Chapter 32: Day With Him

2K 46 12
                                    

Chapter 32: Day With Him

 

Scarlett's POV

"Scarlett. Wag kang kabahan okay? Kaya mo yan. Just be yourself." Kanina ko pa yan sinasabi sa harap ng salamin. Kanina pa ako nakabihis. Sabi niya susunduin niya daw ako.

Kinuwento ko kay Ate ung about dito tas ayun kilig na kilig. Siya pa nga nag-ayos sakin eh. Lalagyan daw niya akong make-up kaya lang sabi ko ayoko. Binraid na lang niya ako saka nilagyan ng clip. Siguro naman okay na to? Lalabas lang naman kami eh. Wala namang sinabing date 'to diba? But I consider this as a date. Ano kayang meron at bigla na lang nag-aaya si Race?

November na nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Malapit na birthday ni Ate.

*peep peep*

"Scarlett! Anjan na ata ung sundo mo." Ayos lang naman kay Mama na lumabas ako basta magpapaalam.

"Opo!" Scarlett, wag kang kabahan. Hoooh. "Ma, alis na po ako." Saka ako kumiss sa cheeks ni Mama. "Ate." Tinanguan ko lang si Ate tas nginitian niya ako at naggoodluck sign. "Race."

"Let's go?" Tumayo na siya at lumabas na kami.

Naglalakad lang kami. Pero mas gusto ko 'to. Wala saming nagsasalita. Ang ganda talaga ng cherry blossoms. *u* Medyo may agwat samin. Nakakahiya naman kung isisiksik ko ung sarili ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Tinitignan ko lang ung mga cherry blossoms.

Nakarating kami sa mall. Tanghali na din kaya nagpasya kaming kumain na. Tinanong niya lang ung order ko tas siya na ung bumili. Libre niya syempre!!

"Okay lang ba sayo to?" Eto na pala siya. "Ubos na kasi ung gusto mo eh."

"Hehe. Ayos lang. Upo ka na." Magkaharap kami pero nag-iiwasan naman ng tingin. Ang weird naman namin. Hiyang hiya kami sa isa't isa. Or.. ako lang?

Natapos kaming kumain ng ganun lang. Tanong tanong lang minsan. Pero hindi pa din kami tumatayo. Kaya.. ako na lang magsasalita.

"Race." Napatingin naman siya nung tinawag ko siya. "Bakit mo pala ako inimbitahan?" Nakakapagtaka naman kasi kung biglaan.

"Gusto lang kitang makasama." Shiz. Isang salita lang niya eh kilig na kilig ako!!!! Pero bakit ako? Si Yana? Saka bakit gusto niya akong makasama? Matagal pa naman ung bakasyon eh.

"Ahh." Yun na lang ung sinabi ko saka tumingin sa mga tao eh. Pero ang boring nilang tignan!

"San mo gustong pumunta?"

"Eh? Mmm..ikaw ba? San mo gusto?"

"Gusto mo sa mag-arcade?" Nakakahiya naman. Hindi ako magaling sa ganun eh.

"Sige, okay lang."

Nagpunta na kami sa arcade. Puro.. mga couples? Hindi naman valentine ah! Napatingin ako sa toy catcher. Favorite ko yan eh.

My Prince of TennisOù les histoires vivent. Découvrez maintenant