Self proclaim Girlfriend -4

28 5 0
                                    

"Ate Kei" Sigaw ni Honeyllyn, napatingin sa gawi namin si Kei at maging si Desteen. 'Pucha' nakakakaba! Ganto pala feeling ng matignan ng Desteen, nakakabakla pota.

"Uy! Nigel Troy" Nigel Troy daw? Ako yun diba? Kilala niya ako?

"Lah? Kilala mo ko?"

"Hala! Grabe ka. Oo naman classmate kita nung elementary ka grupo pa nga diba? Ito naman haha. Syempre kilala kita" kilala niya ako. KILALA NYA AKO?!

"Kilala mo pala ako, akala ko hindi mo man lang ako napapansin kasi naman masyado kang--" pinutol niya ang sinasabe ko at siya na mismo ang nagtuloy nito

"Masyado akong subsob sa pag aaral noon, gusto ko kase talagang makapasok sa school ko ngayon kaya nag sikap talaga ako. Kaya eto sa FFDBU na ako nag aaral" halata mo talaga sa boses niya ang kasiyahan na nakapasok siya sa paaralan niya ngayon.

"Ah kaya pala, kamu--" natigil ako sa pagtanong ng may humintong BMW hybrid sa harap ng bahay nila Kei, 'Ang gara ng sasakyan' at lumabas dito ang isang magarang si Kevin Yu! 'Tangina' nakakapamura lalo na't alam kong may relasyon sila! Nakakainis! Nakakabadtrip!

"Ah sige Nigel Troy, Kei thankyou dito ah isasauli ko rin ito kaagad, at kung hindi man ako ang makapag sauli nito sa iyo ipapaabot ko nalang kay Chelsea. Andiyan na kasi si Kevin sige bye" kumaway pa siya saamin ni Kei na ngayon ay magkatabi.

Tumango si Kevin sa amin tsaka pinagbuksan ng pintuan si Desteen.

"Pre, Kei dito na kami" saka siya pumasok sa driver seat at pinaharurot ang sasakyan niya. Pagkaalis nila halo halong emosyon na ang nararamdaman ko, andiyan yung masaya, kase buong akala ko hindi ako kilala ni Desteen pero nagkakamali pala ako, pero naiinis din ako, kung bakit dumating pa sa eksena yung Kevin Yu na iyon. Hindi ba pwedeng akin muna siya, kahit ngayon lang? Tsk! Nakakabakla na.

**

Nakapasok na kami sa bahay nila Kei, kahit di na niya ako ayain pumasok, papasok na ako mismo dahil bukod sa masaya at naiinis kong emosyon, nahahaluan ito ng pagtataka, bakit niya kilala si Desteen? Close ba sila? Kailan pa? Mga tanong na hindi ko masagot.

"Kei" tawag ko dito.

"O?"

"Bakit nandito si Desteen kanina?" Seryoso kong tanong.

"Nanghiram lang ng notes sa Physics"

"Paano? Close ba kayo"

"Hindi"

"Eh bakit nga siya nandito?!"

"Nanghiram nga ng notes."

"Tangina naman Kei. Sumagot ka nga ng maayos" nababadtrip na ako dito, tsk. Di naman to ganto pag may sakit eh.

"Maayos naman ah, tanga ka lang umintindi"

"Aba't--"

"Ge na. Kwekwento ko manahimik ka lang! Bakla"

"Tangina mo! Dali"

"Classmate ng pinsan kong si Chelsea si Desteen"

"Tapos"

"Teka! Kalmahan mo, punyeta! Taeng tae?"

"Ano na? Dali na kase Kei maayos na." Bumuntong hininga muna siya bago magsalita muli.

"Yon nga, mag classmate sila ng pinsan kong si Chelsea, tapos madalas silang magkasama, minsan niyayaya nila ko sa mall para mamasyal wala naman akong gagawin so, sasama ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Self Proclaim GirlfriendWhere stories live. Discover now