Epilogue

27K 1.4K 242
                                    


(Adele Medina POV)

Maaga akong nawalan ng life dahil sa naging sakit ko sa puso. Dahil dito kaya hindi rin ako nakaranas ng love—'yung romantic one. But never in my wildest dream na mabibigyan pa rin ako ng pagkakataon na mahanap ito even after life.

Pumayag na si Xian na ipahiram ang katawan niya. Hindi ko man nakikita ang nangyayari dahil nakapiring pa rin ang mga mata ko, mas lalo ko lang naramdaman ang presensya ni Louie.

Ilang sandali pa, isang mainit na kamay ang humawak ng mahigpit sa mga kamay ko. Dahan-dahan niya akong hinila palapit sa kanya at saka bumulong sa aking tainga.

"Adele..."

Unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi ko. Boses na iyon ni...

"Louie."

Umangat ang kamay niya upang dahan-dahang tanggalin ang piring sa mga mata ko. Kasabay 'nun ang pagliwanag ng paligid. Ang dating pinapangarap ko lang na eksena, nagaganap na. Hinigitan pa nito ang expectations ko.

Nakatayo kami sa gitna ng isang hardin na napapalibutan ng mga puting rosas. 'Yung mga kumukuti-kutitap na ilaw ay naglalaro rin sa paningin ko. Pero ang atensyon ko, natuon na sa isang tao lang. Sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Niyakap na niya ako ng mahigpit. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na ang init ng hininga niya, ang higpit ng yakap niya, at ang tibok ng puso niya.

At si Louie. Si Louie ang tumupad nito.

* * *

Nasa rooftop pa rin kami ni Louie. Magkatabi kaming nakaupo sa may gilid ng building habang inaabangan ang pagsikat ng araw.

Nalalapit na rin ang pagtatapos ng 24 hours na palugit sa amin dahil nagsisimula na naming marinig ang boses nina Ate Giselle at Xian na may-ari nitong mga katawan na hiniram namin.

"Ano ba naman 'tong si Louie! Ang daming pwedeng pagpwestuhan, dyan pa talaga naupo!" reklamo ni Xian.

"Wag ka ngang duwag! Kalalaki mong tao eh!" asar naman sa kanya ni Ate Giselle.

"Delikado naman talaga ang katawan natin dyan sa pwesto nila."

Kunwari na lang hindi namin naririnig ni Louie ang bangayan nila. Gusto na lang namin na i-enjoy ang natitirang oras ng pansamantalang buhay na ito.

"Adele, pwede kong malaman kung kailan mo ako nagustuhan?"

Napaubo ako bigla. Nahiya ako sa tanong niya.

"Sabihin mo na para lahat ng tanong ay masagot na. Ako kasi, sa maniwala ka man o sa hindi, nagustuhan kita noong humiwalay ako sa katawan ko at inakala kong anghel ka."

Hindi ko napigilang mapangiti. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kilig, "Iyon ang unang beses na nagkita tayo, 'di ba?"

"Oo. Umpisa pa lang, nagustuhan na kita. Ikaw ba?"

Nag-isip ako at inalala ko kung kailan nga ba. Mayamaya pa, natawa na ako. "Noong time na naduwag ka kay Sandra. Haha!"

"Wow ha. Ibang klase pala sex appeal ko kapag natatakot ako. Pero ang tindi mong mang-asar kapag naduduwag ako."

"Syempre, para hindi halata." At natawa na lang kami sa isa't isa.

Sandali ulit kaming natahimik habang nakatanaw sa langit. Mayamaya pa, hinubad naman ni Louie ang suot niyang coat at ipinasuot ito sa akin. "Parating na 'yung isa pang ka-weirduhan mo."

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon