Self Proclaim Girlfriend -Proluge.

190 17 6
                                    

Proluge.

Desteen Marie (Love) : Love, kain kana wag kang papalipas ok?

Sweet talaga ng girlfriend ko. Siyempre dahil mabait akong boyfriend rereplyan ko siya.

Me: Love, Tapos na ako. How 'bout you? Wag din papalipas ok? I love you.

Desteen Marie (Love) : Yes love. I love you too.

*Pak*

"Ano ba Kirt! Tarantado ka talaga! Bat mo ko hinanpas ng dyaryo sa ulo" galaiting tanong ko sa kapatid ko.

"Naka shabu ka nanaman kuya eh! Gago ka talaga, Itetext mo gamit isa mong cellphone yang isa mo pang cellphone para kunwari si Ate Desteen yan. Gago! Wala kang maloloko dito. Tigilan mo na iyang kahibangan mo kay Ate Desteen." Anak ng, panira talaga tong kapatid ko. Tanginames. Masakit parin pala. Oo. Totoo yung sinabi ng magaling kong kapatid. Tinetext ko lang ang isa ko pang cellphone para kunyari siya ang aking Lovidubs na si Desteen Marie Lazaro na walong taon ko ng lihim na minamahal. Pota! Kadiri.

Hay.

Ang masaklap pa dito eh, ang alam ng mga kaibigan ko kami talaga ni Desteen, dahil kwinekwento ko sa mga ito na matagal na kami 'Kahit hindi naman talaga' at siyempre dahil kilala ako bilang maloko ayaw nila maniwala saakin, hindi naman nila magawang tanungin si Desteen dahil tiga kabilang eskwelahan ito. Sa akin lang sila nabase, ang akala nila totoong mahal ako ni Desteen. Ang akala nila totoong kami ni Desteen ang hindi nila Alam, SELF PROCLAIM GIRLFRIEND ko lang si Desteen. 'Awts'

-

The Epal Note: 

Hi. Hahaha. at ako ay nagbabalik para sa isa nanamang kwento. :) kamusta yung proluge? :) iwan naman kayo ng feedbacks. popost ko din ang first chapter after kong tapusin pansamantala eto muna. hahaha. pakisuportahan ang aking short story na ito. :) thankyou. 

-Lelera.♥

Self Proclaim GirlfriendWhere stories live. Discover now