Chapter 4: Love Triangle?

4.7K 130 31
                                    

Chapter 4: Love Triangle?

Scarlett's POV

"May crush ka ba kay Race?"

Yan ang question sa akin ni Tammy. Nahahalata ba niya? Aaminin ko, crush ko si Race pero hindi ko pa alam kung crush ko talaga siya bilang Race. Dahil sa tingin ko nakikita ko lang sa kanya si Ryoma kaya ganun. First time ko kasing makakita ng kamukhang-kamukha ng pananamit ni Ryoma at pati pagkilos. Anong sasabihin ko? Hindi ko pa ini-inform sa kanya kasi hindi pa ako sure.

"Best friend." Hindi ko sasabihin na crush ko nga kasi di pa naman ako sure.

"Scarlett. Sagutin mo yung tinatanong ko."

"Tam. Hindi. Hindi ko siya crush."

"Scarlett, yung totoo?" Halaa. Bat ba naman ganito magtanong si Tammy?

"Tammy. Hindi ko nga siya crush. Bakit ba? Mukha ba akong may crush sa kanya?"

"Scarlett, may crush ako kay Race."

"Ano?"

Ano daw? May crush siya kay Race? Ibig bang sabihin? Ayoko! Ayokong magkaaway kami ni Tammy nang dahil lang sa isang lalaki. Pero anong gagawin ko? Crush ko din siya eh.

Meron kasi kaming kasunduan ni Tam. Kung magkataon man na pareho kaming nagkacrush sa isang lalaki ay hindi kami mag-aaway. Walang kayang sumira ng samahan namin. Kaya kung sino ang unang magsabi na crush yung guy eh yung isa yung magpapaubaya.

Hindi ko akalain na mangyayari sa'min 'to. Kasi dati lagi namang magkaiba yung crush namin kasi magkaiba kami ng taste. Opposite talaga.

"Totoo. May nararamdaman ako para sa kanya."

"Talaga? Eh di okay yun." Yun na lang nasabi ko. "Palakad tayo kay Kuya Senpai Migs!" Sige lang Scarlett. Magkunwari kang masaya para sa kanya.

"Scarlett. Magbest friend tayo simula pa nung bata kaya kilala na kita. Wag ka nang magsinungaling. Alam kong gusto mo siya. Bakit di mo sabihin sakin? Magbest friend tayo diba?" Kilalang-kilala na talaga niya ako.

"Tammy. Hindi pa kasi ako sure eh." Pag-amin ko sa kanya. "Saka ikaw na unang nagsabi. Kaya sayo na siya."

"Best friend."

"Hmm?"

"Niloloko lang kita! Hahahahaha! Wala akong gusto dun noh! Hahahahaha. Nakakatawa ka!" Pagtawanan daw ba ako?

Ano?! Ibig sabihin?! Antanga ko! Si best friend talaga! Kilalang-kilala na niya ako samantalang ako hindi ko man lang nahulaan na ganun pala. Hmp! Kainis naman.

But, at least hindi niya gusto si Race.

Tammy's POV

Sobra yung tawa ko kay Scarlett. Hahahahaha. Akalain mo yun? Tama yung hinala ko! Hahahaha. Ang galing ko talaga at maganda pa! Hahahahaha. Grabe si Scarlett. Pulang-pula na siya ngaun sa galit. Hahahahahahaha. Sorry na lang sa kanya.

My Prince of TennisWhere stories live. Discover now