Chapter 11

15.9K 870 59
                                    


(Adele Medina POV)


Umaga na nang makarating kami sa bahay—este mansyon ng pamilya Chua. Nganga ang beauty ko sa ganda at laki ng kanilang bahay.

"Ang yaman niyo pala talaga, Louie. Ano pang ginagawa natin dito? Tara na sa loob!"

At mauuna na sana ako kaso pinigilan ako ni Louie, "Sandali! Ano kasi... may naalala lang ako bigla." napahawak siya sa kanyang noo, parang may malaking problema kami. "Na-feng shui pala 'tong bahay namin. May mga ginawa silang kung anu-anong ritwal sa mga sulok-sulok para hindi makapasok ang mga bad spirits."

Napaisip ako, "Ay makakapasok pa rin ako! Hindi naman ako bad eh!"

"Pero mumultuhin natin ang pamilya ko so counted as bad deed 'yun."

Kung kailan naman handa na kami, saka pa may ganitong abirya! Hindi pwedeng mangyari 'to! "Paano na tayo makakapasok sa loob?"

"Kapag hindi tayo nag-ingat, baka may mangyaring masama o masaktan tayo."

"Pero may misyon din tayong dapat gawin! Kapag hindi natin namulto ang pamilya mo, hindi nila tayo mapaghihiwalay. Hindi ka makakabalik sa langit! Ako nang unang susubok."

"Teka, Adele!" kumapit siya sa balikat ko at marahang itinulak sa may gilid. "Kargo ng kaluluwa ko kapag may nangyaring masama sa 'yo."

Nabigla ako sa sinabi niya. Na-touch. At heto na naman ulit 'yung pakiramdam na kahit wala naman na akong tumitibok na puso, parang may kumakabog sa dibdib ko. Patay na ako pero nahihirapan pa akong huminga.

"Kailangan pa rin nating subukang makapasok sa loob."

"Dahil ako ang lalaki, ako na."

"Si—sigurado ka?"

Tumango siya bilang sagot at naglakad na patungo sa harap ng gate. Slowmo pa nga ang bawat hakbang niya, kulang na lang ay isang epic na background music.

Lumingon pa siya sandali sa akin na para bang humuhugot ng lakas ng loob kaya naman hindi ko ipinagkait ang pagchi-cheer sa kanya. 

"Go Louie, kaya mo 'yan!"

"Thanks, Adele."

After thirty seconds.

"Um, Louie, ano na? Pasok ka na!"

"Wait lang."

After one more minute.

"Papasok ka ba talaga o ano?"

"Sandali lang naman kasi, humahanap ako ng tyempo!"

After five more minutes.

"Louie! Ten years na yata ang lumipas! Kailan ka ba papasok?"

"Heto na! Atat naman kasi!"

Dyusko ko! Halos mapaos na ako kaka-cheer, hindi pa rin siya pumapasok! Atras-abante ang mokong! Napabuntong-hininga ako. Ano pa bang aasahan ko sa duwag na si Louie?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya nang hindi niya namamalayan. Kasalanan niyang nainip ako kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan. Tinulak ko siya pero napigilan niya ang pagbagsak papunta sa loob.

"Ano ka ba! Alam mo namang delikado 'to, 'di ba? 'Wag naman magmadali kasi!"

"Ang OA mo naman kasi!"

"Heto na nga! Papasok na!"

Pero patawarin! Pag-angat pa lang paa niya, inabot na ng siyam-siyam! Hindi ko na talaga kinaya. Hinawi ko siya at lakas-loob nang naunang pumasok sa loob.

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon