The Popular Guy

44 1 0
                                    

Pasensya na kasi hindi ako gaano kagaling gumawa ng story pero ito ay hango sa tunay na buhay...

Ako nga pala si JJ hindi ko tunay na pangalan isang nursing student sa mindanao. Isa akong beki pero hindi ako nanamit ng pambabae, normal lang ako manamit at isang ordinaryung nursing student. Ako lang mag isang anak ng mga magulang ko kaya minsan naging spoiled bratt ako pero hindi naman bongga. Nasa abroad ang mama kaya halos kalahati ng buhay ko ay ako lang mag isa, simula nung nag graduate na ako ng highschool. Itong storyang ito ay hinding hindi ko inaasahan sa buong buhay ko. Patapos na ang first semester...
Tanghali nun sa campus habang kami ay nanananghalian ng mga barkada kung sina harl at joy. (Classmate ko sa nursing)
Harl: uie kilala mo ba si jiro?(hindi niya tunay na pangalan)
Ako: huh? Sinong jiro? Parati kung naririnig yang pangalan na yan sa tourism department ah.
Joy: hoy JJ si jiro ba yung cute na half japan at half phil.
Ako: naririnig ko na nga pero hindi ko pa nakikita at bakit?
Joy: te ang gwapo niya...ang taas at ang puti pa...
Harl: dapat makilala mo yan JJ hahahahah...
Ako: pag gwapo dapat makilala ko agad? Di pwedeng pass ako jan.
Habang nagpatuloy kami sa chikahan namin nang biglang kinurot ako si Joy..
Joy: te yan si jiro
Ako: huh? Saan?
Joy: nasa likod mo gaga tumingin ka.
Ako: (lumingon) yan ba?
Joy at Harl: oo..
Ako: ay paminta yan..
Joy: at bakit mo naman nasabi?
Ako: tignan mo nang mabuti Joy at ipa andar mo yang Gaydar mo para malaman mo dba Harl?
Joy: ay sayang ang cute pa naman.
Ako: sa panahon ngayon Joy mahirap nang humanap nang tunay na lalaki.
Nagpatuloy kami sa pagkain namin at umalis na. Pero nasa isip ko totoo naman talaga na ang cute ni Jiro, kaso nga lang paminta yung pag tingin ko sa kanya. Kasi never pa ako nakipagrelasyon o pumatol sa mga paminta dati lahat ng karelasyon ko puro straight.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Marian isang tourism student na kaibigan ko rin.
Marian: hi JJ uie nakita mo na ba si jiro?
Ako: nauumay na ako sa pangalan na yan ha, bakit halos lahat kayo kilala siya?
Marian: malamang ang cute niya,
Ako: yun lang? Akala ko may powers siya kaya kilala halos ninyong lahat hahahah.
Marian: ang bitter oh, crush mo lang siya kaya ganyan ka.
Ako: whatever Marian pumasok kana at mala late kana.
Papunta na ako sa minor subject ko ng biglang dumaan sa harap ko si jiro. Nung una talaga ayoko sa kanya kasi nga paminta yung tingin ko sa kanya.
Pagkatapos ng minor subject ko pumunta ako sa sinalihan kung club sa school.
Ako: hi sir Adrian( coordinator namin sa club) kamusta?
Sir Adrian: Uy JJ wag mo kalimutan pala ha may outing tayo sa beach this weekend.
Ako: huh? Grabe agad2x talaga. Oh siya cge pupunta ako basta ba may tagay hahahahah...
Sir Adrian: hindi mawawala yan hahahah ikaw pa napalakas mong uminom.
Ako: grabe ka sir hindi naman sanay lang hahahaha.
Sir Adrian: uy siya nga pala may bagong sasali sa atin next semester.
Ako: wow bongga yan ha. Lalaki ba o babae?
Sir Adrian: lalaki yung mga bet mo hahahaha...
Ako: sira ka talaga sir...cge sir aalis na ako major subject ko pa. Baka bumagsak na naman ako hahahah...
Dumating na ang araw ng outing namin syempre todo outfit kami lahat. Nahuli ako ng dating kasi yung jeep ayaw umalis hanggat di puno.
Nung pag dating ko, hindi ko inaasahan na makikita ko si Jiro sa outing namin. Inisip ko na lang na halos pala ng nasa club namin ay puro tourism student. Kaya deadma na lang ako. Nung pag dating ko sa cottage.
Sir Adrian: hay salamat dumating na ang tanggero natin.
Ako: naku sir hindi ako tanggero manginginom ako hahahah...
Sir Adrian: oh nasaan na pala yung alak na sinasabi mo..
Ako: oh ayan sir magpakasawa ka ha.
Nilabas ko 6 na empi lights.
Sir Adrian: yan lang? Sayo pa lang kulang na yan eh..
Ako: eh kung kulang eh di bumili ulit hindi problema yun.
Umeksena naman si leslie isang beking beki sa club namin.
Leslie: oh ano magkwekwentuhan na lang tayo walang kainan?
Sir Adrian: hala cge kainan na.
Habang kumakain kami nakita ko si Jiro na nakatingin banda sa direksyon ko kasama niya sina japeth, rose, ismael, kathy at james mga kasama ko sa club at mga ka close din ni Jiro.
Tumingin ako sa paligid ko si Leslie lang ang kasama ko, kaya binalewala ko na lang.
Habang kamiy kumakain nagtanong sa akin si Leslie
Leslie: uy JJ nakatingin sa akin si Jiro oh. Oh My God!
Ako: baka bet ka niya...bet ka niyang patayin hahahahah...
Leslie: panira ka naman ng moment eh.
Ako: oh siya cge bet ka niya, mamaya yayain mo baka pumtol siya hahahah.. Kasi mag iinuman tayo, tapos lasingin mo.
Leslie: ay bongga yan, gusto ko yan.
Habang nagchichikan at kumakain kami ni Leslie biglang tinawag ni Leslie si Jiro.
Leslie: uy Jiro nakikita ko yung brief mo oh wag ka kasing bumukaka ng mabuti.
Jiro: ok lang yan hindi naman para sayo yan eh.
Leslie: ay ang sungit..
Ako: ikaw kasi eh napaka vulgar mo hahahaha yan tuloy...
Tapos na kaming lahat kumain at tagayan na. Hindi pala gaano umiinom si Jiro kaya nadismaya si Leslie sa balak niya. Nung nasa last bottle na kami inutusan ako ni Sir Adrian na bumili ng isang kahong redhorse.
Sir Adrian: oh JJ bumili ka ng isang case ng beer ha.
Ako: ok pero sinong sasama sa akin, malamang mabigat yun dba.
Sir Adrian: ahmm.. Jiro pwede pakisamahan mo si JJ bumili ng beer?
Ako: naku sir si Leslie na lang baka maka abala pa tayo.
Sir Adrian: naku hindi mo mahahagilap si Leslie nang ganitong panahon, alam mo naman kung nasaan yun dba.
Wala akong magawa kaya nagpasama ako kay Jiro. Wala kaming imikan habang naglalakad kami papuntang tindahan. Nung pabalik na kami dun siya nag salita.
Jiro: ahmm... Ako nga pala si Jiro
Ako: oo kilala kita lagi kang bukang bibig ni Leslie sa akin.
Jiro:ahhhh... Hahahah ganun ba. Bakit naman?
Ako: hindi ko alam, cguro crush ka niya.
Jiro: ahhh.. Ganun ba.. Ok lang yun.
Nang dumating kami sa cottage nakita ko si Leslie at yung mga kasamahan namin na nakitingin sa amin ni Jiro.
Leslie: ikaw ha. Akala ko hindi mo bet si Jiro.
Ako: huh? Te nagpasama lang ako isang kahon yung binili ko.
Leslie: pero infairness mas chemestry kayong dalawa.
Ako: tapos na ako jan. Microbiology na ako ngayon. Hahahahha
Tawanan kami ni Leslie sa pag uusap namin habang pag tingin ko kay Jiro ay nakatingin din pala ito sa akin.
Nag smile siya sa akin at ginantihan ko naman. Lumalalim na ang gabi at halos kaming lahat at may tama na nang alak. Kaya naisipan kung mag bon fire para may magawa. Nag hahanap ako ng mga kahoy sa may dalampasigan ng biglang sumunod sa akin si Jiro.
Jiro:anong gagawin mo?
Ako: gagawin kung paggatong sa bahay wala kasi kaming Gas eh. Hahahah...
Jiro: ay ganun?
Ako: eh. Joke lang ikaw naman gagawa kasi ako nang bon fire para maliwanag dba.
Jiro: pwede bang tumulong?
Ako: kung hindi labag sa kalooban mo at hindi ako nakaka abala sayo. Sure pwedeng pwedeng hahahah.. At samalat in advance.
Nang makapag ipon kami ng mga kahoy agad kung sinindihan ito at lahat kami ay nakapaligid dito. Chikahan ulit at kwentuhan ng mga kababalaghan. Habang nag chihikahan kaming lahat napatingin ako kay Jiro at nag salubong ang mga mata namin. Aaminin ko kinilig ako nung time na yun. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Sa straight lang talaga ako nagkakagusto. Sumapit na si haring araw at kamiy nag picture2x at umuwi na.
Mga 2 linggo na lang ay bakasyon na. At may biglang nag message sa akin sa FB.
Jiro: hi JJ kamusta na?
Ako: ito maganda parin at buhay pa naman, bakit?
Jiro: wala lang nangangamusta lang.
San ka pala mag babakasyon?
Ako: dito lang ako sa bahay nakakatamad kasi eh.
Jiro: ahh... Uuwi kasi ako sa amin.
Ako: mabuti at least makikita mo ulit yung family mo.
Jiro: oo nga eh pero nakakalungkot din kasi baka hindi na ako makabalik, baka kasi mag transfer ako ulit nang school.
Ako: ahh.. Ganun ba. Sayang naman.
Yun ang huling pag uusap namin ni Jiro aminin ko na nalungkot ako at nasaktan nang konti. At yun natapos na ang school semester.

Abangan ang next semester...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon