Chapter 8

20.1K 878 164
                                    


(Adele Medina POV)


Magulo, maingay at masaya pala rito sa peryahan. Naiintindihan ko na si Ate Giselle kung bakit enjoy na enjoy siya kapag pinapayagan siya noon ng parents namin na makapag-lakwatsa rito.

Kung anu-ano ang pakulo rito na matatawa ka na lang. May nadaanan kami kanina na palaro ng pahabaan daw ng pagdighay! Meron ding bunong-braso at thumb wrestling! Bukod naman sa masasarap na turo-turong pagkain, may tindahan din ng mga laruan at souvenirs! Panalo rin 'yung mga cool rides at iba't ibang booths!

Samantala, hindi na namin kasama si Sandra dahil nang makakita siya ng horror house, nabuhay na naman ang dugong Sadako niya. Kami na raw muna ang bahala sa mga sarili namin. Malaki na kami at patay na. Ano pa bang pwedeng mangyari saamin? 

Dahil dyan kaya nagpasya rin kami ni Louie na hiwalay na mag-practice.

Mag-isa na akong nagpalakad-lakad at nakakita naman ng isang couple—mga nasa edad trese o katorse pa lang yata sila.  Sila na lang ang napili kong biktimahin. Idagdag na rin ang fact na medyo bitter talaga ako sa mga couples.

Paglapit ko sa kanila, agad ko silang binulungan, "Umuwi na kayo." Kaso naghintay ako ng mga ten seconds, wala naman silang naging reaction. Hindi nila ako narinig.

"Isa pa." Binulungan ko ulit sila—kumanta, nag-kwento, nag-pick-up line, ichinismis ang kapit-bahay namin, knock knock jokes, nag-recite ng multiplication table, lahat na—kaso hindi pa rin nila ako narinig!

"Adele..."

"Anak ka ng nanay mo!" napasigaw ako sa gulat. Paglingon ko naman, si Louie lang pala. "Anong ginagawa mo rito? Akala ko nambibiktima ka ng iba?"

"Ang dami ko na ngang nabiktima mula pa kanina."

"Talaga?"

"Oo. Tignan mo 'to!" upang magpakitang-gilas, bumwelo muna siya at saka sumitsit, "Ehem! Psst! Psst!"

Hindi nagtagal, may nagsilapitan ngang mga biktima niya—dalawang prosti! Parehong may itsura kaso ang kakapal lang ang make-up. Pero sobrang sexy nila! Maski ako, nalula sa taglay nilang cleavage!

"Sigurado kang may customer dito?"

"Oo. Dito nanggaling 'yung sumisitsit."

Napangisi si Louie pero nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, agad siyang nagpaliwanag, "Hindi ko sinasadyang sila ang lalapit ah!"

Bakit parang guilty naman siya? "Ano ka ba?" tinapik ko siya sa balikat, "Bakit ka nagpapaliwanag? Ang galing mo nga eh!"

"Ha?" napakurap siya ng mga mata, "Ano... kasi... oo nga. Sabi ko nga." napakamot na lang siya ng ulo at biglang yumuko.

"Paano mo nagawa 'yun?"

"Anong paano?"

"Anong sekreto mo? Kanina ko pa gustong biktimahin 'yung couple na 'yun kaso walang epekto! Hindi nila ako naririnig."

"Hindi mo ba sinunod 'yung sinabing technique ni Sandra? Kailangan galing sa diaphragm."

"Mahirap eh."

"Akala ko ba pang-The Voice ang boses mo?"

"Akala ko rin. Inuuto lang pala ako ng ate ko noong sinabi niya 'yun saakin."

Natawa siya. Pero nagulat rin ako nang bigla siyang lumapit saakin. Ipinatong niya ang isang kamay sa tyan ko. "Ganito lang 'yan, kapag hihinga ka, dapat mararamdaman mo ring naga-up and down ang tyan mo. But make sure na hindi kasamang gumagalaw ang balikat mo," saka niya ipinatong ang isa niyang kamay sa balikat ko. "Ulitin mo. Huminga ka tapos steady lang ang balikat."

Match Made After Life ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon