiro:ganun ba? Bakit hindi ka niya sinasabihan?
Ako:ewan ko ba..manhid ata yung lokong yun. Pero ok lang yun.
Jiro:ganun ba? Paanong manhid?
Ako: naku Jiro wag na nating pag usapan yan. Hindi ako magaling sa ganyang usapan hahah. Sensya na ha.
Halika na na baka ma late tayo sa practice.
Alas 9 na ng gabi natapos yung practice namin. Kaya nag yaya si Jiro na pumunta ako sa pad niya. Nung una tumanggi ako, kasi baka anong sabihin ng mga ka squad ko, at alangin na din ang oras may pasok pa bukas. Pero sa pilit niya napa oo din ako, pero hindi ako mag tatagal. Nung dumating na kami sa pad niya, ang ganda promise and at ganda ng ambiance ng kwarto niya. Maakiwalas sa mata yung pintura, mabango. Nagtaka na lang ako nung nilapag niya ang isang bote nang beer at sabay sabi na magpapawala lang daw ng pagod sa buong araw na practice. Ako pa naman na mahilig uminom eh pinatos ko na kahit na bitin. Habang kamiy nag tatagay nagsalita siyang bigla.
Jiro: JJ pwede ba kitang maging bestfriend?
Ako:ahh.. Ok lang. Pero matanong ko lang, bakit ako? Eh marami ka namang pdeng maging bestfriend sa mga friends mo sa tourism department.
Jiro:hindi ko sila gusto eh. Friends ok sa akin pero yung pde kung pagkatiwalaan eh. Mahirap.
Ako:talaga? So pinagkakatiwalaan mo ako? Hahaha...
Jiro:oo naman, magaan na kasi lood ko sayo,nung una pa lang kitang nakita dun sa karenderya.
Ako:wow naman, ang sweet salamat ha. Salamat sa tiwala na ibinigay mo.(nagpacute ako nang smile)
Jiro:so bestfriend na tayo? Pinky swear nga, dapat walang iwanan ha. Bestfriends for life kahit na magkalayo tayo.
Ako:grabe for life talaga. Hahah sure (nka pinky swear kami.)
Habang patuloy kami nag iinuman, napaisip ako na sana hindi bestfriend yung inalok niya. And sa totoo lang nasaktan ako dun sa sinabi niya eh kaso yun lang talaga yung papel ko sa kanya, pero ok na rin yun atleast kasama ko siya, naalala ko tuloy yung tula na "i dont want to start a relationaship, by ruining our friendship" kaya minabuti ko na lang na itago na lang yung nararamdaman ko kahit na masakit. Nung matapos na kami sa isang bote nagyayapa siya na uminom ng last pa bago ako umuwi, eh kaso napalate na, pinilit niya ako at ihahatid niya raw ako sa amin. Kaya pumayag naman ako, para di gastos sa pamasahe,mahal kasi mag taxi hahahah. Nung nasa kalagitnaan na kami nag iniinom namin nag bigla labg siyang natumba at natulog. Kaya hinayaan ko na lang siguro pagod sa practice at hindi sanay uminom. Inayos ko yung higaan niya at kinumutan bago ako aalis, niligpit ko ang lahat at hinugasan. Akmang papalabas na ako nang bigla lang niya ako niyakap sa likod at bumulong sa akin.
Jiro:best dito ka na lang matulog pls. Nakakalungkot mag isa.
Ako:huh? Maypasok pa tayo bukas dba. Ayokong mag absent.
Jiro:sige na best pls kahit ngayon lang. Pagbigyan mo ako.
Ako:oh siya cge sa sahig ako matutulog ha, malikot kasi ako matulog eh. At hindi ako sanay nang may katabi
Jiro:wag na tabi na lang tayo best malaki naman ang kama, kasya tayo dito kahit malaki ka pa, pls best pls.
Ako:wow ha. Nanglait ka pa talaga. Hahaha cge na manghihilamos lang ako.
Naghilamos na ako pagkatapos,nung pagkalabas ko ng CR nakita kung nka boxer shorts na lang siya, inisip ko na pad niya pala to kaya kahit anong suotin niya ay ok lang.
Nung nahiga na ako bigla siyang bumulong sa akin.
Jiro:salamat best ha, maraming salamat talaga sa pag sama mo sa akin.
Ako:naku ok lang yun, cge na matulog na tayo maaga pa tayong papasok bukas.
Jiro:best may BF kana ba? Sorry ha sa tanong ko.
Ako:wala pa. Wala pa kasing bulag na nanliligaw sa akin. Hahahah
Jiro:ako ba pwede bang manligaw sayo? Kung ok lang at walang magagalit.
Sa totoong lang uminit yung buong tenga ko nung narinig yung mga katagang yun.
Ako:naku Jiro lasing ka lang, sabihin mo yan pag wala ka nang tama. Hahaha
Jiro: sure,sasabihin ko sayo bukas. Cge best goodnight, love you.
Nasa isip ko nung mga panahong iyon na sana lasing na lang siya palagi para marinig ko parati yung mga katagang " I LOVE YOU". At sana ay hindi na matapos ang gabing ito, napakasaya ko nung mga gabing iyon. Abot langit yung ligayang nararamdaman ko at hindi ko ma explain yung feeling ko. Ala 2am na hindi parin ako dinadalaw nang antok dahil sa kakaisip at sobrang tuwa ko, nang biglang yumakap siya sa akin nang mahigpit. Damang dama ko ang hininga niya sa batok ko. Mainit at nakakalibog hahahah. Hinawakan ko ang kamay niya at humarap sa kanya, hinahawakan ko ang buong mukha niya, feeling ko parang isang anghel ang katabi kung natutulog. Gusto ko sana siyang halika, kaso baka magalit at isipin niya na pinagsamantalahan ko siya. Kaya ginawa ko na lang ay pinagmasdan ko ang mukha niya hanggang sa makatulog ako. Pag gising ko, nakita ko siyang nakatitig sa akin, na parang ang saya2x nang mukha. At sabay halik sa akibg noo. Yun ang pinaka masarap na halik na naramdaman ko sa buong buhay ko. Punong puno ng respeto at pagmamahal. Bumangon siya at nagluto nang agaan namin. Nasabi ko sa sarili ko(ang swerte ko kung ikaw ang naging BF ko, kumbaga complete package na, matangkad, maputi, chinito,matalino, mabait, marunong mag luto, ma respeto at matigas ang ulo) Sa lalim nang iniisip ko bigla lang niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa hapag kainan. Habang kamiy kumakain,iniisio ko parin kung totoo ba yung mga sinabi niya kagabi oh talagang lasing lang siya. Kaya minabuti ko na lang na wag buksan yung issue na yun baka mapahiya pa ako. Nung sinabi ko na uuwi na ako nang bahay at bigla lang niya ako binigyan nang susi, sinabi niya na susi ito nang pad niya, para nakalimutan niya yung susi niya nasa akin yung reserba. Umuwi ako ng sobrang saya ng puso ko, hindi ko talaga maipaliwanag habang nakasakay ako nang jeep naka.ngisi parin ako. Siguroy ganito talaga ang pusong umiibig. First time ko kasi kaya ganito na lang yung nararamdaman ko. Pero sabi nga nila na pag umibig ka wag mo ibigay lahat lahat mag tira ka para sa sarili mo, kasi baka balang araw na maghiwalay kayo, meron kapang pwedeng pag hugotan sa sarili mo.

The future for me is already a thing of the past -
You were my first love and you will be my last

-Bob Dylan

Salamat sa pagbabasa guys.wait nyo lang next chapter ha.
Comment guys

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now