Sender # 12

214 8 0
                                    

Dear Ms Reyna katanungan, Gusto ko pong may masabihan nito and gusto ko rin po malinawan sana po matulungan nyo ko ..December 14, 2nd year High School po ako non Birthday po nung friend ko so nagpunta po kame sa bahay nila, Around 7:00 pm umuwe na po yung ibang bisita, Apat na babae na lang po kame natira si Ana yung friend ko, Si Risa at denden yung dalawang babae na barkada ko rin, we decided na sa kwarto nalang po ng Bestfriend ko kame magbidahan which is nasa second floor, Napunta po yung topic namin about sa crushes, Naunang nagconfess yung friend ko tas sumunod si Risa, tas sumunod po si Deden malihim syang tao kaya nagulat ako nung nag open din sya, At mas nagulat po ako nung ang sinabe nyang pangalan ay paherong pareho sa pangalang dapat sasabihin ko din, sya Si ALden masungit, gwapo matalino lalo na sa math, Sya Yung lalakeng first day palang ng pagiging 1st year Highschool ko pinatibok na puso ko, Yung lalakeng unang unang beses ko palang nakita humanga nako, Ang taong nagbigay meaning sakin ng Love at first sight, Nandon nako eh malapit na sa finish line pero may nakakuha na ng ribbon na dapat sana saken, Ayon na ko eh masasabe ko na yung kinikimkim kong sikreto pero wala eh naunahan ako Natahimik lang po ako non habang silang tatlo nagtitilian, Pinilit ko pong ngumiti, Nagparaya nalang ako kahit masaket inisip ko nalang na mas bagay sila na madali lang din sya magugustuhan non kasi pareho silang matalino kumpara saken na sobrang plain at baka gusto rin sya ni Alden dilang sinasabe, Turn ko na para mag confess, ibang pangalan po yung sinabe ko ayoko rin po kasi ng gulo kaya pinilit ko yung sarili ko sa ibang bagay At ibang tao na sobra namang hirap gawin,Hanggang sa nag 3rd year HighSchool kame kinimkim ko parin yun sa puso ko, 3years ko narin pala syang palihim na minamahal, palihim na sinusulyapan, ninanakawan ng tingin, stolen pictures at kung ano ano pa kahit nasasaktan ako pag nilalapitan at naguusap sila ni Denden, si Denden na mas naging close ko pa ng sobra,... Hanggang isang araw nag chat si Alden saken nagulat ako syempre, nangangamusta sya hanggang nagpatuloy yung chat-an naming dalawa umabot ng days, weeks hanggang umabot ng Months pinapansin narin nya ko sa school nag ngingitian kame at kahit papano masasabi ko naclose na kame And dumating na po sa point na nagtanong sya kung pwede na daw po ba syang manligaw may part po saken na masaya syempre long time crush ko sya oh higit pa ata dun, may part din saken na malungkot dahil na iisip ko padin si Denden humingi muna ko ng space kay Alden para mag isip at ayon nalaman ko nalang na ayoko ko ng lokohin yung sarili ko ayoko ng magtiis sa puro kimkim at saket this time ayoko ng magparaya, at kahit ano naman piliin ko may masasaktan parin po diba? Pag si Denden pinili ko masasaktan si Alden at pag si Alden naman pinili ko masasaktan naman si Denden, Gulong gulo ko that time kaya sinunod ko nalang puso ko, Newyear nung sinagot ko si Alden Masaya ko nung naging kame pero nalulungkot rin dahil kay denden, Naging Awkward sya saken at alam kong galit, Months past kame parin ni Alden pero hindi parin kame bumabalik sa date ni Denden gabi gabi ko syang iniisip lagi kong sinisisi sarili ko feeling ko ang sama sama ko na ayoko ng ganito kame, nasasaktan ako, tas Summer na nagkaroon kame ng outing magbabarkada kasama si Denden, nag game kame ng spin the bottle tumapat kay Denden tinanong sya nung classmate ko kung galet sya saken dahil kay Alden ang sagot nya ou, dumating pa daw sa point na nasira nya yung isang unan nya sa sobrang inis nakayuko lang ako non dahil nasaktan ako sa sinabe nya pero siguro nga deserve ko yun, sana kasi sya nalang nagustuhan ni Alden Sana bato nalang puso ko, pero lahat ng yon hanggang sana nalang. Nagkataon na iisa kame ng lalakeng ginusto ang problema isa lang ang puso ni Alden, Kung sya naman yung gusto ni Alden handa naman akong magparaya kasi mahal ko sila pareho, Kaya lang mag kaiba kame ng pananaw nagalit sya saken dahil don. Sana maintindihan nya ko, Nagmahal lang din ako katulad nya, Hindi ko naman ginustong magustuhan din ako ni Alden, Nagkataon lang na yung puso namin pareho ng tinitibok.Masama po ba ko? Mali po ba na pinili ko si Alden? Selfish na po bako? Ano po b ang dapat kong gawin?
Hoping, MsA

---

Dear MsA,

Hi MsA! So far as i know, eto na ata ang pinakamahabang kwento na humihingi ng advice sakin. Natutuwa ako kasi you manage to type out of all this at naibahagi mo sa akin ang iyong kwento. I'm glad, I'm part of it. :D 

Okay, Now let's get straight to the point.

You know MsA, Walang masama kung sinabi mo nalang in the first place sa mga kaibigan mo kung sino talagang lalaki ang gustong gusto mo. Lalo nang banggitin ni denden ang pangalang ng crush niya na crush mo rin. Come to think of it,  Sinabi ni denden dahil hindi niya tinatago iyon.She's just being honest and true to herself. Alam mo MsA, mahirap kasi iyong isang bagay na may kinikimkim ka sa sarili mo. There's no harm in saying na kung sino ang taong crush mo in front of your friends even may karibal ka.Tutal crush lang naman iyan,Hindi masama :D 

Bat ka ba nagparaya? Hindi naman masama kung pareho kayo ni denden ng inspirasyon sa buhay. Baka nga pag sinabi mo pa kay denden na pareho pala kayo ng crush, Maiintindihan ka niya. kaso ang problema hindi mo sinabi :D

Pwede naman ganito ehh...

Denden:Crush ko si alden!

MsA: Hala. crush mo rin pala si alden? crush ko rin si alden nung 1st year pa! 

at baka sabihin pa ni denden na...

denden: Talaga? kung ganoon pareho pala tayo. hehe

at baka ang susunod pa nga niyan makikisawsaw pa ang iba mo pang mga kaibigan at magbibiruan pa kayo kung sino ang mas matimbang sa puso ni alden kung si denden ba o ikaw.

at nangyari nga na ligawan ka ni alden at naging kayo. Hindi ba dapat na maging masaya ka? dahil ang taong gusto mo ay gusto ka na rin. Wag na wag mong sasabihin na dapat si denden nalang ang nagustuhan ni alden. bat mo pinamimigay si alden kung ikaw naman ang gusto ni alden? what if kung niligawan ni alden si denden, e di wasak ang puso mo ngayon diba? iiyak at masasaktan ka pa. 

Tandaan:Nasa huli lagi ang pagsisisi (Naniniwala ako diyan :D)

Hindi ka masama, You're a great friend dahil iniisip mo si denden and you really value the friendship. 

kailanman,Hindi naging mali ang piliin mo ang taong gusto mo na gusto ka rin. Ang mali, pag nagparaya ka at naghanap ng iba ang taong pinalaya mo at sa huli ikaw pala ang kawawa,iiyak,at masasaktan. 

Hindi ka Selfish. You did what is the right thing.Pinaglaban mo lang naman kung ano ang nararapat. Always follow your heart, ngunit hindi puro puso :D Kailangan nandiyan din si utak. Ang utak at puso ay magkakonektado. Kaya hindi pwede nandiyan si puso ngunit wala naman si utak. both of them ay dapat nandiyan :D

Maging masaya kayo ni alden, Kung talagang mahal ka ng kaibigan mo, Maiintindihan ka niya. Magkaunawaan kayo muli ni denden, clear the mess kung anong meron sa pagitan ninyo. Value the friendship.wag kayo magkakagulo magkakaibigan dahil sa iisang lalaki. Hindi naman tayo mauubusan diyan.EXPLAIN YOUR BOTH SIDES. Mga bata pa rin kayo at mas lalawak pa ang isipan niyo sa susunod na panahon and i hope you learned your lesson MsA.

Minsan kailangan rin natin lunukin ang ating Pride. Ang sobrang pride nakakasira iyan sa isang samahan. 

Wag nating kalimutan ang mga taong nagmamahal sa atin,dahil all the time sila lang iyong nandiyan. :) Sana maging okay na kayo ni denden so you shouldn't be worrying anymore.Lalo na sa kung anong meron man status kayo ni alden ngayon.

Sana nakatulong ako. 

Nagmamahal,

Miss Reyna katanungan

Confessions and True StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon